Warning: This chapter contains graphic s*x scenes and adult language intended for mature readers only. Not suitable for young readers or sensitive minds. _____ Kahit na natutunaw si Nessa sa mapungay na mga mata ni Viz na nakatutok sa kanya ay hindi pa rin siya nag-iwas ng mukha, dahil bukas ay hindi na niya ito titignan nang matiim. Ang gabing iyon na lang ang huling matamis na alaalang habambuhay niyang itatago sa kubling bahagi ng kanyang puso. Ang mga mata ni Viz ay itim na itim, na palaging malamig kung tumitig sa kanya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nasaktan ng ganoong klaseng pagtitig nito sa kanya. Nang pakasalan niya ito ay nangarap siya ng isang buo at masayang pamilya sa piling nito. Inasam niya na magkaroon agad sila ng supling. Pero suntok pala sa buwan