CHAPTER 21

1880 Words

Pagkauwi ni Nessa ng malaking bahay galing Hospicio Custodio ay sinalubong agad siya ng nakangiting kasambahay. Ang lapad ng pagkakangiti nito na nagpakunot sa noo niya. Napangiti na rin siya. “Ano’ng meron? Bakit nakangiti ka nang ganiyan sa akin?” magiliw niyang tanong. “Ay, wala naman ho.” Napailing na lang siya. “Ipaghanda mo naman ako ng meryenda, please. Nagugutom ako.” “Ano po ang gusto mong kainin, Ma’am?” “Meron ba tayong minatamis na saging diyan?” Paborito niya iyon at alam iyon ng mga kasambahay kaya palaging may nakahandang minatamis na saging para sa kanya. “Meron ho! Makakalimutan ba naman naming ihanda ang paborito ng Ma’am Nessa namin?” “Salamat, Penang,” aniya sa kasambahay. Dumulog na siya sa komedor at naupo sa puwesto niya—sa ikalawang silya mula sa kanan ng pin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD