Chapter 1: Silip

1563 Words
"Nanay, ano kayang pakiramdam ng maging prinsesa?" tanong ni Layina sa kaniyang ina. Saglit na natigil sa paglalakad si Esmeralda ngunit agad ding nakabawi sa pagkabigla. "Hindi natin malalaman, Anak. Hindi naman tayo maharlika." "Oo nga po, Nanay. Hanggang paninilbihan na lamang sa palasyo ang dahilan kung bakit tayo nakakapasok doon." "May sarili naman tayong palasyo, hindi ba?" Sumilay ang munting ngiti sa labi ni Layina. "Oo naman, Nanay. Iyon ang pinakamagandang palasyo." Ang tinutukoy ni Layina ay ang kanilang munting tahanan. Bagaman hindi gawa sa bato ay matibay naman sa pagmamahal. Punong-puno ng saya lalo na kapag magkakasama silang buong pamilya, si Layina, ang kaniyang ama at ina, at ang kaniyang dalawang nakatatandang ate. Magkasabay na naglalakad ang mag-ina patungo sa palasyo. Nadadaanan nila ang matatayog na iba't-ibang klase ng puno. Humahalimuyak naman ang aroma ng mga halamang bulaklak na naglipana sa paligid. Kahit malayo ang nilalakbay araw-araw ay hindi napapagod si Layina dahil sa kagandahang ng kapaligiran. Nang lumipas ang isang oras ay nakarating na ang mag-ina sa bukana ng palasyo. Nakahanay ang mga unipormadong kawal sa tapat ng tarangkahan at nang makita ang mag-ina ay dahan-dahang tumabi upang bigyang-daan ang mga papasok na taga-silbi. "Magandang umaga, mga kawal," masiglang bati ng dalaga sa mga bantay. "Magandang umaga din." "Mas maganda ka pa sa umaga." "Magandang umaga rin sa inyo." Samu't-saring pagbati sa umaga ang isinukli kay Layina. Napapangiti na lamang si Esmeralda dahil sa pagiging palabati ng anak. Dati-rati ay tahimik lang itong bata ngunit ngayon ay medyo madaldal na. Nakalampas sa tarangkahan ang mag-ina at bumungad sa kanila ang napakagandang tanggapan ng palasyo. May dalawang malalaking sulo sa magkabilang-gilid. Ang mga disenyo sa dingding at bubong ay talagang napakaganda, iba't-ibang guhit at linya. Tumuloy ang dalawa sa loob at dumiretso sa silid ng mga taga-silbi. "Mabuti at dumating na kayo. Magmadali kayo at pumunta na sa inyong mga lilinising lugar," utos ng punong taga-silbi na nagngangalang Prostia. Tumango ang dalawa at kumuha ng mga gamit panlinis. Si Esmeralda ay may hawak na mga retasong tela bilang pamunas sa mga antigong bagay na lilinisan nito sa tabi ng silid-aklatan samantalang kumuha naman ng walis at timba na may basahan si Layina. Siya ay magwawalis at magpupunas ng mga daanan sa loob ng palasyo. "Layina, maglilinis ka lamang. Huwag kang mangingialam ng mga bagay-bagay dito," bilin ni Esmeralda sa anak. Minsan kase ay natagpuan niya itong pumupuslit sa loob ng silid-aklatan para magbasa. Sumaludo lamang si Layina at nagpunta na sa kaniyang lugar na lilinisin, ganoon din si Esmeralda. ----- Habang naglilinis si Layina ay dumaan ang mga kawal habang nag-uusap-usap. "Wala naman sigurong mangangahas na pasukin ang i***********l na silid?" tanong ng isa. "Siguro naman ay wala. Magpahinga muna tayo nang ilang sandali at bumalik din agad," sagot naman ng isa. Taimtim na nakinig si Layina kapagkuwan ay tumungo sa daan na pinanggalingan ng mga kawal. "Hindi naman siguro ako mahuhuli, 'diba?" pagkausap ng dalaga sa sarili. "Maraming beses na akong pumunta roon pero ni minsan ay hindi naman ako naparusahan. Gustong-gusto ko kase talagang puntahan ang silid na iyon. Kamangha-mangha ang aking mga nakikita, bagong-bago sa aking paningin." Mabagal na naglakad si Layina papunta sa silid na tukoy habang kunwari ay naglilinis pa rin. "Nasaan na kaya si Akibab?" ----- "Layina, bumalik ka dito," bulong ni Akibab. Ang matalik na kaibigan ni Layina at kapwa naninilbihan sa palasyo. Hagikhik lamang ang isinagot ni Layina at ipinagpatuloy ang pagsilip sa silid na i***********l puntahan ng kahit sino sa palasyo. Naging libangan na ni Layina ang pumuslit sa kwartong iyon, kaalinsabay naman niyon ang laging paghahabol ni Akibab sa kaniya. Aniya'y bawal silang pumunta sa parteng iyon at baka sila ay maparusahan ng kanilang Mahal na Hari. "Sumilip ka na, Akibab. Sa tagal kung pumupunta dito ay ni minsan hindi ka sumilip. Maganda sa mata ang iyong makikita, kakaiba sa lahat," sambit ni Layina at kapagkuwan ay tumingin kay Akibab. Nagniningning ang mga mata ni Layina at sa unang pagkakataon ay nahalina si Akibab na sumilip sa i***********l na silid. Unti-unti ay humakbang si Akibab patungo kay Layina. Magaan lamang ang bagsak ng kaniyang mga paa upang hindi mahuli kung sakali. Nang makarating sa pintuan ay pinagkasya niya sa maliit na siwang ang kaniyang mga singkit na mata. Umawang ang bibig ni Akibab at wari'y mapapasigaw na anumang sandali. Lumipat ang paningin niya kay Layina at nanlalaki ang mga matang humawak sa braso ng dalaga. Bago pa man may magawang ingay si Akibab ay inilapat na ni Layina ang kaniyang malalambot na kamay sa bibig ng matalik na kaibigan. "Huwag kang maingay, Akibab," ani ni Layina sa malamyos na boses. Tila alipin ang binata sa boses ni Layina. Kusang sumara ang nakabuka niyang bibig at sumilay ang munting ngiti sa kaniyang labi. Nagkatinginan ang dalawa at pawang nagkaintindihan sa susunod na gagawin. Kapwa tumango sa isa't-isa at sabay nilang hinawakan ang pinto habang maingat na itinutulak pabukas. Walang ingay na isinarado iyon ng dalawa upang makapaglibot sa loob ng silid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang paghanga na makikita sa mukha ni Layina kahit ilang beses na niyang nasilip ang loob ng kwartong ito mula sa maliit na siwang sa pinto. Maging ang mukha ni Akibab ay makikitaan ng paghanga. "Totoo ba sila, Layina?" aniya na hindi nakatingin sa dalaga at ang mga mata ay nakapirmi sa mga nilalang na nasa loob ng silid. Sandaling nag-isip si Layina at nagkamot ng kaniyang sintido. Hindi rin niya alam ang isasagot sa kaibigan. "Hindi ko rin alam, Akibab. Basta kapag sinisilip ko sila mula sa butas ay hindi naman sila gumagalaw," nagdadalawang-isip na sagot ni Layina sa matalik na kaibigan. Tumango-tango si Akibab at nilapitan ang isa sa kanila. Nais niyang suriin ang mga nilalang na nakapalibot sa kanila. Ang kaniyang angking kagandahang lalaki ay hindi mapantayan ang kakisigan ng mga nilalang na iyon. "Hindi kapani-paniwala ang angking kakisigan nila. Magaganda ang kutis," sambit ng binata habang kinikilatis ang kaanyuan ng mga nilalang. Uminit ang pisngi ni Layina at alam niya sa sarili na namula siya. Siguro ay magmula sa bumbunan hanggang talampakan niya ay namumula. May itinatagong paghanga ang dalaga sa isa sa mga nilalang na naroon. Bagaman magkakamukha ay bukod-tangi para sa kaniya ang isa. Lumapit si Layina sa nilalang na labis na nakakakuha ng kaniyang atensyon at pinagmasdan ito. Tinitigan niya ito sa mga mata na parang pinapasok ang isipan. Makalipas ang ilang segundo ay wala namang kakaibang nangyayari. Aalis na sana siya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang pagningas sa kulay pula ng mga mata ng nilalang. Naestatwa ang dalaga at nanatili ang titig sa nilalang. Naririnig niya ang boses ni Akibab na tinatawag siya ngunit para na lamang iyong huni na ayaw iparinig sa kanya sa hina at labo. Patuloy sa pagningas ang mata ng nilalang at siya naman ay nakatitig lamang dito. Sa pagtitig sa mga mata nito ay may mga imahe siyang nakikinita. Noong una ay mabibilis iyon at pawang mga anino lamang ngunit nang tumagal ay luminaw at nagkaroon ng anyo. Nakita niya ang nilalang sa kaniyang harapan habang tinuturuan ang isang batang lalaki na sumakay sa kabayo. Mabilis lamang iyon at nawala na ang ningas sa mata ng nilalang. Sa kabila ng mabilis na sandali, kitang-kita ni Layina ang saya na mababakas sa mukha ng dalawang nilalang. Ang bata ay labis Ang kasiyahan na animo'y iyon ana unang beses na makasama ang kaniyang ama. Ang nilalang naman na nagtuturo sa bata ay pagmamahal ang lubos na umaalpas sa mukha. Bumulagta ang katawan ni Layina at iyon ay labis na ikinagulat ni Akibab. Gumawa ng ingay ang pagbagsak ng dalaga kaya naman nakarinig agad siya ng mga mabibilis at malalakas na mga yabag papunta sa kanilang kinaroroonan. Mabilis na nag-isip ng gagawin si Akibab ngunit hindi sila pwedeng dumaan sa pinto para makatakas. Nakakita siya ng lamesa at wari niya ay kasya silang dalawa ni Layina doon. Binitbit niya ang katawan ng walang-malay na dalaga papasok sa ilalim ng lamesa at nanatili sila sa ilalim hanggang bumukas ang pinto. Mula sa ilalim ay kitang-kita ni Akibab ang mga paa ng mga kawal na pumasok sa silid. Sa tindig pa lamang ng mga iyon ay dapat nang tingalain. "Anong ingay ba ang inyong narinig? Bakit parang wala namang nagbago sa silid na ito?" tanong ng punong-kawal sa mga guwadiya. Nagkatinginan naman ang mga guwardiya. "Basta may narinig lang po kaming parang nahulog na nanggagaling sa kwartong ito," sambit ng isa na may patingin-tingin pa sa kabuuan ng kwarto. Umiling ang punong-kawal at nagsabi, "Siguraduhin ninyong walang sinuman ang makakapasok dito. Mariing i***********l ng Hari na may makapasok dito. Hindi pwedeng makita ng mga nasasakupan ang mga nilalang na ito. Darating ang tamang panahon para sila ay ipakilala. Umalis na tayo." Nang nasigurado na ni Akibab na nakaalis na ang mga guwardiya at ang punong-kawal ay lumabas na siya sa kanilang pinagkukublihan bitbit pa rin si Layina. Ang kanang kamay niya ay nakawak sa baywang ng dalaga bilang suporta at ang isa naman ay nasa kanang kamay ni Layina na pilit niyang inihahawak sa kaniyang kaliwang balikat upang mabalanse ito sa pagkakatayo. Ilang minutong nakatayo ang dalawa sa loob ng silid habang si Akibab ay nag-iisip ng paraan kung paano sila makakalabas sa silid na kanilang kinasasadlakan. Maya-maya ay nagmulat na rin ng mga mata si Layina at biglang nagsalita. "Stab Fush, my King."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD