Chapter 1 - Unforgivable Mistakes

1050 Words
"Honey! Are you alright?" Niyakap siya ng nobyo. Tatlong taon na rin silang magkasintahan ni Gino at ito ang lagi niyang takbuhan sa lahat ng problema niya sa kanyang pamilya. Nasa tabi niya ito palagi upang siya ay payuhan at suportahan lalo na sa mga sandali na siya ay nahihirapan. Tinanggap siya nito kahit na sa edad na twenty-three ay pag-extra-extra bilang artista ang kanyang trabaho. "What took you so long?" Gumanti siya ng yakap at humagulhol na sa sama ng loob. "Medyo na traffic ako. Bakit may dala kang mga maleta?" "Honey, okay lang ba mag-stay muna ako sa bahay mo?" pagkasabi niya ay biglang kumislap ang mga mata nito. "Teka Celine, naglayas ka ba?" Umiling siya. "Pero bakit? I mean, hindi ba against ito sa pamantayan ng pamilya mo?" Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Pinalayas ako ni Lolo." "Whaaaaat?!" "Okay lang ba na i-kwento ko na lang sayo ang nangyari pagdating natin sa bahay mo? Pinagtitinginan na kasi tayo dito." "Sure." Ipinagbukas siya nito ng pinto ng kotse at umalis na sa lugar na iyon. Gino Ramirez is a 28 year-old businessman. Nakilala niya si Celine sa isang common friend at agad naman nagustuhan dahil bukod sa napakaganda ng dalaga ay nalaman niyang isa itong 'Adriatico'. Ang apelyidong iyon ay isang simbolo ng napaka-impluwensiyang pamilya. Napakayaman,ika nga. Kaya naman hindi siya nag-aksaya ng oras na ligawan ito agad upang makuha ang puso nito. Liman buwan din ang kanyang hinintay upang mapasagot ito. Gustong-gusto ng lalaki na ipangalandakan sa lahat ng kanyang business associates ang tungkol sa relasyon niya kay Celine ngunit hindi ito sumang-ayon. Ang tanging dahilan ay ang pamilya ng babae na sobra ang pagtutol sa kahit na anong impormasyon na maaring ikasira ng mga Adriatico. Pero ngayon na kasama na niya ang dalaga, wala ng makakapigil pa sa mga nais niya. "Now, can you tell me what happened?" sabi ng lalaki ng makapasok na sila sa bahay nito. "Itinakwil na ako ng sarili kong pamilya Gino." Umiiyak na naman siya. "Paano nangyari yun?" "Nalaman nilang nagtatrabaho ako bilang actress na pa-extra-extra lang. Kahihiyan daw ako sa pamilya namin." "Don't worry,nandito lang ako." Mukha mang dis-aapointed ang lalaki ay ngumiti pa rin ito. Tumunog ang mobile phone nito. "Excuse me, I have to take this call." Tumayo ito at nagtungo malapit sa banyo."Yes, Mr. Sanchez?" "Don't tell me na nakalimutan mo ang araw na ito Ramirez. Kailangan ko na ang bayad sa perang inutang mo sa akin kung hindi, mapipilitan akong ipadampot sa mga pulis. Alam mo naman siguro ang kakayahan ko bata." "Ah,Mr. Sanchez hindi ko naman po nakakalimutan. Ang pangako ay pangako ho di ba?" Napalingon ang lalaki sa kinaroroonan ni Celine."Does an Adriatico ring a bell?" "Of course. Magaganda ang lahi ng pamilyang iyan." "I'll send you the prettiest." At ibinaba na ang tawag. ********** NIYAYA SIYA ng boyfriend niyang lumabas. Kailangan daw nilang magsaya upang makalimutan at mapawi ang nararamdaman niyang lungkot at sakit na nararamdaman. Ito pa mismo ang pumili ng damit na isusuot niya. Nagtaka man ay sumunod siya dito. Minsan lang naman siya maging malaya sa lahat ng kanyang gagawin at ito na siguro ang tamang panahon. "Bakit dito tayo pumunta?" tanong niya kay Gino matapos itong i-park ang sasakyan sa harap ng isang high class na club. "May kakausapin lang ako saglit,honey. Para ito sa magiging future natin. Alam mo naman na minsan mga ganitong lugar lang ang nagsisilbing kasiyahan ng mga abalang negosyante," anito. "Okay." Ikinawit niya ang kamay sa isang braso nito. Bawat madaanan nila ay halos lumuwa ang mga mata na nakatingin sa kanya. Ganoon siya panggigilan ng mga kalalakihan lalo pa at ang iksi ng ipinasuot sa kanyang dress ng nobyo. Proud naman ang lalaki na bumabati sa mga katulad nitong negosyante at kumakaway habang naglalakad. Tinunton nila ang isang silid sa dulo at maingat siyang pinaupo sa isang mahabang sofa. "Honey, dito ka lang muna at may kakausapin lang ako sa labas." "Magtatagal ka ba?" tanong niya. "Hindi naman. Basta hintayin mo ako rito." Agad naman siyang tumango. Fifteen minutes na ang lumipas ay wala pa ring Gino ang bumalik sa silid na iyon. Kinakabahan siya. First time niyang pumasok sa lugar na iyon at alam niyang parang may kakaiba sa paligid. Karamihan na babaeng nadaanan nila ay halos hubad ng yakap-yakap ng mga lalaking nasa edad forty pataas.Ang iba naman na mga bata pa at halos kasing-edad niya ay malayang nakikipagharutan sa ibang GRO doon. Lumabas siya ng pinto. Laking pasasalamat niya ng hindi naka-lock iyon. Sinundan niya lang ang dinaanan nila ng nobyo sa pagpasok. Napansin niyang may kausap ito ng isang matandang lalaki kung kaya't hindi niya naituloy ang pagtawag ng pangalan nito. Unti-unti siyang nakalapit at nagkubli sa gilid ng isang pader. "Gino, nakita ko ang kasama mo kanina. Siya ba yung sinasabi mo?" sabi ng matandang lalaki. "Yes, Mr. Sanchez. Malinis na malinis iyon." Nakangising sabi ni Gino. "Kung ganun ay hindi na ako mag-aaksaya ng panahon. Nasasabik na ako." "Sa dulong silid siya naghihintay sa akin. Doon mo lang siya matatagpuan dahil hindi naman siya sanay sa ganitong lugar." "Kapag nasiyahan ako ng lubos, wala ka ng magiging utang sa akin," anito na tatawa-tawa pa. Pagkarinig niya ay bigla na lang siyang tumakbo kung saan. Para na siyang ibenenta ng sarili niyang boyfriend at ipinangbayad utang! Kailangan niyang makaalis agad sa lugr na iyon! Kailangan niyang makahingi ng tulong! Kung bakit sa takot niya ay parang bumagal pa ang kilos niya at malapit na siyang abutan ng mga ito. Pansamantala siyang nagtago sa isang nakabukas na pinto at ng marinig niyang nakapasok na ang matanda, galit na galit ito na tinawag ang kasamang boyguard na pinahahanap siya o di kaya ay si Gino! Lalo siyang ninerbiyos at ini-lock ang pinto na pinasukan niya. "Who are you?" Isang nakatapis ng tuwalya ang nakita niya ng lingunin ang boses na iyon. "Pasensiya na kung pumasok ako sa silid mo. Kailangan ko ng tulong." "What made you think that I will help you by entering this room?" "Please tulungan mo ako!" Umiiyak na sabi niya. "Hindi ko alam na gagawin akong pambayad utang ng boyfriend ko. Please...please kahit ano gagawin ko, tulungan mo lang ako please..." "In one condition... marry me," sabi nito na labis niyang pinanlakihan ng mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD