Episode 13

1803 Words
Pagkatapos ng nakakakilig na mga tagpo naming dalawa ni Sir Dave ay hinatid na niya ako pauwi. "Buti naman at umuwi ka na daii"..bungad na sambit ni Yanah sa kain.. "Buti at nagising ka na rin dai....ganting sagot ko sa pambubuska niya. "Masaya ka 'ata daiii, ang mukha mo, parang may something"...maliwanag, parang inspired..hmmm? "At ikaw naman daiii, parang ewan ang itsura..anyari ba sa'yo hah at nag-iinum ka kagabi?hmm?" tanong ko sa kanya..Doon siya natahimik at nalukot ang mukha. Panigurado talaga may problema 'to. "gurll, sabihin mo na sa akin'... pang-aamo ko sa kanya. "Ghurll, break na kami ni Gerald...maikli niyang sagot. Di ako nagtanong kung bakit, basta ay niyakap ko lang siya at pinakalma dahil umiyak na nga ito. Alam mo, kung ano man yang dahilan ng break up niyo, deserve mo pa rin magsaya girl. Baka di lang kayo meant to be ni Gerald mo, makakita ka pa ng mas yummy pa doon, I tell you, ..pampakalma kong tugon sa kanya. "Nakaka low morale lang daii kasi nga, pinalitan ba naman ako ng katrabaho lang din niya. I felt betrayed. Alam mo 'yun, ang sakit2x dai...sobra. hagulhol niyang tugon sa akin... 'Alam mo, ikain nalang natin yan ng icecream, okey? 'wag kang mag-alala, dadamayan kita diyan sa heartbreak mo"...pampaluwag-loob kong sagot sa kanya kahit na pilit lang itong ngumiti. It's almost 12 midnight na ng mahiga ako sa aking sariling kwarto. Nakalimutan kong e check ang phone ko dahil sa kaibigan ko. There I saw 12 missed calls. It's all from sir Dave. Nangiti nalang ako sa nakita ko. I checked my messages at may isa galing sa kanya. Him: busy? Ang sungit ah, biglang bad mood agad? kaya nagtipa ako pang reply sa kanya. Me: sorry po, busy sa kaibigan ko. wag na galit:) Reply ko sa kanya na may halong smile emoticon Him:Missed you a lot, thats why. Ano ba dapat e rereply ko? Him: Wala bang reply? naghihintay ako Di pa rin ako maka reply. Abot tenga na ang aking ngiti sa kilig. Loko to ah! magtitipa na sana ako ng biglang tumawag...Aba...di makapaghintay ang loko. Tiningnan ko muna ang screen ng cellphone ko bago ko sinagot ito. Me: hello po..sagot habang pinipigil ang kilig Him: Babe? patulog ka na ba? Me: Opo sana Him: Yun lang babe? Me: Alin po? Him: Ano pa ba dapat babe? Tanong niya habang nagpipigil ako ng sasabihin. I heard him sighing. Him: I guess, di nalang na muna kita pipilitin. Matulog ka na babe. Me: Okey po. He cut the line automatically, as if nagtatampo. Kaya nagtipa ako sa keyboard ng cp ko. Me:Good night babe. Missed din po kita. sent. Sir Dave calling..... Parang tumalon naman ang puso ko sa nakita ko sa screen. Nag-uunahan yata sa pagtatalon ang mga cells ko sa puso sa sobrang kilig. Imagine hah, isang CEO ng Steel Productions Inc. Me: Tumawag ka po ulit? Him: Ano nga ulit yung tinext mo babe? Me: sabi ko, good night babe"..okey na? Him: Hmmm...talaga ba? Ayan lang hinitay ko babe. Di mo lang alam gaano ako kasaya. Me: Tulog na tayo...babe? Him: Opo, good night babe. I love you. Me:hmmm Him: I love you babe. Me: I love you din po, babe...tugon ko habang hinahabol ang hiningang sinabi yun sa kanya habang nakatingala sa kisame ng kwartong tinutulugan ko. Mag click kaya kami, totoo kayang mahal niya ako? kasi ako nahuhulog na talaga sa kanya. Paano kung matulad lang ako ni Yanah na niloko rin ni Gerald. Di hamak na mas maganda, mayaman ang mga babaeng nakakasalamuha niya kesa sa akin..bumuntong hininga nalang ako ng malalilm ...haizzzt. Saka ko nalang 'yun iisipin. "Ella, buti naman at nandito ka na"...salubong sa akin ng sekretarya na kanina pa yata ako inaabangan sa pagdating. "Bakit po? tanong ko sa kanya na bigla ring nag-aalala basi sa hitsura ng mukha niya. "e kasi naman, kanina ka pa hinahanap ni sir Dave. Di ka rin makontak. Di na maipinta ang mukha nun Ella, lagot ka talaga. Bakit ka ba kasi late hah..." Noon ko lang din naisipan e check ang phone..afatayy, lowbat ako miss. sorry. Hinging paumanhin ko sa kanya at tipid na ngumiti. "sa kanya ka mag sorry dai, di sa akin. Lagot ka talaga, kakainin ka ng buhay doon kay dracula. Delikado yun pag galit. Good luck nalang sayo. Bilis na"...pagmamadali niya pang tugon sa akin. Humahangos nga ako papunta sa opisina niya, kahit hingal na hingal na ay nagawa ko pa ring kumatok bago pumasok. I saw him standing on the edge of the window at nakatingin sa labas nito. Ang gwapo niya. Kitang kita ang matangos nitong ilong dahil naka side view ng tayo. Very clean ang dating sa suot niyang puting polo na pinatungan ng itim na tuxedo. He looks really handsome and intemidating. Tumikhim bago bago nagsalita to caught his attention. "hmmm, good morning po"..tipid kong bati sa kanya na bahagyang nanginginig baka nga mapagalitan ako.. Kanina niyo pa raw po akong hinanap, sorry po kasi... 'Di ko naituloy ang aking sasabihin dahil inisang hakbay niya lang ang pagitan namin at niyakap ako. His scent runs through my nose. Ang bago niya. Amoy na amoy ko ang pabangong gamit niya. It might be branded dahil ang gaan ng pakiramdam niyon sa ilong ko. "ohh, heaven ! sigaw ng isip ko. I was halted by what he's doing. I looked at him na nagtataka sa ginawa niya. "Akala ko nagbago na ang isip mo, babe". Thank God nandito ka na"...sambit niya sa akin. He look at me na parang may worried face. Takot na mawala ako? 'Di ako sigurado pero 'yon ang nakikita ko sa mga mata niya. "Sorry, kasi di ko namalayan lowbat pala ako, babe...finally, ay sambit ko sa kanya ng harapan para naman kahit papaano ay makabawi ako sa iniisip niya kahit wala naman akong intensyon na layuan siya. Tiningnan ko ang mukha niya na nag-iiba na ng awra. Masigla na kumbaga. "It's okey. sa susunod, dapat naka on palage yang cp mo, okey? Sabi niya sa akin na puno ng pag-aalaga at pagmamahal. Atleast iyon ang intrepretasyon ko sa nakita ko mula sa kanyang mga mata. "Opo". pa cute kong sabi sa kanya at may pa pinky promise pang nalalaman. Kahit nahihiya ay pinaninindigan ko pa rin ang laro ng pag-ibig ko sa kanya. Excuse me na po, magtatrabaho na ako?...Paalam ko sa kanya na hanggang ngayon ay nakapulupot pa rin ang mga kamay sa beywang ko paharap sa kaniya. "wag na muna, dito ka lang please. Di ako makapagtrabaho, isip kita lage"...paglalambing niya pa sa akin. "Hoy, Dave Montero, di porket ka-ibigan kita, ay hindi na ako magtatrabaho dito sa kompanya mo, nakakahiya. Yan ang ayaw ko noh, Tatanggap ng sweldo ng hindi pinaghirapan. Ano nalang sasabihin ng mga empleyado mo dito, sinamantala kita? Galing mo! "That's what I love about you babe". masipag ka sa lahat ng bagay. Independent tsaka, maganda. bonus nalang 'yun. Ang swerte ko sa'yo, alam mo ba 'yun? Mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan okey? "kahit mahirap lang ako babe? "Di na importante sa akin yun babe..alam mo yan. Mahalin mo lang ako ng tapat, solve na ako doon. Ako ng bahala sa future natin. Mahal na mahal kita, It just came and and I fell big time for you." saad niya habang pinagbunggo namin ang mga forehead namin. "bago ka magdrama, aalis na ako, okey? "Good bye kiss ko, ? "Hoy, dong, wag na...saan pa yan aabot pag nagkataon... "e di mabuti naman sana kung makaabot hanggang langit"...kindat niya.. sira! namumula kong sambit.Bahala ka nga..alis na ako. Pagmamadali kong paalam sa kanya habang napigilan ko pa ang pang seseduce niya sa akin sabay tinungo ang pinto at lumabas para di na niya maabutan pa. Paglabas ko ng pinto ay siya namang pagpasok ng babaeng di ko kilala. "Excuse me, ", maarteng sabi nito sa akin na nakairap pa at tiningnan ako mula ulo hangga paa. M "Grabe siya! Maganda nga, pangit naman ng ugali. hmmp! sambit ng isip ko dahil kamuntik ko pang mabunggo. "Sino kaya 'yon? Deretso nalang akong lakad kahit medyo kumikirot ang puso ko. Maganda eh saka sexy, papunta pa sa loob ng opisina ng boyfriend ko. Nagseselos ba ako? Sino ba yun sa buhay ni Dave? tanong pa ng isip ko. "Mariella, kumusta, napagalitan ka ba? Kanina pa kaya kita hinihintay. Nag-alala ako sayo, kala ko nga, hinagis ka na sa may bintana eh"...mahaba nitong turan sa akin na hindi na makapaghintay at sinalubong pa talaga ako. "Grabe ka naman po ma'am.. okey na po. Di po siya galit na..hehe tugon ko sa kanya na kanyang ikinakunot ng noo. nagkibit-balikat nalang siya. "Ay sandali po maam, sino po 'yong babaeng kakapasok lang sa opisina ni sir? curious kong tanong sa kanya ngunit di rin pinahalata na interesado akong malaman at baka masasaktan lang ako. "Ah si Maam Aliana 'yun. Ex-girlfriend niya. Isa 'yong modelo sa isang sikat na bridal botique dito sa bansa. 'di mo kilala? Famous kaya 'yon. Ngayon ko lang yun nakita ulit dito. Baka nagkabalikan na at si sir. " mahabang litanya niya. Tumango nalang ako habang ang mga mata'y nakatingin sa pinto ng opisina ni Dave. Ano kayang ginagawa nila ngayon kung gayung ex niya pala ito? Are they reconciling? May nakapa akong kirot sa aking puso. Nagseselos? Yes of course. Mahal ko na kasi 'yong tao eh. Pa fall, ako naman itong marupok, na fall din. Tinungo ko nalang ang pantry at tahimik na nilagay doon ang gamit ko at dumretso sa isang room kung saan naroon ang mga gamit panlinis. Kinuha ko 'yon at para makasigurado ay plano kong unang linisin ang opisina ni Sir dave. Bahagya akong kumatok saka niluwangan ang pinto para makapasok ako dala ang vacuum cleaner at iba pang panlinis. Ngunit nasa bungad pa lang ako ng pintuan ng makita kong naka up sa lamesa ni Sir Dave ang babae at nakaharap kay Sir Dave. Di ko makita ang mukha ni Sir dahil nakaharang nga ang babaeng nangngangalang Aliana. Sumikdo ang kirot sa aking puso kaya sinara ko pabalik ang pinto. Di ko alam kung naramdaman iyon ng mga nilalang sa loob. All I know is, I was hurt bigtime. I run towards the maintenance room at ibinalik doon ang mga gamit. I dont know why, pero childish na kung childish pero gusto kong makalayo sa opisinang iyon. Ang sakit lang eh no, kahit alam kong laro itong pinasukan ko, pero atlesat, nagpapakatotoo naman ako sana, dahil deep in my heart, there's a thin of hope na totoo ang nararamdaman niya para sa akin. Nagtapat nga ei, di ba?...Nilagpasan ko ang sekretarya at tiningnan akong nagtataka dahil dala2 ko ang bag ko. Lumabas ako ng building ng walang paalam. Sumakay ng taxi na parang ewan at walang patutunguhan. Ang sakit eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD