Chapter 6 Paglalasing

1802 Words
Dalawang linggo ng palagi kaming magkasama ni Mark. Gabi-gabi kaming nagka-clubbing at pagka-sabado at linggo, nililibot namin ang buong Makanto City. At siyempre, hindi mawawala ang pagse-s*x namin, kahit na pa madalas akong mabitin. Ayos lang ‘yon dahil masayang kasama si Mark, ‘yong tipong game siya sa lahat. Palaging bukambibig ba naman niya ‘yong ‘you only live once’ kaya kung makapag-party siya ay parang wala nang bukas. At major turn on ‘yon sa akin kaya sobrang nag-enjoy talaga akong kasama siya. Pero pagkatapos ng dalawang linggo na ‘yon, bumalik na sa America si Mark. Tapos na raw kasi ang vacation leave niya sa trabaho kaya kailangan na niyang umuwi. Bago siya umalis, sinabi naman niya na palagi kaming magvi-video call. At naniniwala naman ako. Lumipas ang isang linggo pero ni minsan, kahit isang beses hindi kami nakapag-video call o nag-chat man lang. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nag-message sa kaniya pero puro seen lang at ni isang reply wala akong natanggap. Sinubukan ko na rin siyang i-video call ‘pag naka-online siya pero hindi niya sinasagot o hindi niya tinatanggap ang tawag ko. At ngayon nga, naka-block na ako sa account niya. Parang gusto ko tuloy batuhin itong cellphone ko dahil sa magkahalong dismaya at inis na nararamdaman ko. Pinigilan ko na lang ang sarili ko at pumunta sa kusina at kumuha ng beer. Kahit maglasing ako, okay lang kasi sabado naman ngayon. Nakaubos na ako ng dalawang boteng beer pero hindi pa rin maalis ang inis ko. Bwisit na paasang lalaki na ‘yon. Bwisit talaga. Kukuha pa sana ako ng beer sa ref pero wala na pala. Padabog ko pa ‘yong sinara at lumabas para makabili ng beer kahit na alas nuwebe pa lang ng umaga. Habang hawak-hawak ang ecobag na may laman na ilang bote ng beer, nakasabay ko pa ang hot kong kapit-bahay na si Reynald. May dala siyang loaf bread, mukhang pang-almusal niya. Nagkatinginan kami at pareho lang na tumango. Dahil sa naglilikha ng mahinang pagkalansing ang mga bote na dala ko kaya napatingin si Reynald sa hawak kong ecobag. Hindi ko na tiningnan ang reaksiyon niya at wala rin naman akong pakialam kung ano’ng iisipin niya tungkol sa akin. Wala naman masama kung mismo ‘yong babae ang bibili ng alak at iinom kahit ba umaga pa lang. ‘Yong mga makikitid lang ang mag-iisip na hindi gawain ‘yon ng isang matinong babae. Kunsabagay, hindi naman talaga ako matino lalo na kung ang ibig sabihin ng matino ay ang pagsunod sa pamantayan ng kung pa’no dapat kumilos ang isang babae. ‘Yon kaya ang dahilan kung bakit iniwasan na ako ni Mark. Masyado ba akong liberated at wild? Kung ‘yon nga ang dahilan, dapat prinangka niya na lang ako, hindi ‘yong paaasahin ako. “Bwisit,” ‘di ko napiglan na maibulalas. “Hindi rin ba maganda ang gising mo?” tanong ni Reynald. Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam pero mas lalo lang nadagdagan ang inis ko sa pagngiti niya. Iba ‘yong dating ng ngiti niya, ‘yon bang parang nakakainsulto kung kaya’t hinarap ko siya. “Ano bang problema n’yong mga lalaki? Bakit mahilig kayong magpaasa sa aming mga babae? Bakit ba hindi n’yo na lang kami diretsahin at makipaghiwalay kaysa sa mang-ghost kayo? Ang tapang-tapang n’yong makipaglandian pero ‘yong simpleng pagsabi lang ng ‘ayoko na’ ‘tapusin na natin ‘to’, umuurong ‘yang mga dila n’yo. Para kayong mga walang b*yag!” walang preno kong sabi. Napaatras si Reynald sa mga sinabi ko. Kita ko talaga sa mukha niya ‘yong magkahalong gulat at kaunting takot. Buti na lang at saktong bumukas ang elevator pagkatapos kong mag-rant kaya nakaalis agad ako. Nahimasmasan na lang ako nang nasa pintuan na ako ng condo ko. Hindi ko agad ‘yon binuksan at hinintay si Reynald kasi magkatabi lang naman ang condo namin. Hindi rin nagtagal at dumating siya. Bago pa siya makalagpas sa akin ay hinarap ko ulit siya. Wala na akong may makitang emosyon sa mukha niya. “Pasensiya na sa mga sinabi ko. Hindi ko ‘yon sinasadya at hindi na rin mauulit,” sabi ko at agad na pumasok sa condo ko. Napabuntong-hininga na lang ako pagkapasok ko at dumiretso sa living room. Nilagay ko muna ang binili kong beer sa lamesa at saka sumalampak sa sofa. Bakit ko ba ‘yon nasabi sa kaniya? Pero kahit pa’no gumaan ang pakiramdam ko. At saka nakahingi na ako ng pasensiya kaya okay na ‘yon. Naubos ko na ang lahat ng beer pero gusto ko pa ring uminom, ‘yong hard sana. Beer lang kasi ‘yong mayroon do’n sa napagbilhan ko. Tapos ang tagal pa ng best friend ko, kanina ko pa ‘yon na-text at nagpadala na rin ako ng pera sa e-cash account nito pambili ng gin at pampulutan na din. Nanood na lang ako ng tv hanggang sa nakatulog. Paggising ko, may naamoy ako na masarap na luto. Tiningnan ko ang relos, alas dos na pala. Pagpunta ko sa kusina, naghahain si Mikael ng adobong manok. “Akala ko gigisingin pa kita. Hayan, pinagluto na kita kasi mukhang ‘yong beer ang pinang-almusal mo,” sabi ni Mikael. “Ang tagal mo kasi,” ang tanging nasabi ko at umupo na para kumain. “Ba’t nakatayo ka pa diyan? Sabayan mo na ako. Para kang tanga,” sabi ko. Umupo na siya sa tabi ko. “Ano, masarap ba, best?” tanong niya. Nagkibit balikat ako. “Hmm, pwede na.” “Wow, nakakahiya naman sa’ yo. ‘Kaw nang pinagluto tapos choosy ka pa,” may himig na pagtatampo nitong sabi. Masarap naman talaga ang luto nitong best friend ko, gusto ko lang asarin. Ang dali kasi nitong mapikon. “Kaya walang babaeng nagtatagal sa ‘yo, masyado kang pabebe,” pang-aasar ko ulit sa kaniya. “At least hindi ako ‘yong iniiwan,” sabi niya sabay subo ng kanin. Padabog kong binitawan ang hawak kong kutsara at tinidor. Pinaalala pa talaga niya. “Nawalan na ako ng gana,” sabi ko at tumayo na. Hinawakan ni Mikael agad ang kamay ko. “Hoy, wag kang magpabebe, best. Hindi bagay sa ‘yo. Kumain ka na lang,” sabi niya. Tama naman ‘tong best friend ko at saka masarap talaga ‘yong adobo. Umupo ako ulit at kumain kaming dalawa habang nagkukwento ito tungkol do’n sa project niyang ginagawa. Isang freelance graphic designer si Michael, okay naman ‘yong kita kaya lang ‘pag wala siyang project, wala rin siyang kita. Pero ‘yon daw ang passion niya kaya support na lang ako sa kaniya. Pagkatapos naming kumain, nanood muna kami ng pelikula. Bandang alas singko na nang magsimula kaming uminom. Gin bilog at sandamakmak na tsitsirya ang pulutan namin. Siyempre tanggero ang best friend ko. Mauubos na ‘yong bote ng gin nang nagsimula na akong mag-rant tungkol sa paasa niyang pinsan na si Mark. “Sinabihan na kita. Nagbabakasyon lang ‘yon dito pero ayaw mo talagang magpaawat, ‘yan tuloy ang napala mo,” may himig na paninisi niyang sabi. “Wala naman ‘yong problema. Ang nakakabwisit lang diyan sa pinsan mo, isa siyang duwag! Wala siyang b*yag!” sabi ko nang nakaupo na sa malamig na sahig na tile. Binuksan lang ni Mikael ‘yong isang supot na tsitsirya habang nakaupo sa pang-isahan na sofa. Sanay na ito sa akin kaya hindi na siya nabibigla sa mga pinagsasabi ko. “Bakit ka talaga nagagalit, best? Marami na’ng lalaki ang gumawa niyan sa ‘yo pero ‘di ka naman apektado. ‘Wag mong sabihin na-in love ka--” “Hindi, okay,” panglilinaw ko bago nilagok ‘yong alak. “May tatlong buwan at isang linggo na lang ako para makahanap nang lalaking mababaliw sa akin. Akala ko siya na ‘yon, bwisit, paasa talaga,” Ngumunguya pa ng tsitsirya si Mikael nang magsalita ito. “Bakit mo pa kasi sinabi ‘yon? Alam mo naman na ‘di ka mananalo ro’n sa... ano nga ang pangalan ng babaeng ‘yon?” “At bakit? Ano bang mayroon ‘yong Marie na ‘yon na wala ako?” inis kong sabi. “Virginity,” agad na sagot ng ungas kong best friend. “P*tang inang virginity ‘yan!” pasigaw kong sabi. “Bakit, naging virgin din naman ako, ah? Pero ‘yong g*go na lalaki na ‘yon, ‘di na nagpakita pagkatapos makuha ang virginity ko. Napakag*go n’yo talagang mga lalaki.” “Hindi lahat ng lalaki g*go. May mga matitino na nandiyan lang sa tabi-tabi, hindi mo lang pinapansin. Mas pinipili mo kasi ‘yong mga g*go,” sabi ni Mikael. Napasandal ako sa sofa at napatitig sa kisame na kulay puti. “Wala ba talagang lalaking magseseryoso sa akin? ‘Yong magmamahal sa akin?” tanong ko nang pabulong. Required ba talaga na maging virgin ang babae para seryosohin o mahalin siya? Alam kong hindi ‘yon totoo, based na rin sa sarili kong karanasan. Pero ano nga ba ang kailangan gawin ng isang babae para mahalin siya ng isang lalaki? Faithful naman ako, basta may boyfriend, hindi na ako nakikipaglandian sa iba. Hindi rin naman ako nagpapabili ng kung anu-ano sa lalaki kasi kaya ko naman bilhin ang mga luho ko at nagsi-share rin ako ‘pag nagdate na, paminsan ako pa nga nagbabayad at ayos lang ‘yon. At pinakaimportante sa lahat, pinapaligaya ko naman sila sa kama. Maliban do’n, ano pa ba ang dapat kong gawin para mahalin ako ng lalaki? Kung noon wala akong pakialam kung mahalin nila ako, mas mabuti nga kung hindi na lang. Mas nagiging komplikado lang ang relasyon kung may kasalong pag-ibig na ‘yan. Pero iba na’ng sitwasyon ngayon. Gusto kong patunayan sa Marie na ‘yon at sa lahat ng mga taong pareho niya na makikitid kong mag-isip na ang mga babaeng tulad ko ay hindi lang pangkama kundi pangdambana din, ‘yong minamahal at pinakapasalan. Pero may lalaki ba na gagawa no’n sa akin? Mayroon ba talaga? Naramdaman ko na lang may humahaplos sa mga pisngi. Si Mikael pala at nasa tabi ko na siya. “Kung saan-saan ka pa kasi tumitingin, nandito lang naman ako,” seryoso niyang sabi. “G*go, hindi mo naman ako type,” pabiro kong sabi. Medyo naiilang ako sa paghaplos niya sa pisngi ko at sa mga titig niya sa akin. “Kung alam mo lang, Trisha,” sabi niya sa medyo husky na boses. Hindi ko na matandaan kung kailan niya ako tinawag sa pangalan ko, pero may kakaibang hatid ‘yon na hindi ko maipaliwanag. Hanggang sa unti-unti niyang nilalapit ang mukha sa akin at naglapat ang mga labi namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD