Chapter 10 3rd Person's POV Nagtago si Coquelicot sa likod ni Jaykie habang naglalakad sila papasok ng mansion. "Ang bango!" ani ni Coquelicot. Lumiwanag ang mukha ng babae— pagtapak ng pintuan ng mansion at umakbo agad ito papuntang dining area. Nakita ni Jaykie si Citroen na pababa ng hagdan kasunod si Benedict. Yumuko si Jaykie. "Favorite ko ito!" natutuwa na sambit ni Coquelicot at tinuturo iyong isa sa mga pagkain na nasa lamesa. Umupo doon ang babae. Napatigil si Coquelicot. Ang haba ng table. Umupos si Citroen sa kabilang dulo. May mga maid na nagbigay sa kaniya ng pagkain. Nang matapos ang maid sa paglalagay ng pagkain kay Coquelicot— tumayo ang babae dala ang plato niya. Napatingin si Citroen. Umupo ang babae sa gilid ni Citroen. Magkatabi ang dalawa. "What are you