“Miss… Miss Celine?”bigla siyang napalingon sa tumawag sa kanya. “Ha?” “Okay lang po ba kayo? Bigla po kasi kayong natahimik.”tanong sa kanya ng make-up artist. “Ah, wala. May naalala lang ako. Pasensiya ka na.” “Kaya po pala. Kamukha po ba ni Sir Jaxon?”nakangiti nitong tanong sa kanya. “Opo. Si Sir Jaxon Anderson na anak ng may-ari ng Star Entertainment. Karamihan dito ay nagkakandarapa sa kanya. Paano ba naman? Mayaman na, gwapo pa at higit sa lahat batang bata pa!” “Talaga?”natawa siya. “Naku Miss Celine, bago ka pa lang kasi kaya di mo pa siya natititigan sa malapitan. Pero I swear, matutunaw ka kapag kaharap mo siya.” “Ano ba ang status niya?” “Bali-balitang may girlfriend na siya pero wala naman makalap na sapat na ebidensiya.”ibinaba nito ang brush na hawak. “Ang swerte n