Kinaumagahan, nagising ako nang makaramdam ng paghilab ng tiyan dahil sa gutom. Naghikab pa ako at nag-inat nang mga braso nang may biglang dumaing.
Naging alerto ako bigla at bumalikwas sa pagkahiga. Nagulat ako nang makita ko si Mikael sa tabi ko na natutulog at walang suot na damit. Dahil sa pagkabigla ko, nasipa ko siya at nahulog siya sa kama.
“Aray!” reklamo niya. “Bakit ba?” tanong niya nang nakapikit pa ang mga mata.
“Ano’ng bakit? Ikaw ang bakit nakahubad? Bakit ka dito tumulog sa kama ko?” Galit kong tanong sa kaniya.
Pero ang g*go, nakatitig lang sa dibdib ko habang nakangiti nang nakakaloko. Nang tiningnan ko ang sarili ko, napasigaw ako dahil nakahubad din pala ako. Kinuha ko agad ‘yong kumot at tinakpan ang sarili ko.
“Hindi mo pa matandaan ang nangyari sa atin kagabi?” tanong niya habang nakangiti pa rin.
Pinilit kong tandaan pero masakit ang ulo ko, baka dahil sa hang-over. Tama, uminom kaming dalawa kahapon. Wala naman do’n bago, palagi naman namin ‘yong ginagawa, pero paano’ng nangyari na magkatabi kaming natulog nang nakahubad.
Bago ko pa mahagilap ang tanong sa sagot ko, biglang tumayo si Mikael at napatitig ako sa alaga niya na tayong-tayo rin habang nakatutok ‘yon sa akin.
‘Wow, saba,’ ‘yon ang una kong naalaala, pagkatapos ay ang mga sunod-sunod na mga pangyayari kagabi ang pumasok sa isipan ko. Natutop ko na lang ang bibig ko, hindi makapaniwala na ‘yong sampung taon na platonic relationship namin bilang matalik na magkaibigan ay nauwi lang sa one night stand.
“Uy, bakit ka naiiyak?” nag-aalalang sabi ni Mikael habang nakaupo na sa tabi ko.
Hindi ko alam na nanunubig na pala ang mga mata ko. Tiningnan ko na lang ang mukha niyang bilugan na may balbas. Naalala ko pa na ako ang nag-suggest sa kaniya no’ng nasa college pa lang kami na magpatubo siya ng balbas para matakpan ang taba niya sa mukha at sinunod naman niya ako.
Hindi ko yata kayang mawala siya sa akin. Siya lang ang tanging permanente sa buhay ko. Nandiyan pa naman ang nanay ko, pero iba si Mikael. Kahit ano’ng trip ko sa buhay, sinasakyan niya lang. Sa lungkot at saya, lagi siyang nasa tabi ko.
Umalis ako sa kama at tumayo para magbigay ng distansiya sa aming dalawa. “Magbihis muna tayo saka tayo mag-usap,” seryoso kong sabi.
Mukhang gusto pa niyang magprotesta pero hindi na niya tinuloy. Iniisa-isa niyang dinamput ang mga damit niya bago siya lumabas ng kwarto ko. Nanghihina akong napaupo sa kama at napahilamos sa mukha ko. Bakit ba namin hinayaang mangyari ‘yon? Pero sa pagka-alala ko, pareho namin ‘yon na kagustuhan kahit pa na lasing kami at talagang nag-enjoy kami kasi nakailang round kami, eh. Hindi, hindi muna ako mag-iisip ng kung anu-ano. Hihintayin ko munang marinig ang mga sasabihin ni Michael.
Paglabas ko ng kwarto nang nakabihis na, nakita ko na nakaupo si Mikael sa sofa at suot na ulit ‘yong damit niya kagabi. Mabilis na tumatapik ang isa niyang paa sa sahig habang magkasalikop ang mga palad na para bang nagdadasal. Mukhang malalim ang iniisip niya.
Tumikhim ako at napatingin siya sa akin. Agad siyang napatayo at mababasa sa mukha niya ang pagkabahala. Umupo ako sa harap niya at ginaya niya rin ako. Ilang sandali ang lumipas nang walang nagsasalita sa aming dalawa.
“Totoo ba ‘yong mga sinabi mo kagabi, o dala lang ‘yon ng kalasingan?” pagbabasag ko sa katahimikan.
“Totoo ‘yon, best,” sagot naman niya agad.
Parang nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sagot niya. Pero bakit ‘best’ pa rin ang tawag niya sa akin? Pagkatapos ng mangyari kagabi, alam kong hindi na kami pwedeng bumalik sa pagiging mag-best friend lang. Ayoko rin naman na mawala siya sa akin at mas lalong ayaw kong maging ‘best friends with benefits’ kami dahil pareho lang kaming dalawang masasaktan kapag nagkagano’n.
“Sabihin mo ulit ‘yon,” utos ko sa kaniya. Mas kapani-paniwala kung sasabihin niya ‘yon nang walang alak sa sistema niya.
Nagkatitigan kami. Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag kung ano ‘yong gusto kong marinig ulit na sasabihin niya dahil masyadong kilala at kabisado na namin ang isa’t isa kaya alam na niya kung ano’ng pinupunto ko. May mga bagay na hindi na namin kailangan ipaliwanag o sabihin dahil sapat na ang mga titig namin para malaman kung ano’ng gusto naming ipahiwatig sa isa’t isa.
“Mahal talaga kita, best,” buong-tapat niyang sabi.
“Best? Mahal mo ba ako bilang kaibigan o higit pa ro’n?” panglilinaw ko. Mas mabuti na ‘yong klaro. Sa panahon ngayon, mahirap ng maging assuming.
Hindi agad siya nakasagot kaya kinabahan ako. Mali kaya ang pagkaintindi ko sa kaniya? Pero ‘yong titig niya at halik kagabi, hindi ‘yon ang pagturing lang ng isang kaibagan. Hindi kaya… pagnanasa lang ‘yon na dulot ng alak. Nainis ako bigla.
“Kung nagdadalawang-isip--”
“Pareho,” sagot niya sabay tayo.
Kumunot ang noo ko, mas lalong akong naguluhan sa sagot niya.
Nagpalakad-lakad siya sa harap ko bago huminto at hinarap ako. “Hindi ba kita pwedeng mahalin bilang best friend at… bilang isang lalaki? Hindi naman siguro mali ‘yon, ‘di ba?”
“Ewan ko sa ‘yo,” inis kong sabi. Kahit siya mukhang naguguluhan kaya pakiramdam ko tuloy hindi pa siya gano’n kasigurado sa nararamdaman niya para sa akin.
Bumuntong-hininga siya at tumabi sa akin. “Best…” sabi niya na nagpataas ng kilay ko. Kinuha niya ang mga kamay ko at kinulong ‘yon sa mga palad niya. “Trisha, nasa college pa lang tayo, mahal na kita,” pag-aamin niya.
Napatingin ako sa kaniya para suriin kung nagsisinungaling siya. Wala naman akong mabasang pag-aalinlangan sa mga mata niya. “Bakit hindi mo sinabi?”
Binitawan niya ang mga kamay ko. “Pa’no ako magkakalakas-loob kung lahat ng lalaking naka-date mo puro mga maskulado o mayayaman. Kung hindi naman, sobrang gwapo o sikat sa eskwelahan natin? Ano naman ang laban ko sa kanila? Para lang akong ‘yong matabang aso na bubuntot-buntot sa ‘yo. Ni sasakyan nga, wala ako, nakikisakay lang ako sa ‘yo hanggang ngayon. Tapos palagi mo pang inaasar ‘tong tiyan ko.”
Hindi ko mapagkakaila na nabigla ako sa mga sinabi niya. Wala akong kaalam-alam na marami pala siyang kinikimkim na mga insecurities.
“At saka ‘pag sinabi ko no’n, pakiramdam ko, pagtatawanan mo lang ako o ang malala, iiwasan mo na ako. Ayoko rin naman masira ‘yong pagkakaibigan natin,” dagdag pa niya.
Kunsabagay, may punto rin naman siya. “Eh bakit mo naman naisipan na magtapat ngayon?” curious kong tanong.
“Kagabi lang kasi kitang nakita nang sobrang malungkot. Pakiramdam ko, mawawala lang ‘yong lungkot na ‘yon ‘pag nalaman mo na may lalaking nagmamahal sa ‘yo,” sabi niya habang kinakalikot ang kaniyang mga daliri.
Ginagawa niya lang ‘yon ‘pag hindi siya kumportable. Mahirap din siguro para sa kaniya na sabihin ‘yong nararamdaman niya. Gano’n naman karamihan ng mga lalaki.
Ako naman ngayon ang humawak sa kamay niya kaya tumigil na’ng pagkakalikot niya sa mga daliri. “Salamat,” sabi ko.
Naintindihan ko na ngayon kung bakit niya ako sinagot na pareho niya akong mahal bilang best friend at lalaki. Umamin siya ng nararamdaman niya para sa akin para hindi na ako malungkot at hinalikan niya ako para maparamdam sa akin ‘yong nararamdaman niya.
Hinawakan niya ang mukha ko. “Totoong mahal kita, Trisha. Kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon, papatunayan ko ‘yon sa ‘yo.”
Lumapit ako sa kaniya at dinampian ng halik ang mga labi niya. “Pinipili na kita ngayon, Mikael,” sabi ko.
Kasabay ng pagliwanag ng mukha niya ang pagngiti niya nang malapad. “Girlfriend na kita ngayon,” sabi niya nang walang pag-aalinlangan.
“Hindi mo pa nga ako nayayang mag-date, tapos girlfriend mo na ako?” sabi ko sabay irap.
“Do’n na rin ‘yon papunta,” kumpiyansa niyang sabi. “At saka naka-score na nga ako kagabi, nang maraming beses,” dagdag pa niya.
Binatukan ko pa siya. “I-date mo muna ako bago makaka-score ulit.”
“Oh sige, gusto mo ngayon na. Linggo naman ngayon. Manood tayo ng sine sa mall,” masiglang-masigla niyang sabi at tumayo agad.
“May pambayad ka ba?” tanong ko habang nakataas ang kilay.
“Siyempre meron. ‘Wag mong minamaliit ‘tong boyfriend mo,” sabi niya na may kasama pang pagtapik sa dibdib niya.
“Talaga lang, ha,” sabi ko nang may pagdududa.
“May sobra pa ‘yong pinadala mo sa akin sa e-cash. Puwede pa natin 'yon pambili ng ticket at popcorn” sabi niya habang nakakamot sa ulo.
“Magluto ka na muna ng almusal natin saka tayo lumabas.” Tumayo na rin ako at akma nang papunta sa kwarto ko.
Hinawakan niya ako sa braso. “Teka, sa’n ka pupunta?”
“Maliligo, ano pa ba?” sagot ko.
Pilyo siyang ngumiti. “Sabay tayo?”
Hinila ko ‘yong braso ko. “Manigas ka diyan,” sabi ko sabay talikod habang nakangiti.
“Kanina pa ‘to naninigas,” sagot din naman agad niya.
“Kamayin mo na lang ‘yan,” panunukso ko bago sinara ang pinto ng kwarto ko.