Chapter 5: Sneak About Gracean

1935 Words
KAIRI'S Pov I became nervous when I heard na siya ay isang Graceanian. Mukhang delikado kami dito. "Wait lang ha, h-hindi ko kasi maintindihan e. Anong Gracean? Anong Graceanian? Sino ka? Ano 'tong lugar na 'to?" napatingin ako sa lalaki noon sa library. Tumingin naman siya sa'kin ngunit tumingin siya agad sa lalaki nang magsalita ito. "Hindi niyo pwedeng malaman kung ano ang meron dito. Di kayo pwedeng makialam. Isa pa, tao kayo, mahirap magtiwala sa inyo. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para sabihin ang tungkol dito." mahabang saad niya. Napakamot sa ulo niya ang lalaki sa library. "This is so unbelievable! Why is this so magical?" Sumeryoso ang mukha ng lalaking kausap namin. Bahagya akong kinabahan sa pagseryoso nito. "Anong sinasabi mo? Iyan ba ay kakayahan ng mga tao? Mahika n'yo ba 'yan?" Oo nga pala, si Avri lang ang nakakaintindi ng English dito. Napatingin ako sa lalaki sa library bago sumagot. "O-oo, isa iyong mahika. Na ang ibig sabihin ay may mangyayaring masama sa'yo pag di mo kami tinulungan." sambit ko. Tinignan ako ng lalaki sa library ngunit sinenyasan ko siya gamit ang mga mata ko na sumakay na lamang siya sa sinabi ko. Tumawa siya. "Sinabi ko naman sa inyong tutulungan ko kayo di ba? 'Wag kayong ganyan, di n'yo alam baka ako ang may gawing masama sa inyo." Kinabahan ulit ako sa kanyang sinabi. Tumawa ulit siya. "Hindi naman kayo mabiro. Ano ba ang sinasabi mo kanina, tao?" "I just want to know--este gusto ko lang malaman kung ano yang Gracean? Ano 'tong lugar na 'to? Tsaka sino ka?" naguguluhang tanong niya. "Sinabi ko na nga diba na di ko pwedeng sabihin sa ngayon? Di niyo ba ako kayang pagkatiwalaan? Di ako masama, tutulungan ko pa nga kayong makabalik e." "Isa kang Graceanian, hindi ka namin mapagkakatiwalaan. Paano ha? Paano?" tanong ko. Ayokong pagkatiwalaan tong lalaking to dahil malakas ang kutob ko na masama siya. Pero kung nagkakamali man ako, sana nga at nang makauwi na kami. "Makapagsalita ka, taong binibini, ay parang may alam ka. Pero sabagay, sabi mo di ka lang ngayon nakapunta dito." tinignan niya ako ng diretso sa mata. "Ano ang alam mo?" Iniwas ko agad ang tingin ko. "Tinatanong kita, sagutin mo muna ang tanong ko! Paano ka namin pagkakatiwalaan e isa kang Graceanian?" pumalakpak ang lalaki sa library, napatingin ako sa kaniya. "You're so brave, huh? I like that brave thing of yours." sabi niya habang nakangiti at pumalakpak. Tumigil na lang siya please. Nagulat ako nang lumapit sa'kin ang lalaking Graceanian, lumapit pa ito ng lumapit hanggang sa mahawakan niya ang aking kanang braso at pinisil. "A-aray ko! Bitawan mo nga ako!" angil ko. "Di mo ko mapagkakatiwalaan? Ako din naman, tao ka lang, alam kong wala kayong kakayahang gumawa ng masama, o ng mahika." He smirked at binitawan na ang braso ko. Tumingin ako sa lalaki sa library. "H-he knows." bulong kong sabi. "Oo alam ko, and I understand too your English moment. I'm just joking around a while ago." ngumiti siya at pumalakpak ng hindi marahas at hindi malakas. "Paanong nangyari yu--" nagkatinginan kami ng lalaki sa library, di siya makapaniwala sa narinig, ako din pano nangyari 'yon? "Kasi nga, kahit ganito kami, nag-aral din naman kami, ayun ang pagkakaparehas natin sa ating mga mundo." Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang may narinig kaming yabag papalapit dito. "Saka ko na ikukuwento sa inyo, kailangan niyo nang makaalis dito, tara sa kabundukan." at nagsimula na kaming maglakad, andun parin ang takot ko ngunit medyo nawala iyon nang may sinabi ang lalaking Graceanian. "You have to trust me." Pinanghawakan ko nalang iyon at nagdasal na sana makabalik na kami sa mundo namin. "How can we trust you? Di ka pa naman namin kilala." seryosong tanong dito ng lalaki sa library. "Eto na, magpapakilala na. Ako si Abraham, Abraham Hoax." Kinuha niya ang dalawang kabayo na nakita namin sa may puno Napatingin ako sa paligid, eto yung garden noon kung nasaan kami ni Clyde, pero ang ipinagtataka ko bakit hindi niya ako nakikilala dito sa mundong 'to? Anong meron sa lugar na'to? "Taong binibini, sakay na." Inilahad ng Graceanian na lalaki ang kamay niya sa akin. Nakasakay na siya sa pulang kabayo. Ilalahad ko na din sana ang kamay ko nang biglang pumunta sa amin ang lalaki sa library. "Ako na, dito kana sumakay." Ang kanya naman ay puting kabayo, mas gusto ko ang puti sa pula kaya tinanggap ko ang kamay ng lalaki sa library at sumakay na. Habang tinatahak namin ang landas patungong kabundukan ay napatingin ako sa paligid, sunod-sunod na puno ang makikita, kumikinang ang mga dahon, nakikita rin ang dagat na asul na asul at kumikinang, gaya ng nasa panaginip ko, pero mas maganda ito. Habang napapa-amaze ako sa paligid, nagsalita ang lalaki sa library. "Anong pangalan mo?" tanong niya. Why? Curiosity huh? Pero sige, mapagkakatiwalaan naman 'to. "Kairi, ikaw?" "Nice name. I'm Zian Xedriel, but you can call me Zi. Can I call you Ri?" tumawa siya. "Nice." tumawa din ako. "Sige, ikaw bahala." sabi ko nalang. "Andito na tayo." sabi ni Abraham. Tinignan ko ang paligid. Isa itong kabundukan. Dito ako noon napadpad nung una akong nakapunta rito. "Nasaan tayo?" tanong ni Zi. "Andito tayo sa Peace Mountain." "Peace Mountain?" tanong ko. "Yes, dito nakalibing ang mga namatay." seryoso niyang sabi. Bigla akong nakaramdam ng takot at napayakap kay Zi. "Joke lang, ito naman di na mabiro talaga." Napabitaw agad ako ng yakap. "Ikaw naman kasi puro ka kalokohan!" sigaw ko kay Abraham. Tumawa siya. "Peace Mountain, isang magandang tanawin dito sa Gracean, lahat kami ay gustong-gusto dito dahil tahimik, peaceful, mahangin at nakakagaan ng loob." describe niya sa kabundukan. "Mukhang andiyan na sila." Hindi ko gets ang sinabi niya ngunit isinawalang-bahala ko na lang. "Kailangan niyo nang makaalis. Pero bago iyon, kailangan ko munang alamin ang inyong mga pangalan." itinuro niya si Zi, it means siya ang unang sasagot. "Ako si Zian Xedriel, mabait na gwapo pa." sabay pa pogi moves niya. Ulol neto, di naman gwapo. Charot. Oo, may itsura naman siya. Itinuro naman ako ni Abraham. "Ako naman si Kairi, wala lang ako lang si Kairi." sabi ko at tumawa silang dalawa. "It's an honor to meet you two." pagkasabi niya nun ay biglang may panang muntik nang tumama sakanya. Agad akong hinila ni Zi. "Andito na sila." biglang may pumulupot na bagay sa leeg ni Abraham. Napako ako sa kinatatayuan ko nang biglang dumating si Avri may hawak na espada at masama ang tingin kay Abraham. "Ayos lang ba kayo? Sinaktan ba kayo nito?" umiling kaming dalawa ni Zi. Nakarinig kami ng ingay mula sa malapit at nakita ko si Clyde papunta siya dito sa amin habang nakasakay sa kanyang kabayo. Nagtama ang tingin namin at bumilis ang t***k ng puso ko dahil doon. Nang andito na siya, bumaba siya sa at tinanong kung bakit andito si Abraham. "H-hinihintay nila kayo, kailangan nila ng tulong niyo." Nagtama ulit ang tingin namin ni Clyde. Bakit ba hindi niya ako kilala dito? Anong nangyayare? Sumpa ba to o ano? Bumilis ulit ang t***k ko sa seryosong tingin niya. "K-kailangan n-nila a-ang tu-tulong n-niyo u-pang ma-makabalik sila sa m-mundo ni-nila." ----------------------------------------------------------------- Tahimik kaming umiinom ng kape ni Avri. Andito kami sa kanilang silid, gawa sa kahoy ang mga gamit at lupa ang tinatapakan namin. Bumukas ang silid at iniluwa nun si Zi, hawak ang isang tasa, umiinom din siya. "Bakit hindi mo na kami kayang ibalik Avri?" napatanong ako. "Dahil baka hindi niyo alam, ang kapangyarihan ko ay limitado lamang. Kumbaga, diba nung nakaraan, ibinalik na kita, so isang beses na iyon, tas ngayon naman, bumalik ka ulit pero may kasama kang tao rin, nanghihina ang mahika ko. Ano ba ang dahilan bat andito kana naman?" "Hindi ko naman sinadyang makapunta ulit dito." sagot ko. "Ako, hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito, basta pagmulat ko andito na'ko at nakita ko si Ri." sabi ni Zi. "Magkakilala ba kayo?" tanong ni Avri. "Hindi." sabay naming sabi. "Paano ka ba nakapunta dito Kairi?" "Sa bulaklak po na rosas." sagot ko. "Bakit meron kang ganun? Anong koneksyon mo dito?" nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Hindi ko po a-alam, ayan din sinabi ni Abraham ngunit di ko po alam talaga." Gayunman, ako din ay nagtataka bakit yung bulaklak ay gumalaw at hinigop ako papunta dito. "Sabagay, tao ka nga, ayun, yung rosas na iyon ang nag-uugnay sa mundo namin at sa mundo ng mga tao, sa inyo either." "Pwede po paki-kwento naman anong meron sa rosas." pakikiusap ko. Gusto ko lang malaman ano ang mystery sa rosas. Dumating si Clyde. "Ba't ka ba tanong ng tanong? Sinabi na nga na bawal ninyo malaman ang tungkol sa amin e." ang sungit ha. Sana kasing bait mo nalang si Clyde sa real life. "Ganito kasi iyon, nung unang panahon, nabubuhay na kami, sama-sama kami ng mga tao dati hanggang sa may nangyaring isang kaguluhan--" "Avriella." ma-otoridad at seryoso na sabi ni Clyde. "Sabi ko nga tatahimik na, e." Umalis na si Clyde. "Pagpasensyahan niyo na siya. Ganun talaga iyon, seryoso pero joker yan pag nasa mood." "By the way, hindi na ba talaga kami makakabalik sa mundo namin?" tanong ni Zi. "Hindi pa hangga't walang tumutulong sa inyo." sagot ni Avri. "No way! We need to go home! Hahanapin ako ng pamilya ko." sigaw ni Zi. Hinawakan ko ang balikat niya at pinaupo. "There is a rule here. When you are here, you will not exist in your own world." namangha ako sa sinabing iyon ni Avri. "Habang andito kayo, walang nag eexist na 'kayo' roon." "B-bakit?" tanong ko at sumimsim ng kape. "Para mabalanse ang tao at dito. Para hindi magtaka ang mga tao at magkaroon na naman ng kaguluh--" tinakpan niya ang bibig niya. "Kaguluhan?" "Ah--wala iyon, Kairi. M-matulog na k-kayo at maaga pa tayong magpapatulong bukas sa iba para makabalik kayo." inubos na niya ang kape at umalis na sa silid. Bakit ganun? Parang ang dami nilang mystery? Anong meron dito sa Gracean? Gusto kong malaman. Inubos ko na ang kape ko at ganun din si Zi. Inantay ko siyang makatulog bago lumabas at napagpasyahan kong pumunta sa Peace Mountain. Andito ako sa kung saan kami nakatayo kanina. May nakita akong malaking bato at umupo muna ako doon. Pag-upo ko biglang may nagsalita sa likod ko. "Sino ka!?" Napatili ako ng nakita ko ang kanyang mata, kulay pula lahat, may konting puti sa gilid ngunit pulang-pula na ang iba. Nakakatakot. Mahaba ang kanyang buhok at parang nangangain ng tao dahil sa matatalim na ngipin niya. Kahit takot na takot ay nagsalita ako. "A-ako p-po s-si K-kairi. P-pwede n-niyo po ba akong t-tulungan?" "Tulong saan?" "Pasagot lang po ng itatanong ko." "Ano yun?" "Ano po bang meron sa Gracean at kaming mga tao? bakit ganun nalang ang pagtatago nila Avri sa'min?" "Wala akong dapat sabihin sa iyo, tao." seryosong sabi niya. "Please po, kailangan ko lang malaman. Curious lang po." "Makulit kang bata ka." "Sige na po." nag-puppy eyes pa ako para lang sabihin niya. "Ang aming mahal na Hari ay hinahanap ang kanyang nawawalang anak na prinsesa, ang Gracean at tao noon ay magkakaibigan hanggang sa nalaman ng hari na namatay ang kanyang asawang tao, hindi niya malaman kung nasaan ang kanyang anak na kapapanganak kaya't sinugod namin ang mga tao ngunit kahit ganun ay wala pa rin kaming napala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD