chapter 3

1637 Words
:] _______________________________________________________________________________________________________ [Te busy ka? Labas ka] Napakunot ako nang mabasa ko ang Message ni Mirae. Tumayo nalang ako lumabas ng bahay, Nagulat pa akong nandun silang dalawa ni Dea at nagwewave pa sya. "Tara te, Jollibee!! " Tinaas nya pa ang kamay nya senyas na sya ang manglilibre, himalay at lagi syang nanlilibre ngayon. Gaano kaya kalaki kinikita ng librong napublish ng author nya. Nasa Jollibee na nakaupo sa may bandang salamin kung san mo makikita ang mga tao sa labas na dumadaan. Nasa loob kami ng mall at marami kang makikitang mga pamilyang dumaan, may mag jowa pa ngang naghoholding hands. Si mirae na ang umorder, si Dea ay nakangiti pang nag tatype sa cellphone mukhang kausap nya ang jowa nya. "Mapunit yang bibig mo" Puna ni Mirae nang makalapit makalapit to sa table daladala ang pagkain namin, kasukot nya ang lalaking crew na may hawak ng iba pa naming pag kain. "Thank you kuya" Nakangiting sabi ni Mirae na mukhang nakahanap ng bagong crush, may itsura naman kasi yung crew. "Welcome miss" Nakangiting sabi ng crew na pogi naman napailing nalang ako nang makita kong nag pago ang expression nya. Naturn off ata dahil sa pagresponde nung crew, mukhang palandi rin eh. "Bounce na ako, he flirt back" Pailing iling nyang sabi saka nagumpisang maghalo ng spaghetti, 'to talagang babaeng to mahilig lumandi pero pag nilandi pabalik umaayaw. 'Di mapagkakaila ang ganda ni Mirae kaya marami talagang nagkakagusto sa kanya pero ayaw nya naman sa mga 'to. Nang matapos kami kumain dumeretso kami sa bahay nila Dea para tumambay, para narin gumawa ng mga assignments namin. "Alam na ba ng tatay mo about sa inyo ng jowa mo?" Pabulong na tanong ni Mirae kay Dea, nandito na kami sa loob ng kwarto ni Dea. Nag sosolve ako rito ng math nang mapahinto para pakinggan ang sasabihin ni Dea. "Hindi pa, kaya wag kang maingay" Pabulong na sagot ni Dea, tumango nalang si Mirae at nag sagot na ulit. Napahinto nanaman kami nang biglang pumasok sa kwarto ang kuya ni Dea sabay tingin kay Mirae na nakakunot na noo. "Nandito ka nanaman?"Sabi nito kay Mirae. "Ofcourse nakikita moko eh" Nakataas na kilay ni Mirae habang sinasagot ang kuya ni Dea, lumabas nalang 'to ng kwarto pero di n'ya sinara ang pinto ni Dea. Tumayo si Mirae at sinarado 'to, lagi silang nagbibiruan ng kuya ni Dea na akala mo sila yung typical na mag kapatid na bardagulan ang love language. "Hays nakakaboring naman" Walang ganang singahal ni Dea sa tabi ko habang si Mirae ay nakasuksok lang ang ulo sa desk mukhang napuyat nanaman to kakabasa. Nagka 2hours vacant kasi kami dahil sa may meeting ang mga teachers para sa darating na year end party namin dahil patapos narin ang taon. [Hi sorry sa abala, are you free today? We just arrive here in Pasig kasi, can we meet para mabigay ko narin yung book?] Basa ko sa message ni Mitzzy sakin. [Hi, actually nasa school ako rn pero baka mga 5 pm ang out ko, we can meet nalang sa valley send ko nalang yung location] Reply ko at saka ko sinend yung address ng coffee shop namalapit lang din sa amin. [Oh, my cousin said he knows din the coffee shop, btw is it okay na isama sila when we meet para narin mameet mo narin sila] -reply nya. [Okay lang, gtg may gagawin pa ako eh. Thanks] Huling reply ko since dumating na ang susunod na teacher namin maaga atang natapos yung meetin dahil may 30 mins pa bago sinabi nilang end ng meeting. "Okay class listen, you all know what was the meeting all about right. So far the head teachers advice us not to give you informations yet about what are the plans for our year end party." Umingay namanan ang buong classroom dahil sa pabiting announcement ng advicer namin. "That's all for today we will dismiss you because of something we need to do, good day class" Maslalo pang umingay ang klase nang idismiss kami ng teacher, deretso narin itong lumabas na para bang 'di mapakali at may tinatawagan, may dumadaan ding mga teacher na para bang nagmamadali at 'di mapakali. "Something wrong with them" Napatingin ako kay Mirae nang biglang tong magsalita na para bang kagigising lang dahil sa ingay ng paligid. Napatingin pa si Dea dito at napatigil sa kakaingay. "Sino?" Tanong ni Dea, tinuro lang ni Mirae yung mga teacher sa labas at para bang takot na nagbubulungan. "May 2 hours pa tayo excluding yun 30 minutes remaining time na sinabi nila and they are not usually nagpapalabas agad ng students nang ganito kaaga, clearly there's something wrong talaga" Walang ganang sabi ni Mirae na ikinatahimik namin ni Dea, tumayo sya at inayos ang gamit nya saka kami inaya umalis. Pero bago pa man kami makalabas ng gate ay napatigil si Mirae, nakatingin pa sya hallway papuntang clinic. "May blood run oh" Casual na bulong ni Mirae habang tinuturo yung nasa lapag ng hallway na 'di nalalayo samin. Derederetso lang naglakad si Mirae pagpunta run sa tinuturo nya, kaya sumunod nalang kami sa kanya. Nang makalapit kami yumuko sya at hinawakan nya yun ng daliri nya saka inamoy ito. "I'm right, it's blood" Bago pa kami makapagsalita ni Atea naglakad na sya papunta sa clinic, di nya to binuksan pero idinikit nya yung tenga nya sa pinto. Nagulat pa kami nang biglang may bumagsak sa loob na mukhang malakas talaga, si Mirae naman at tulala lang na inalis ang tenga nya sa pinto, nakatingin lang sya sa pinto na parang may narinig na kung ano. "Tara na" Hatak ko kay Mirae dahil mukhang natulala na nga sya run, hanggang sa makarating kami sa labas ng gate ganon parin ang itsura nya. "Someone harm herself" Tulalang sabi ni Mirae ma hindi makarecover sa narinig nya, mukhang may iba pang narinig 'to kaya ganyan ang reaction nya. Di nalang kami nagtanong at hinatid sya sa bahay nila saka ko naman hinatid si Dea sa kanila. Dumeretso na ako sa Valley dahil malapit lang naman yun dito at ayoko narin agad umiwi sa bahay dahil baka tamarin na ako. [Hi, sorry napaaga ako dito sa coffee shop maagaa kasi kaming na dismiss, I'm willing to wait naman] Message ko ay Mitzzy nang makaupo ako sa loob ng coffee shop, nagbasa basa nalang. Agad naman syang nagreply sa message ko. [It's okay, we're on our way naman na eh,] -sagot nya. 'Di na ako nagreply at kinuha ko nalang ang order ko sa counter nang pagbalik ko sa mesa sakto namang may lumapit saking group of people, agad kong namukhaan yun babae na si Mitzzy "Hi, Gela right? " Paguumpisa nya, tumayo ako at nakipag shake hands sa kanya. "Yes, Mitzzy?" I replied while shaking our hands. "Btw this is Aaron nd Gaby cousins." She sweetly introduced her cousins, nakipagshake hands din ako sa kanila at nagpakilala bago sila naupo sa tabi ko. "Sorry nakaorder na nga pala ako" Nahihiya kong sabi, akala ko kasi mamaya pa sila kaya nagorder ako agad. "Oh it's fine si Gab naman ang manglilibre samin so magoorder narin s'ya" Sagot nung si Aaron na ngiting ngiti, saka naman tumayo yung Gab pero mukhang galit pa. "Wag mo intindihin yang si Gab ganyan talaga mukha nyan" Sabi ni Aaron na mukhang nabasa yung tingin ko sa isa. "Galing ko no nabasa ko iniisip mo" Nakangiting sabi nitong si Aaron na galing na galing sa sarili, ngumiti nalang ako tumango. Kaugali nya si Mirae, magkakasundo sa kalokohan 'tong dalawan 'to. Inabot na ni Mitzzy ang libro, natuwa pa ako nang makita ko kung gaano kaganda ang libro ni Miss Mia. Iba ang cover nya kaysa sa w*****d. Green and color setter at may dalawang nakaputi na nagrerepresent sa two main character ng libro. Maslalo akong natuwa nang makita kong may dalawang pirma sa loob, ipigsabihin parehong author nito ang nagpirma, may book mark pa. Sa nabasa ko sa note ng author may co author sya sa libro na 'to but she refused 'to be named. She just add a message for readers and also a signature. "Actually I'm halfway through na sa book nayan, and I'm telling you sulit ang paghihintay at pera mo" Excited na paliwanag ni Mitzzy, hindi ko alam kung ako lang pero halos halat ata ng nakakasama ko kung hindi maingay, conyo. Para bang pinakilala sila sakin para paingayin ang nanahimik kong buhay. Natuwa nalang ako sa inasta nya dahil parehas sila ginagawng reaction ni Mirae whenever she's happy, excited at kinikilig. "Oh btw ano nga pala course mo?" I glance at Aaron nang magtanong sya, nakangiti pa sya kaya ininaba ko muna ang libro para magfocus sa pakikipag usap sa kanila. Kahit na hindi ko nakikisalamuha mukahng natutuo ako dahil kila Mirae. "Grade 12, stem. How 'bou you guys?" Blik na tanong ko, isa 'to sa sinabi ni Mirae. Pag may nagtanong sakin kahit na ayoko makipagusap ibalik ko parin ang tanong para hindi magmumukhang nasa akin lang an topic. "Itong si Mitzzy kaedad mo lang, Grade 12 Hums, yung si Gab he's currently in his sophomore year as engineering student. Also me, I'm Graduating in college, Bs in Psychology" Pagiisa isa nyang sagot, saktong dating ni Gab. Dahil sa ang katabing upuan ko lang ang libre ruon sya naupo. Napalingon pa ako sa kanya nang maamoy ko ang manly scent nya, 'di masakit sa ilong kaya medyo nawala ako. "Ahm nakikinig ka pa?" Pagagaw ng atensyon ni Aaron, dahil nakatingin nalang ako sa damit ni Gab dahil sa amoy nya. "Ah sorry may naisip lang, ano ulit yun?" Halata sa mukha nya ang mapanglokong ngiti kaya alam kong nahuli nya ako, itinuloy nya nalang ang sinasabi nya at pinalit k nalang sarili kong dito ibaling ang atensyon ko. _______________________________________________________________________________________________________ :]

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD