chapter 2

1573 Words
:] ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Warning: Violence "Grabe nanginginig parin ako" Reklamo ni Dea dahil katatapos nya lang mag report sa isang subject namin. " Ayan kasi imbis na mag practice sa reporting nakipaglandian lang sa jowa" -Parinig ni Mirae. " Atleast ako may jowa, yung isa kasi jan na reject na nag soft laugh pa ng obri" Natawa nalang ako sa sinabi ni Dea habang 'tong si Mirae napikon na at kung ano anong rebat sinasabi pero di naman below the belt mga sinasabi nya. Ako nalang talaga nagtataka bakit kami nagkasundo eh, ibaiba ugali namin lalo na 'tong dalawa. Kahit ganyan mag away parang normal na sakanila eh. " Tara milktea napagod ako" Aya ko nalang dahil mukhang di titigil 'tong dalawang 'to, kung hindi ko aawatin " Ge libre ko" Sagot ni Mirae, pareho kaming nakatingin sa kanya dahil dun ngumiti lang sya at kumindat bago kami iniwan. Napaka kuripot kasi nitong si Mirae eh, minsan nga di na sya bumibili pag nagayayaan kami dahil sa ayaw nya talagang gumagastos. Hindi nya pinagyayabang kung anong meron sya, kulang nalang talaga magpanggap na syang mahirap sa pagiging koripot nya, ngunit hindi rin yun uubra kasi sa kilos at itsura nya 'di mo sya matatanding may pera. Sumunod nalang kami sa kanya at naupo sa isang bakanteng table dahil si Mirae na umoorder. "May sakit kaba?" Tanong ni Dea nang makalapit si Mirae sa pwesto namin dala ang binili nyang milkshake na may kasama pang 3 slices of cakes. "Wala no, nakuha ko na kasi yung sahod ko sa co-writing job ko." Sabi nya habang naka ngiti. Tumango nalanga ako pero 'tong si Dea tuloy parin mangungulit kung bakit sya nanlilibre. "Iiwan mo na ba kami?" -Tanong pa nya. " Ul*l ka, I don'thave plans na lubayan kayo noh. Wag kana mangulit baka singilin kita jan" Kumain nalang si Dea at nanahimik dahil sa banta ni Mirae, natawa nalang ako habang kumakain. Yung ugali nya nahahaluan na ng ugali namin ni Dea, kahit kasi madaldal yan nuon hindi nya nagagawang magmura at mangtrashtalk ng iba. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano pero minsan may pachismis tong si Mirae at Dea na ako lang taga sagap dahil di naman talaga ako mahilig makipagkwentuhan ng buhay ng tao sa iba. Maya maya nang matapos kaming kumain nag lakad na kami palabas at dumeretso na kami sa sakanyan. "Babye, see you when I see you!!!" Paalam ni Mirae kay Dea dahil sya ang una naming hinatid sa sakayan. Sunod naman kaming naglakad papunta sa sakayan na sasakyan ko. "Tara hatid kita sa inyo" Sabi ko dahil malapit lang naman sya pero umiling lang sya. "Go na te walking distance lang ako baka di kana makasakay mamaya" -sagot nya. "'di yan, tara"- Pilit ko pero umiling lang sya. " Ge jan sa malapit para fair" Sagot nya at umo-oo nalang ako at saka kami nag lakad, maya maya nagpaalam nalang kami sa isa't isa. Nang makauwi ako nagbihis muna ako at nahiga sa kama ko saka binuksan ang cellphone ko. [Nakauwi na kayo?] Tanong ni Dea sa gc namin, nag like lang si Mirae mukhang deretso tulog na yun habang ako ay nagreply nalang ng 'oo' **** Maaga akong nagising dahil sa may meeting pa kami sa isang subject namin, naligo nalang ako, pagpasok ko sa malapit na coffee shop sa school namin nakita ko agad ang kumakaway na si Mirae. Mukhang hindi pa sila nag uumpisa. "Kumain ka na te?" Tanog nya pag kaupo ko, tumango nalang ako dahil di naman ako palalabasin ng bahay ng nanay ko pag di ako kumain. Maya maya ay nagumpisa na kami sa pag uusap dahil dumating narin ang leader namin na si Jiessel. Gumana kasi ang katamaraaan ko at tumangging maging leader. Pagkatapos namin ay nagsipaalam na ang mga kagroup namin at kami nalang ni Mirae at yung leader namin ang natira. Nagpafinalize pa sila ng file para masiguradong pulido ang lahat. Si Dea ang nahiwalay samin kaya kami lang dalawa. "I need to go now, my dads wants to see me" Maarteng pagpaaalam nya, di na umimik si Mirae kaya ako nagsabing ingat sa kanya. "And Mirae, can you stop butting in with my business" Napatingin ako kay Mirae dahil sa sarkastikong sabi ng kausap nya na hindi ko alam anong nangyayari. Pansin ko ang pagbago ng timpla ng mukha ni Mirae sign na talagang ikinais nya ang sinabi ng leader namin. "Oh talaga, mukha mo stone heads" Mataray nyang sagot ni Mirae na kinangisi ko, nakangiti pa sya na mukhang kinainis ng kausap nya, tumayo ito, sasabuyan na sana sya ng kape pero pinangharang ni Mirae ang laptop nung Leader namin na saktong nakabukas at nakaharap sa kanya ang ending nabasa ang laptop nya. Mangiyak ngiyak na tinigan ng leader namin yung laptop nya, habang ako naka tingin lang sa kanila. Umiling pa ako dahil sa ramdam ko ang tingin ng mga tao samin. Tumayo pa si Mirae at sinenyasan nya akong tumayo narin. " Next time kasi ilugar mo ugali. I'm telling you Jiessel, don't you ever dare lay your hands on her kasi maaalala mo san ka nanggaling" Banta ni Mirae sa kausap, dahil sa wala akong alam sa nangyayari at samin na nakatingin ang mga tao, maraham hinatak ko ang palda nya nang matauhan sya. "Boboo kaba? nandito yung files natin sa loptop ko!" Naiiritang sabi nya, tumaray lang si Mirae at hinatak na ako palabass ng coffee shop. Ngayon nasa clinic kami at nakanguso na syang umiiyak sa harap ng poging student nurse dito. Nakita nya raw kasi 'to nung sinamahan nya magpacheckp up yung Lola nya. "What happen ba?" Malambig na tanong nung Student Nurse, mukha namang tanga tong si Mirae na nangingiyak habang tinitignan ang kamay nyang napaso ng mainit na kape. Mainit talaga yun natamaan din ako kaso sa damit ko lang kaya di ganon kasakit at walang paso, sya lang tong napaso talaga dahil yun ang naka hawak sa laptop. "tinapunan ako ng mainit na kape nung bully naming leader" Nakanguso nyang sumbong, filtering the story to hide the reason. Tumaas pa ang kilay ng Student Nurse sa sinabi nya. Mukha namang maabait 'tong nurse na to at halatang kapatid turing kay Mirae. Nang matapos kami ay dumretso na kami sa mall dahil kikitain namin si Dea para kumain kami sa Mcdo, libre ulit ni Mirae. "Anyari jan?" Tanong nya nang mapansin ang benda sa kamay ni Mirae, imbis na sagutin nya ay tinaas nya lang ang midle finger nya rito at ngumisi, inis namang pinalo ni Atea ang kamay na kaya ngayon umiiyak na sya. binelatan nya pa 'to kahit umiiyak na. "ginawa nya yun?" Di makapaniwalang tanong ni Dea nang ikwento ko ang dahilan ng sugatan nila Mirae... "gaga ka pala eh, dapat sinabuyan mo rin" Napailing nalang ako at kumain ng nuggets dahil sa ginatungan pa nya si Mirae, eto namang isa tumawa lang at tinaas yung kamay nyang may benda saka nakipagapir kay Dea, napapikit tuloy sya nang masaktan. Tinawanan pa namin sya dahil dun. "By the way highway, I saved the files with my phone earlier, so don't worry na about it" Nakangiting sabi ni Mirae, kumindat pa. Tumango nalang ako dahil sa balak ko narin sanang ulitin yung gawa namin pero mukhang di na kaylangan. Kaya pala malakas ang loob na makipag-sagutann. "I'm just pissed how she think highly, pasalamt sya ayaw na ayaw kong ginagamit ang magulang ko." "Masyado kang nagpadalos dalos, pagbayarin ka lang nun" Saway ko sa kanya dahil mukhang proud pa sya sa ginawa nya, ngumuso nalang sya at uminom ng Mcfloat. "Bilhan ko pa sya bago eh" Mayabang nyang sabi, umiling nalang ako dahi di naman papatalo yan. Pero mukha ngang seseryosohin nya yan eh dahil naghahanap na sya ng laptop. Dami naman ata pera neto. "Oo nga pala te di pa dumating yung book mo?" Baling nya sakin, umiling lang ako. "Tagal naman nun, baka scam na nakausap mo ah" Nakakunot noo nyang sabi, hinayaan ko nalang sya dahil kukulitin nya lang ako kung sino yung nakausap ko. Ayoko naman magbigay ng information ng iba lalo pa wala silang alam. Nanahimik din naman sya kaagad. "Hoy te, may tinatago kana atang lalaki ah" Itinago ko nalang ang cellphone ko dahil sa mga tingin ni Atea sakin, mukhang inuusisa pa ako. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain, etong si Mirae ay talagang hirap na hirap kaya yung kaliwa ang pinanggamit nya. Marunong naman sya gumamit ng kaliwa nya kaya di na naging problema sa kanya. Pagtapos namin kumain dumeretso kami sa sunken Garden sa UPD, naglakad-lakad lang kami habang naguusap ng mga bagay-bagay. Pero di mawala ang asaran nila Mirae at Atea, masaklap pa at ako ang nasa gitna nila. Nagbagal bagal nalang ako mag lakad para mauna sila sakin at di na ako mapagitnaan ng asaran nila. Tumigil naman sila nang maramdamang nasa likod na nila ako, hinatak lang nila ako pabalik sa gitna at nagusap na ng mahinahon. "So uuwi paba tayo or dito nalang muna tayo?" Tanong ni Mirae na halatang ayaw pa umuwi, tumango nalang ako at inaya silang maupo dahil pagod na ako mag lakad lakad. Pagkaupo sumandal sakin si Mirae saka huminga ng malalim. "Ayos kalang?", Tanong ko. "Hindi, pero ayoko muna ikwento, kaya ko na 'to" Sagot nya, halata sa boses nya ang pagpigil nyang umiyak, mabababaw kasi ang luha nya. Nagstay muna kami ng isang oras saka nagpasyang umuwi na. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- :]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD