"Di niya ako deretsong hinatid pauwi. Dumaan pa kami ng mall dahil nag-aaya siyang kumain. Pinabayaan ko nalang dahil sino ba naman ako para tumanggi.
"Excuse me po sir ah, sa cr lang ako. " paalam ko sa kanya while waiting naman doon sa order namin.
Dali-dali akong tumayo at tinungo ang restroom ng mall.
"Sorry miss"..narinig ko ng may bumunggo sa akin. Pinulot ko ang cellphone na nahulog at tuumingala para tingnan kung sino iyon.
"Mariella"...masiglang bati ng nakabunggo ko. its my old classmate from my hometown.
"Erick! hoy kumusta ka dong...bati ko sa kanya sabay nagyakapan kaming dalawa sa sobrang saya ko.
"Okey lang oyyy. ikaw kumusta na ba? ganting tanong niya sa akin.
"Okey lang din naman. Nandito ka pala sa Maynila. Anong sadya mo dito dong? Dito ka na ba nagtatrabaho? sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Nope. I'm here for the internship sa kompanya ni papa"...
"Buti ka pa, malayo ng narating mo dong. sabagay..mayaman pamilya mo.
"Asuss...nagdadrama kana naman Ella"..
Si erick ay isa sa mga kaklase ko noong high school. Isa siya sa mga anak ng pamilyang may pinakamalaking hasyenda sa Occidental at may-ari ng isa mga central ng tubo doon. Ngunit kahit ganoon ang katayuan niya sa buhay ay hindi mo siya makikitaan ng ugaling preska, bagkos napaka humble pa kaya palagi itong nanglilibre sa akin noong high days pa namin.
'Ikaw ba dai, anong gawa mo dito sa Maynila? balik-tanong niya s aakin.
"Nagtatrabaho ako dito dong, in short di ako nakatapos ng pag-aaral kaya minimum wage lang kinikita ko...pero nag-iipon para makapag-aral uli"...
"Okey lang 'yan dai. Baka gusto mong subukang mag-apply ng scholarship sa university ng tita ko, akong bahala sa'yo dai..ano game ka? teka nga, bakit dito tayo nag-uusap, doon tayo sa may resto kaya, treat ko na...dagdag pa nito.
Sasagot na sana ako ng may biglang humawak sa beywang ko. That was new. Doon nakapokus ang mga mata ni Erick. I was halted too at tiningnan kung kaninong kaninong kamay iyon. It was his.
"Tapos ka na ba mag cr babe? tanong nito sa akin. Nakikita ko ang galit sa mata niya. Sira ulo talaga. anang isip ko.
"May kasama ka pala dai..mauna nalang ako hah, contact mo nalang ako doon sa offer ko sayo, sabay bigay ng contact number niya sa akin at nagpaalam na.
"Akala ko ba mag c-cr ka lang, hmm? tanong niya sa akin. He's really manly when he ask me about it. Nagkukumaripas na naman ng takbo ang mga kilig cells sa buong katawan ko.
"oo nga po, kaya lang nabunggo ko nga c Erick. Classmate ko 'yun noong high school at ngayon lang kami nagkita ulit. "
"Kaya pala, tagal mo akong binalikan sa resto? nakita mo lang yun, nakalimutan mo na ako babe?
"Ay di po. Sorry po talaga"..tipid kong ngiti sa kanya kahit na kinikilig na ang buong sistema ko sa endearment niay sa akin. Ano bang meron dito sa taong ito.
Bumalik na kami sa loob at ready na ang pagkain sa lamesa, kaya kumain na kami.Bumalik na dating mood niya kaya sinimulan kong makipagkwentuhan para naman maaliw ang puso kong out of focus na.
"Sir, ilang taon ka na po ba?tanong ko sa kanya.
"bakit mo natanong babe?...balik-tanong niya habang nakatitig sa aking mga mata. Di ko maipaliwanang ang aking nararamdaman para sa kanya. nag-iinit ang buong mukha ko kaya tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Hmmm...wala ka pong girlfriend?kasi parang ako lagi ang napagtripan mo po? saka, baka meron hah, tapos bigla nalang akong sugurin dito, nako sir, pasensyahan nalang tayo.
" That won't happen Babe. " sabi niya sa akin while looking intently in my eyes. Nakita ko kung paano tumaas baba ang kanyang adams apple while looking at me at si ako naman ay nagpapa cute kaya ayon, nagkukulay kamatis na amg mukha.
"You are blushing babe", sabi niya sa akin na nakangiti habang itinaas ang mga kamay at inaayos ang mga hibla ng buhok na naligaw sa aking mukha.
Kinilig ang ante niyo...
"Ay di naman po". tipid kong sagot at itinuloy nalang ang pagsusubo ng pagkain which makes me so awkward dahil nakaperme nalang ang tingin niya sa akin.
"Ang ganda mo Mariella. Mabait pa. " sabi niya.
Nabitin sa ere ang pagsubo ko sa sinabi niya. "Ano po?
"Ang sabi ko bilisan mo na ang pagkain at para maihatid na kita"..
Binaktas na namin ang kahabaan ng kalsada patungo sa boarding house na tinutuluyan ko. "Yun ang akala ko, pero hindi pala.
"Sir, di po dito ang daan papunta sa boarding house ko."
"I know, Babe. sabi niya sa akin sabay abot ng isa kong kamay. Nag holding hands kami habang nagmamaneho siya.
Lumagpas na kami sa siyudad at tanaw ko ang magandang tanawin na akala ko ay wala dito sa siyudad. Pinarada niya ang dalang sasakyan at umibis kami doon.
"Wow, ang ganda po dito sir." mangha kung sambit sa kanya.
Mula sa kinaroroonan namin ay tanaw namin ang magandang tanawin ng siyudad. Ang mga ilaw na nagkikislapan na animoy alitaptap sa kalawakan. Hinawakan niya muli ang kamay ko at kinabig paharap sa kanya. Kinakabahan ako.
"Mariella,ayaw kung magpatumpik-tumpik pa. Sorry kung nabigla ka sa proposal ko noong nasa isla pa tayo. Pero gusto kong malaman mo na totoo ang sinabi ko sayo. Di ako marunong manligaw, kung yun ang gusto kong puntohin babe. Sanay akong babae ang naghahabol sa akin. Sorry for that. "Sh*t! But this time, I want to make things right. Gusto kitang ligawan. Gusto ko akin ka lang. Gusto kitang angkinin na akin lang. F*k! " sabi niya sa akin na parang mababaliw sa katititig sa akin. Di ko malaman ang gagawin. Im new to this as well.
"Can you give me a chance, please? pagsusumamo niya sa akin.
"Bakit po" imbes ay tanong ko sa kanya.
"dahil mahal kita". simpleng sagot niya sa akin. It was like a bomb sa buong sistema ko na bigla nalang pinasabog ng walang warning.
"Hoy, sir, 'wag kang magbiro ng ganyan. Ang pagmamahal ay di laro 'yan. " nanginginig kong sagot sa kanya.
"Exactly! That's why sinusuyo kita, I want to make things right Mariella. Mahal na mahal kita. Ikaw ang laging nasa isip ko, di ako maka focus sa trabaho dahil isp kita lage. Naninibugho ako kapag may kasama kang ibang lalaki, maunahan pa ako eh. sh*t! And Im not getting any younger Mariella. Please?
"Pag-iisipan ko po, okey?
"No! ngayon ko kailangan ang sagot mo. Hindi tayo uuwi hangga't di ka umuo, seryso niyang sagot sa akin.
kunsabay, ligaw pa lang naman pero nagmamatigas pa rin ako. ..ani ng utak ko.
Eh, di wag na na tayong umuwi. Dito nalang tayo. Hamon ko sa kanya na mayhalong biro.
"Mas okey 'yun, atleast, kasama ka. " ganti niya pa sa akin. " Aba'y palaban"..sagot ko sa kanya na tumatawa.
Mas masarap pala itong kausap. Di ka mangingiming sabayan siya sa mga trip dahil napaka down to earth na tao kahit minsan ipinapakita niya sa mga tao at mga empleyado niya kung sino siya at anong kaya niya.
"Bigla niyang hinuli ang mga mata ko, di ko napaghandaan 'yun. Wala akong masabi, ni isang katag sa sobrang lapit ng mga mukha namin s aisa't isa. Tumitingala pa ako sa kanya.
"Ang suwerte ko naman sa lalaking ito".. Bakit ko pa ba patatagalin, I'll cross the bridge when I get there nalang siguro. Bahala na si batman".
"Hmmm, sir"...
"Please don't call me that way. Please, Babe? pagsusumamo niya habang magkahinang ang aming mga mata. Dinig na dinig ko na ang tambol ng aking puso. Naaamoy ko pa ang kanyang hininga, nakakalasing ang ipinaparamdam niya sa akin.
"Ano pala ang itatawag ko sa'yo? nangingiti kong tanong sa kanya.
"Ano ba dapat? ganti niyang tanong habang nakapukol ang nakakalokong tingin.
"Babe?' tanong ko..
"Oh, sh*t! That sounds better babe. Ulitin mo nga..
"ayoko nga, tinatanong lang kita kaya"..
"Sige nga, itanong mo ulit? pangungulit niya.
"Seryoso ako, babe. Ano ba"...sabay hampas ko sa kanya.
"Ang alin nga?
"Kailangan pa bang ulitin ko? kunyari ay simangot na sagot ko.
"Ulitin mo na, kundi' hahalikan kita, gusto mo 'yun? hmmm?
"Babe" sabi ko nalang ulit dahil hindi pa ako handa sa mga halik niya.
"Ano babe? tanong niya.
"Okey na nga babe///sabi ko sa kanya kahit na aawkward na ako dahil nakipagharutan pa ako sa boss ko.
"Tayo na babe? na eexcite niyang tanong..
"Parang ganoon na nga...babe? paano ba..ganoon nga..natatawa ko nalang na sagot kahit hindi sigurado sa kahihinatnan ng pinasok kong relasyon sa lalaking tinitingala sa sosyodad at business world.
He hugged me tight and kiss me on my forehead. I'm in love with this man, truly. I feel loved and cared, and of course ang suwerte ko naman Lord, bonus nalang ang kagwapohan sa lalaking binigay niya sa akin. Mayaman na ay maalaga pa at mahal ako. Panigurado, maraming babae ang iiyak dahil dito, iyon ay kung magtatagal nga kami. Subukan ko lang kung ano ang magiging kahihinatnan nito, saka ko nalang iisipin.....