Chapter 6: Labelone

1419 Words
"Ang aming mahal na Hari ay hinahanap ang kanyang nawawalang anak na prinsesa, ang Gracean at tao noon ay magkakaibigan hanggang sa nalaman ng hari na namatay ang kanyang asawang tao, hindi niya malaman kung nasaan ang kanyang anak na kapapanganak kaya't sinugod namin ang mga tao ngunit kahit ganun ay wala pa rin kaming napala." Nagulat ako at namangha sa kaniyang sinabi about sa Gracean. Kaya pala ganun nalang ang paglilihim nila Avri at Clyde tungkol dito. Matapang kong tinignan ang nilalang na may pulang mga mata, kahit sobrang natatakot ako ay nilakasan ko ang loob ko. "May isang tanong pa po ako, napapanaginipan ko po kasi itong mundo nin'yo, ngunit ibang-iba po ito sa napapanaginipan ko. Bakit po ganun?" Umiling siya. Hindi ko alam kung bakit. "Bakit ba mukha kang interesadong-interesado sa mundo ng Gracean?" tanong niya. Dahil sa tanong niya, ay bigla na lang akong nanginig, sa takot ko siguro 'to. Naisipan kong 'wag nalang sumagot. Tumawa siya ng tumawa. Iyong nakakapangilabot na tawa. At dahil doon ay mas lalo pa akong nanginig, bakit ganito na lang ang epekto sa 'kin netong nilalang na 'to? Hahakbang na sana ako palayo sa kaniya nang bigla nalang may dumating na kabayo sakay nito si Avri. "Bakit ba ang kulit mong tao ka?" agad na tanong sa 'kin ni Avri pagkababa niya sa kanyang kabayo habang matalim ang titig sa akin. Napayuko ako. Makulit ba ako kung sinagot na nila agad ang mga gusto kong malaman? May sunod siyang sinabi na bigla akong kinabahan. "Alam mo bang sa pagtatanong mong iyan sa mundo namin ay maaaring ikamatay mo?" Agad akong napaupo sa lupa ng biglang muntik ng tumama sa aking pana. Hindi ko napansin na sakto palang parating si Clyde at siya ang natamaan ng pana. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang pana. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang isang nilalang kagaya nila Avri at Clyde sa 'di kalayuan. Sa tingin ko, siya ang may balak pumana sa 'kin. Bakit naman kaya? Sino siya? "A-aray k-ko" angil ni Clyde. Nilapitan ko agad siya at sinubukang tanggalin ang pana sa may paa niya. Ngunit ilang beses ko ng sinubukang tanggalin ay hindi ko magawa. Lumapit si Avri at nagsalita na siya na daw ang magtatanggal. "Ako na." Hinayaan ko siyang gamitin ang kaniyang mahika upang tanggalin ito. At wala pang tatlong segundo ay natanggal na ang pana at bigla nalang nawala. May naiwan lang na dugo mula roon kaya minabuti ni Avri na bumalik na lang kami sa kwarto nila kanina. Tinignan ko si Clyde at nag-alala. Salamat sa kanya kasi niligtas niya ako. Kung wala siya, siguro ako yung nasugatan, ako yung tinamaan ng pana. Mabuti nalang dumating siya. "Don't worry kasi, maya-maya o bukas ay okay na siya. Limitado lang kasi ang kakayahan niya. Ngunit hindi pana ang makakapagpatumba sakanya. " tumango ako at inakay namin si Clyde. Nang magsimula na kaming maglakad pabalik sa kwarto nila ay hinuli muna ni Avri ang pumana sa amin kanina at itinali sa isang puno. Andito na kami sa kwarto, habang ginagamot nila Avri ang sugat ni Clyde ay tinitigan ko siya habang mahimbing na natutulog. Utang na loob ko sa 'yo ang buhay ko, Clyde. Kahit simpleng pana lang iyon ay simple ring nakakamatay iyon, pero buti at andyan si Avri upang tulungan kang gamutin ang natamo mong sugat. Sana okay kana mamaya. Itinabing ko ang buhok na dumampi sa mukha niya. "Hindi ko mahulaan kung bakit mo ginawa iyon? Akala ko napakaseryoso mo, masungit, at walang pake, pero bakit mo 'ko niligtas? Para ka na tuloy si Clyde talaga sa real world. Alam mo yun, bakit kayo magkawangis? Lahat lahat na ata ng characteristics niya, physical man or sa loob--ay hindi, may nagkaibahan kayo, masungit ka, siya naman mabait at lagi akong pinagtatanggol." napapangiting sinabi ko iyon. "Pero salamat talaga, Clyde. I owe you my life." pagkasabi ko noon ay bigla nalang siyang dumilat dahilan upang mapaigtad ako ng konti sa 'king upuan. "Ngayon alam mo na kung ano ang mangyayari sa'yo sa pagiging makulit." napayuko ako at tumango. Huminga ako ng malalim at meron akong sinubukang tanungin. "Bakit mo pala ako iniligtas?" ngunit sa halip na sagutin niya ang tanong ko, ay naupo siya at hinawakan ang paa niya. "Matulog kana roon. Gabi na." utos niya. Hays. Kala ko naman sasagutin niya, curious ako e. Alam niyo namang napaka seryoso ng personalidad nito tas deep inside pala may tinatagong bait. Or assuming lang ako na mabait siya sa 'kin? "Maglalakbay pa tayo bukas upang humanap ng makatulong sainyo na makabalik sa mundo ninyo." "Salamat pala." huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. "Salamat dahil niligtas mo ako. Utang ko sa 'yo ang buhay ko." tumango siya at naglakad na 'ko palapit sa pintuan. Tinignan ko muna siyang nahiga bago pinihit ang doorknob ng pintuan at pumunta na sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay nahiga na ako at nakangiti akong natulog. Naalimpungatan ako. Hindi ko alam kung anong oras na, nanaginip ako na parang may nananakit sa 'kin, may sumusuntok sa 'kin na hindi ko kilala, buti nalang at nagising ako kundi tigok ako. Bumangon ako, lumapit sa bintana at tumingin sa kalangitan, nakita ko ang buwan, kulay asul ito, ibang-iba ito sa mundo ng mga tao dahil may dark shade pa ito sa loob na parang hugis babae. Nagtaka ako dahil bakit ganun ang buwan nila dito? Anong sinisimbolo ng babae sa loob ng buwan? Bumalik na 'ko sa higaan ko pero hindi na ako makatulog dahil sa pag-iisip ko tungkol sa kanilang buwan. Ngunit hindi ko namalayang nakatulog na ako nang gisingin ako ni Avri. "Gumising na kayo at mahaba-haba pa ang lalakbayin natin." I yawned before standing up, hinanda ko ang sarili ko sa paglalakbay, tiyak kong may mangyayari na namang hindi ko expected. "Where are we going?" tanong ni Zi. "Sa bahay nina Dora." pagbibiro ni Avri. "HA HA HA nakakatawa" sarcasm naman na tawa ni Zi. "Di, totoo na, sa lugar na kung saan naroroon ang mga kagaya kong cute." "Saan nga?" nairita na si Zi. "Jusko, di naman to mabiro, sa ano, sa Labelone." "Labelone?" pag-uulit ko. "Oo, kung saan kayo magkaka-label. Chos." pabiro na namang sabi ni Avri. "Bakit doon tayo pupunta?" tanong na naman ni Zi at dumating si Clyde. Hinayaan kong mag-usap sina Zi at Avri dahil alam ko namang doon kami maghahanap ng makakatulong sa amin pabalik sa aming mundo dahil sinabi iyon sa 'kin ni Clyde kagabi bago ako matulog. Pinuntahan ko si Clyde sa pintuan at agad na tinanong kung okay na siya. "Oo, ayos na 'to. Mag-ayos na kayo upang makapagsimula na tayo sa paglalakbay." ngumiti ako ng sinabi niyang ayos na siya at tinawag na sina Avri at Clyde upang lumabas na at makalakbay na kami. Habang naglalakbay kami ay 'di ko maiwasang tumingin sa paa ni Clyde dahil may konting galos pa siya doon pero hindi niya iyon iniinda. Tumabi sa 'kin si Avri at sinabing.. "Kanina mo pa tinititigan si Clyde ah, nag-aalala kapa rin? Huwag na. Kaya ni Clyde yan, wala lang 'yan sa kanya promise." huminga ako ng malalim at tumango sa kaniya. "Kairi! iwas!" rinig kong sigaw ni Zi pero bago pa man ako makaiwas ay biglang sumakit ang likod ko at umagos roon ang dugo. Pero bago na naman ako matamaan ng palapit na pana ay bigla akong niyakap ni Zi at siya ang natamaan. "Z-zi!" naiiyak kong sabi. "A-ayos lang a-ako." naiyak ako dahil alam kong hindi siya ayos. "Anong ayos! I-ikaw ang napuruhan!" sunod-sunod ang pag agos ng aking luha sa aking pisngi. "Diyan lang kayo!" sigaw sa amin ni Avri. Tinignan ko sila ni Clyde mukhang hinahanap nila ang pumana sa amin. Napatili ako ng may lalaking nagpagulong gulong papunta sa 'min at may pana rin sa likod. Kinapa agad ni Clyde ang leeg nito at sinabing patay na. "Nakikilala ko ang panang iyan, ang panang iyan ay kay..." tinutukoy niyang pana ay ang pana sa likod ng lalaki. "You're right, Avriella. That's mine. That arrow is mine. That belongs to me, only me. Only Iceandra Fiore owns that." Napatingin kami sa likuran at nakita namin ang isang parang diwata. Lumapit siya sa lalaking namatay, tinanggal ang pana at hinipan ang likod ng lalaki at nawala ang dugo. "Papunta kayo ng Labelone? Sakto, pauwi na rin ako. Sabay na tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD