“Did I hear it right?” Halos hindi siya makapaniwala sa sinabi ng lalaki na nasa harapan niya.
“I am very much willing to help you but will you marry me?” Pakiwari ni Celine ay nag-eecho ang sinabi nito. Alam niya ang ibig sabihin ng lalaking nakatapis na tuwalya. Kung iisipin kahit na may takip ang parteng iyon ay hindi niya mapigilan ang mapalunok dahil para sa kanya waring hubad na itong maituturing.
Oo, pangarap niyang makasal at lumakad sa aisle ng simbahan dahil pangarap niya rin na makasama ang lalaking pinakamamahal niya. Bumuo ng pamilya at maging masaya. Pero paano pa matutupad ang pangarap niya kung tatanggapin niya ang alok ng isang estranghero?
“Pero,hindi natin mahal ang isa't isa,” matabang niyang tugon.
“Oh! I think hindi naman kailangan na iyan lagi ang basehan. Don't worry, we can file a divorce after a year if it doesn't work.” Tinitigan siya nito ng husto. “But if you want me to help you…”
“Yes, I will marry you,” maagap niyang sagot at hindi pa hinayaang makapagsalita ang lalaki.
“Wait for me here at magbibihis lang ako.”
Ilang sandali rin siyang naghintay pagkatapos ay tumambad ang naka-suit na lalaki. Pormal na pormal ang suot nito. Kinuha nito ang mobile phone at may tinawagan. Tahimik lang siyang nagmamasid dito.
“Do you want to change your dress?”
Napatingin siya sa suot niya ng bigla itong magtanong. “Ah…”
“Assistant Ramos, please add a conservative dress for a 24-size. Bring it in the room immediately.”
Nagtataka siyang nahulaan nito ang sukat niya ngunit hindi na siya nagtanong. Maya-maya pa ay may mga yabag na papalapit sa silid kung saan naroon silang dalawa. Bumangon muli ang takot sa kanyang dibdib kung kaya”t napatakbo siya at nagtago sa likuran nito. Sa una ay naramdaman niyang nagulat ito.
“Why? Are you scared?” Sa halip na sumagot ay pilit niyang hinawakan ang sleeve nito. Bumukas ang pinto at narinig niyang may pumasok sa loob.
“Sir, nasa labas po si Mr. Sanchez. May hinahanap daw po silang babae at nais tingnan ang inyong silid,” anito.
“Let him in.”sagot ng lalaking halos yakap na niya ng dahil sa takot. Bago pa makapasok ang Mr. Sanchez na iyon ay maingat nitong nailagay ang coat na suot sa kanyang hubad na likod.
“How are you, Mr. Anderson!”
“Mr. Sanchez, maraming salamat sa pagbisita. Is there anything I can do to help you with?”kalmado nitong tanong.
“May hinahanap akong espesyal na babae at nagbabakasakali akong…”
“Oh! Do you think my woman could be your…”
“No,no,no Mr. Anderson!” mabilis itong sumingit sa nais sabihin ng lalaki. “What I mean is baka nagkamali siya ng pinasukang silid.”
“The only woman I have here is my woman and nothing else.”
“My apologies Mr. Anderson, ipagpaumanhin mo ang aking pang-iistorbo sa iyo.” Lumabas na ito kasama ang mga naka-unipormeng mga lalaki.
**********
MAHIGPIT NA HAWAK ng babae ang kanyang kamay dahil sa takot. Pakiramdam niya nanulay ang kakaibang init sa kanyang katawan mula sa kamay na hawak-hawak nito. Nang makalabas ang di-inaasahang bisita,pakiwari niya ay nanginig ang buong katawan ng babae kung kaya”t dahan-dahan niya itong hinila papunta sa kanyang mga bisig. Pilit niyang kinakalma ang nararamdamang tensiyon nito. Nakasubsob na ito sa kanyang dibdib at waring doon naging panatag ang kanina ay halos humulagpos ang mga iyak na pinipilit nitong itago.
“I'm sorry,” anito.
“Are you okay, now?” Tipid itong tumango at unti-unti ng naglandas ang mga luha sa maganda nitong mukha. Mahinang katok sa pinto ang nakapagpabalik sa kanila sa kasalukuyan. Mabilis na nagbitaw sa pagkakayakap ang babae at tumalikod sa kanya.
“Sir Jaxon, it is me.”
“Come in,”sabi niya.
“Narito na po lahat ng itinawag niyo sakin kanina.” Inisa-isa nitong ibinaba ang mga dalang paper bags na may lamang mga damit at isang envelope.
“Thank you. Iwan mo muna kami.”Agad itong lumabas. “Can we talk?” Humarap na sa kanya ang babae.
“Yes…”umupo sila.
“Now that I have helped you, do you still consider to marry me?”
“That's what I have told you and there is no turning back now.”
“Good. We will hold our civil wedding tomorrow. Do you have any request?"
“Please make sure na wala munang ibang makakaalam.” Tinitigan niya ito. Inaaninag niya ang emosyon ng babae. “And the bed thing…,” hindi nito naituloy ang sasabihin.
“Don't worry about it. I can manage.” Bigla siyang nag iwas ng tingin dito.
“By the way, my name is Celine. Celine Adriatico.” Inilahad nito ang kamay sa kanya.
“Jaxon Anderson.” Tinanggap niya ang kamay nito at naramdaman muli ang init na nanggagaling sa palad nito.
*********
PARA SILANG CELEBRITY ng lumabas ng silid na iyon. Disenteng-disente ngunit lahat ay mamahaling brands ang suot niya. Wala siyang alam sa background ng lalaking pinangakuan niyang pakasalan subalit sa nakikita niya ay hindi ito basta-basta kung sino lang. Nakakapit siya sa braso nito habang naglalakad kasabay ng mga bodyguards nito at ang kanang kamay na nagpakilala sa kanya na si Lenard Ramos. Halos lahat ng tao sa lugar na iyon ay mataas ang paggalang na ipinapakita sa kanyang mapapangasawa. Isang estranghero man sa kanyang paninging, magaan at panatag ang loob niya na ito ang napaghingian niya ng tulong.
“Mr. Anderson! It's nice to see you!” sabi ng pamilyar na boses.
“Thank you,” sagot ni Jaxon at naging mahigpit ang pagkakapit niya rito. “Please excuse me, I have to take care of my fiancée.” Marahan nitong hinawakan ang baywang.
Pinigilan niya ang sarili ng huwag ng mapalingon sa kanyang nobyo o ex-boyfriend ng matatawag na siyang naging dahilan ng matinding takot na naranasan niya.
“Oh, sure Mr. Anderson! And nice to meet you…”
“Sophie Williams.” Maagap na sagot ni Jaxon. “Sorry but we have to go.” Tumango naman si Gino at nagmistulang parada ang pagdaan nila palabas ng club na iyon.