Chapter 5 Nabitin

1824 Words
May napakaingay na tunog ang kumukulili sa tenga ko. Ayaw ko man gumising pero napilitan akong imulat ang mag mata ko at hinagilap ng kamay ko ang bwisit na alarm clock na 'yon na nasa maliit na mesa na katabi ng kama ko. Nang makuha ng kamay ko, pinindot ko 'yon at tumahimik na rin. Pinikit ko muna ang mga mata ko ng ilang sandali bago tiningnan ang alarm clock na hawak ko pa rin. Alas sais na. Napaungol ako at tumihaya. Kailangan ko nang bumangon at baka mahuli ako sa trabaho ko. Dahan-dahan akong tumayo at dumiretso sa bathroom para maligo. Pagkatapos ng 45 minutes, nakapag-ayos na ako. Nagpowder lang ako at nag-lipstick, sa opisina ko na lang tatapusin ang pagmake-up. Paglabas ko ng kwarto, nasa couch pa rin si Mikael at natutulog. Sinuot ko agad ang stilettos ko at halos takbuhin ko na papuntang kusina para lang kunin ang sandwich na ginawa ni Mikael para sa akin. Pagkasakay ko ng elevator, nakasabay ko na naman 'si Reynald. Nakasuot siya ng polo at slacks at nakasalamin, pero ang hot niya pa ring tingnan. Matangkad, moreno, matangos ang ilong at matipuno ang katawan. Kahit na medyo maluwang ang polo niya, halatang nagwo-work out siya. Hindi ko lubos maisip kong pa'no nakaka-focus ang mga babaeng estudyante niya kasama na'ng mga beks. "Good morning," bati niya nang nakangiti. 'Yong tipong ngiti na makalaglag panty. Tipid ko lang siyang nginitian at paulit-ulit na sinabi sa sarili na hindi ko siya type. Nang bumukas ang elevator, dali-dali akong pumunta sa park at sumakay sa kotse ko. Executive assitant ako ni Mr. Sandoval, ang CEO ng V&Z Resort na pinakamalaki at pinakasosyal na hotel sa buong lungsod ng Makanto. Kinakain ko ‘yong egg and ham sandwich habang naghihintay na umusad ang mga sasakyang nasa unahan ko. Buti na lang talaga at pinaghanda ako ni Mikael ng sandwich kung hindi baka umatake na naman ang ulcer ko. Nakasanayan na talagang gumising ni Mikael nang maaga para gawan lang ako ng sandwich tapos matutulog na siya ulit. Ginagawa niya lang naman ‘to ‘pag nag-clubbing ako tapos may pasok kinaumagahan. Sweet at thoughtful talaga ang best friend ko. Gumalaw din ang mga sasakyan at nakarating din ako sa kompanya. Sinilip ko muna ang opisina ni Mr. Sandoval kung nando’n na siya. Gaya ng inaasahan ko, wala pa siya. Bumalik ako sa sarili kong opisina at tinapos ang pag-makeup. Binuksan ko na ang computer at nag-umpisa ng magtrabaho. Nang dumating na si Mr. Sandoval, pumasok ako sa opisina niya na dala-dala ang kape niya na black coffee without sugar. Pormal ko siyang binati bago nilagay ang kape sa mahogany desk. Hawak ko ang folder kung saan nakalagay ang itinerary niya para sa araw na ‘to. Nang binabasa ko na ang itinerary niya, ramdam kong hinahagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, tapos magpipirmi ang titig niya sa mga dibdib ko. Nakasuot ako ngayon ng blazer, tube top, at pants-- sa kabuuan ay isang pormal na corporate attire. Kahit pa nga balot na balot ang suutin kong damit, gano’n pa rin kung titigan niya ako. Sa dalawang taon na nakatrabaho ko siya, nasanay na rin ako. Siyempre no’ng una, nailang ako lalo na’t parang tatay ko na siya at pamilyado na rin. Tatlo na nga ang anak niya. Pero dahil mataas ang suweldo, nanatili na lang ako rito. Nang tapos na akong magbasa, inutusan niya ako na i-print ‘yong monthly report at ibigay sa kaniya. Pagtalikod ko, alam kong nasa puwet ko ang tingin niya kaya mabilis akong umalis sa opisina niya. Natapos ang isang buong araw ko kaharap ang computer at paminsa-minsan pinpuntahan ang opisina ni Mr. Sandoval kung may utos siya. Kanina pa umalis si Mr. Sandoval pero siyempre naghintay ako ng alas singko bago nag-time out. Pagsakay ko ng elevator, nakasabay ko pa si Marie at ang isa pang babae na empleyado rin rito. Isang receptionist si Marie samantalang ‘yong kasama niya ay sa HR yata naka-assign kung hindi ako nagkakamali. “Naalala mo ba ‘yong malanding babaeng naging kabit ng boyfriend ko?” tanong ni Marie ro’n sa kasama niya. “Ah, oo, ‘yong maharot na feelingera. Anim na buwan lang daw, magiging engaged na raw siya,” sagot naman ng kausap nito. Naghanap pa talaga ng kakampi ‘tong si Marie, pero alam kaya ng kasama nito na ako ang pinag-uusapan nila. Eh ano naman ngayon kung alam niya. Kahit magsama pa silang dalawa, hindi nila ako mapapatumba. Pinakita kong hindi ako apektado kaya nanatiling nakatingin lang ako ng diretso at walang bahid na emosyon ang mababanaag sa aking mukha. “Pero balita ko, kung sinu-sino na raw ang pinapatulan no’n. Gano’n na siya kadesperada,” sabi ni Marie sa malakas na boses na parang sinasadya talaga niya na iparinig sa akin. Narinig kong natawa ‘yong kasama niya, ‘yong tipong sarkastiko na tawa. “Kahit ano’ng gawin niya, kahit na nga mag-split pa siya o kumain pa ng apoy sa harap ng lalaki, wala pa rin may magseseryoso sa kaniya,” sabi ng babae. “Ah talaga. Bakit naman?” pa-inosenteng tanong pa ni Marie. “Sinong matinong lalaki ang magseseryoso sa babaeng pinagsawaan na ng kung sinu-sinong lalaki. Kung ikaw ‘yong lalaki, ba’t mo pipiliin ‘yong tira-tira na lang ng iba?” diretsahan na sabi ng babae. “Kunsabagay, baka nga warak na warak na ‘yong kaniya,” sabi ni Marie. At nagtawanan pa ‘yong dalawa. Nanatili pa rin akong kalmado dahil kapag nagpa-apekto ako sa mga sinasabi nila, para na ring binigyan ko sila ng kapangyarihan na saktan ako gamit ang mga matatals nilang salita. Pero siyempre, hindi ako basta tatahimik na lang. “Kahit pala edukada, bastos pa rin ang bunganga,” sabi ko na nagpatigil sa kanilang pagtawa. Hinarap ko silang dalawa. “You’re still in the vicinity of the company, therefore, you’re expected to behave as professionally as you could be,” sabi ko sa maawtoridad na boses. Kahit pa’no, mas mataas pa rin ang posisyon ko sa kanilang dalawa kaya may karapatan akong pagsabihan sila. “Yes, Ma’am,” sabay nilang sabi nang nakayuko. Pagkabukas ng elevator, lumabas na ako at dumiretso sa parking lot. Nang nasa loob na ako ng kotse, tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ‘yon kahit na unregistered ‘yong number. Si Mark pala at niyaya akong mag-clubbing. Siyempre hindi na ako nagpakipot pa at pumayag agad. Bumalik sa isipin ko ang mga masasakit na pinagsasabi nina Marie -- pingsawaan, tira-tira, malandi, walang magseseryoso. Tingnan na lang natin. Nasa club na ako ngayon kasama sina Mark, Mikael, at ang iba pa nilang mga pinsan. Habang masaya silang nag-iinuman at nagkukwentuhan tungkol sa mga nakakatuwa nilang karanasan ng mga bata pa sila, kami naman ni Mark na nasa tabi ko ay parang may sariling mundo na nag-uusap habang kinikilala ang isa’t isa. Kung tutuusin marami na rin akong alam tungkol sa kaniya dahil binisita ko ang kaniyang social media account at tiningnan ang mga post niya. Isa lang naman ang gusto kong malaman at nakumpirma ko naman ‘yon sa kaniya. Single si Mark. Nang tinukso kami ni Mark ng mga pinsan niya na pansinin naman daw namin sila, saka lang kami nakisali sa usapan nila. Tapos, ‘tong best friend ko na epal ay pasekreto akong siniko at binulungan na magpakipot naman daw ako. Napatingin ako sa kaniya at natawa na lang kaming dalawa. Pareho naming alam na hindi ako pabebe. Kung gusto ko ang lalaki at gusto niya rin ako, hindi ako mag-iinarte, bagkus ipaparamdam ko sa kaniya na type ko siya. Biglang sumeryoso ako nang maramdaman kong umusad palapit sa akin si Mark at nagkadikit ang aming mga binti. Pagkalipas ng ilang mga sandali, nilagay niya ‘yong kamay niya sa ibabaw ng binti niya. Dahil sa maikli ang aking damit at nakalantad ang aking mga binti, ramdam ko ang kaniyang kamay na gumagapang hanggang sa nakapatong na ‘yon sa aking binti. Paminsan-minsan, pinipisil niya nang marahan o hinahaplos ng kaniying hinlalaki ang aking binti. Gusto ko naman ‘yong ginagawa niya kaya hinayaan ko na lang siya. Pagkaalis namin sa club, dumiretso kami sa bahay ng isa pang pinsan nila kung saan do’n nakitira si Mark. Nag-inuman pa rin sila pagdating namin do’n, pero si Mark niyaya ako sa kuwarto niya kasi may ipapakita raw siya sa akin. Pumayag naman ako agad kasi excited akong makita kung anuman ‘yong gusto niyang ipakita. Pagkasara niya ng pinto, walang sabi-sabi niya akong hinalikan at tumugon naman ako agad. Kung makahalik siya ay parang uhaw na uhaw dahil halos higupin na niya ang buo kong bibig kasama na’ng dila ko pati na nga yata hininga ko. Ang aming mga kamay naman ay parang nagkakarerahan sa paghubad ng aming damit at itinapon ang mga ‘yon kung saan. Suot ko na lamang ang bra at underwear ko at siya naman ay wala ng pang-itaas nang bigla niya akong binuhat at sinandal sa pader na gawa sa tabla. Naglikha ‘yon ng pagkalabog sabay ungol ko dahil medyo napalakas ang pagkasandal niya. Pero tuloy pa rin siya sa paghalik sa aking leeg sabay himas sa ang aking dibdib na nakalantad na. Ako naman ay dali-daling hinubad ang kaniyang pantalon at briefs at saka hinimas ang kaniyang sandata. Hindi kalakihan pero puwede na. Agad-agad din niya akong hiniga sa kama at kumuha ng condom sa drawer. Hinablot ko ‘yon sa kaniya at ako na mismo ang naglagay no’n sa nakasaludo na niyang kaibigan. Pagkahiga ko, binaba niya ang underwear ko at pinasok agad ang kaniyang matigas na sandata sa akin at saka mabilis na kumakadyot habang salitan niyang sinsipsip ang aking mga malulusog na dibdib. Sinasalubong ko ang bawat pagkadyot niya na nagpa-ungol sa kaniya. Bigla siyang umahon at ibinuka pa lalo ang aking mga binti, saka siya umulos nang napakatulin. Napuno ang kaniyang kuwarto ng aming halinghing at ingay na sanhi ng pagsasalpukan ng aming katawan. Maya-maya pa ay napa-ungol siya nang malakas at nanginig ng kaunti ang katawan niya. Iyon na iyon. Ni hindi pa nga ako nag-iinit, pero nilabasan na siya, natapos na siya. Kunsabagay, hindi na naman ‘to bago sa akin. Puwede pa naman siya makabawi sa round 2. Nang tinapik ko ang braso niya dahil nasa ibabaw ko pa rin siya, narinig ko ang munti niyang paghilik. Tinulak ko siya at nang tingnan ko, ayon, tulog na pala. ‘Yong condom nando’n pa rin sa kaniyang alagang malambot na. Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin sa sarili ko. Kahit natanggal niya ang hook ng bra ko, suot ko pa rin ‘yon at nasa itaas lang ng didbdib ko at ang underwear ko naman ay nakabitin pa sa sakong ko. Hay naku, ako na lang bahala sa sarili ko na maabot ang inaasam kong sukdulan. May mga lalaki talaga na hindi kayang tapusin ang kanilang sinimulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD