Eugene became a part of our life and I'm happy I let him in. Halos isang buwan na nang lumipat kami sa condo unit ni Eugene. Ang akala kong magiging magulong set up namin ay nakatutuwang naging maayos naman. Eugene and I talked to Ian already. Ayokong matatak sa isip ni Ian na okay lang tumira ang isang babae at isang lalake sa isang bubong nang wala namang namamagitan. Ian took the news lightly. Walang naging problema. Masaya pa nga raw siya dahil best friend raw niya si Eugene. That made me jealous a bit. But I was totally happy he accepted him.
"Day off mo ba?" Puna ko kay Eugene nang lumabas ito mula sa kwarto niya nang naka-shorts lang. Kadalasan kasi paglalabas na siya ay nakaayos na para sa trabaho.
"Home from work ako ngayon." Dumeretso siya sa refrigerator at uminom ng tubig.
Sa loob ng isang buwan naming pagsasama sa isang bubong ay inaamin kong may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing makikita ko siyang walang damit pang-itaas. There is this electric current happening between us but we choose to ignore. Hindi kami magkasama sa kwarto kung matulog. Sinadya ko iyon. I'm not yet ready for THAT thing.
"Mama, galing kay teacher." Iniabot sa akin ni Ian ang isang sulat na nagsasabing may extra school activity sila kaya kailangan niyang mag-stay ng extra two hours sa child care. The letter was given to him two days ago at nakalimutan lang niyang sabihin sa akin. Wala na akong choice kundi pirmahan iyon.
"Aalis na kami. Ihahatid ko lang si Ian." Yumakap pa si Ian kay Eugene bago kami umalis. Napansin kong parang mas close na sila ngayon kaysa sa amin. Hindi naman sa nagseselos ako. Masaya pa nga ako dahil natuto nang magtiwala si Ian sa iba. Malaki na rin ang pinagbago niya. Marami na siyang kaibigan sa child care ngayon. Hindi ko alam kung anong mga habilin ni Eugene sa tuwing siya ang maghahatid kay Ian pero effective dahil nakakalaro na si Ian ngayon kasama ang mga kaklase niya.
Malaking improvement nga raw iyon sabi ng teacher niya. Dahil pati grades niya tumaas. Nagawan punan ni Eugene ang mga pagkukulang ko kay Ian.
"Teacher, sorry ngayon ko lang nalaman yung tungkol sa extra activity nila. May mga kailangang gamit ba si Ian?"
"Wala naman ho. Lahat po provided ng child care. Outdoor activity po kasi iyon. Ian, say bye-bye na to your mama."
Mabilis lang nagba-bye si Ian sa akin. Hinihintay na kasi siya ng mga kaklase niya. Naalala ko pa nung first day of school niya, halos ayaw bumitaw sa akin. Pero ngayon halos hindi na magpaalam sa akin. Ang bilis talaga ng panahon.
Nakabalik ako ng condo nang may dala ng sahog para sa ulam namin. Dinatnan ko si Eugene na abala sa paggawa ng blueprint para sa ginagawa niyang proposal. May nilulutong promotion kasi sa trabaho niya at ginagawa niya iyon baka sakaling siya ang makakuha.
Eversince we dated. Mas lalong nagpursige si Eugene na mapabuti ang trabaho niya. Hindi ko lang alam kung ang dahilan ba ay dahil inspired siya o baka pressured dahil tatlo na kami sa bahay at dumarami na ang gastusin. Although, I still work at the restaurant maliit lang ang sweldo ko kumpara sa kanya. Hindi naman niya ako inobliga sa mga gastusin pero ayokong maging pabigat. Nakakaambag naman ako sa gastusin kahit pa paano.
Halos mag-lunch time na nang napansin kong namamawis na siya sa sobrang focus sa ginagawa niya. Halos hindi man siya tumayo sa kinauupuan niya. I decided to bring him drinking water and towel.
"Can you take a break? Kahit uminom ka lang ng tubig at magpunas ng pawis." Itinuro lang niya kung saan ko ipapatong ang dala ko at nagpatuloy pa rin sa pag-drawing.
"You know how important this is to me. It's our our future." Kahit hindi niya ako tignan ay alam kong nakangiti siya.
"Just don't push yourself too hard, okay?" Lumapit ako at humalik sa noo niya. I know he would love that. Madalang ko lang magawa ang maglambing sa kanya. Madalas nagagawa ko lang kapag wala si Ian.
I was about to move away from him when he pulled my hips back to him. Yumakap siya sa bewang ko at pinakinggan lang ang puso ko. Hindi mahigpit ang yakap. Parang napagod ang mga kamay niya sa walang tigil na pag-drawing. I lifted his face to see that he was indeed working too hard.
"`Di ba sabi ko naman sa `yo na just do what you do and if it's for you, you will get it. Pinagod mo naman ang sarili mo. Humiga ka muna sa sofa."
Sinunod naman niya ang sinabi ko. Inaalalayan ko na rin siya papuntang sofa. Gabi palang kasi ginagawa na niya ang blurprint na iyon. Nakailang ulit na siya pero lahat nauuwi lang sa basurahan.
Nang makaupo na siya ay muli kong kinuha ang tubig para ibigay sa kanya. His hands were shaking kaya naman tinulungan ko na siyang uminom. Until his hands accidentally tripped the glass spilled the water on me. Basang-basa ang damit ko sa tubig na halos hindi man niya nainom. Napatayo ako dahil sa malamig ang tubig. Sinubukan kong kunin ang tuwalya na dala ko kanina pero pinigilan ako ni Eugene.
I saw his face was all red. Ang pungay ng mga mata niya na tila ba nangungusap at may gustong sabihin. He was looking at my wet shirt which I saw became transparent for it was white. Bago pa man ako makapagsalita ay hinila niya ako dahilan para mapayakap ako sa kanya. Without words he started kissing me. Wala akong ibang marinig kundi ang pintig ng puso ko na sobrang lakas. I responded well to his kisses. Deepening by every second. His hands started to move inside my shirt as if powered by what was happening.
Kanina pa sumisigaw ang boses sa isip ko. Nagtatanong kung handa na ba ako sa mangyayari. Hindi ko magawang masagot dahil sa tuwing susubukan ko, ang mainit na palad ni Eugene ang nararamdaman kong lumalakad sa buong katawan ko. He stopped kissing me for a bit. Tumingin ako sa mata niyang parang nag-aapoy sa init. Tumayo siya at ako naman ang pinaupo niya sa sofa. I expected him to attack me but he didn't.
Lumayo siya sa akin at tumalikod. I knew he was trying to stop himself. Nadala rin siguro siya sa mga pangyayari.
"Eugene."
"Ivy, I know I said I would wait but."
He did actually waited. Maraming pagkakataon na ang dumaan para magawa niya iyon pero hindi niya ginawa. I, myself knew he is a good man despite his bad reputation. But all this time we were together, napatunayan naman niya sa akin na, he is worth it.
I took the courage to stand up and go near him. Alam kong sa oras na hawakan ko siya ay wala ng atrasan pa. Pumunta ako sa harap niya. I wanted to make sure he sees me.
"Eugene, mahal kita."
That was the first time I said that to him. Hindi naman sa ngayon ko lang iyon naramdaman. Maybe I was just waiting for the right timing.
"If we are going to do it. I want to do it right. I want to do it out of love."
He looked straight at me and said without thinking.
"Sa dami ng babaeng nakasama ko kahit konti wala akong naramdamang pagmamahal. Honestly, I don't know what love is." He let out a heavy sigh. "Not until I saw you. Ivy, nagbago ako nung nakilala kita."
I smiled. Puwede akong humindi. Puwede kong sundin ang isip ko na sinasabing binobola lang niya ako. But I smiled. I just realized how much I love him.
Lumapit ako sa kanya at hinila ko ang leeg niya para mailapit sa mukha ko. I kissed him. Deeply. Passionately. He knew exactly what I was going for.