“The gods must have descended from Mount Olympus. The mighty Thaddeaus has arrived!”
The music in Osiris was loud pero nangingibabaw roon ang malakas na pambubuska ng kaibigang si Dickson. Para itong gagong ngising-ngisi habang nakadipa ang mga braso na para bang nakahanda itong yakapin siya.
“Gago!” naiiling niyang tapon ng biro rito na ikinaugong ng halakhakan ng iba pa nilang kabarkada. The gang was almost complete.
“Risen from the dead,” si Tim na tumayo at nakipagbungguan ng balikat sa kanya. Of all his friends, ito ang masasabi niyang pinakamatino. Hindi palakibo at tahimik lang.
“He’s either a ghost or more like pinayagang makawala sa palda ni Tita,” si Lucian na umusog para bigyang daan ang pag-upo niya.
Mas naging malakas ang tawanan. People around have started to fix their glances at them. Mga gago kasi itong mga kaibigan niya. Mga gagong gwapo as what Dickson would always say. Kauupo niya pa lang sa leather sofa, kaagad nang may umabot sa kanya ng inumin. Scotch. Walang ibang gagawa niyon kundi ang pinakagagong si Dickson. Tinanggap niya iyon at ilang ulit na tinitigan. For quite some time, he remained sober.
“Don’t tell us, lady’s drink na ang type mo.”
Unlimited talaga ang pagiging siraulo nitong si Dickson. Literally, the d**k in the group. Bagay nga ang pangalan. Sumimsim siya ng kaunti. Just a little sip. May trabaho pa siya bukas at malaking krimen ang lumiban o kahit ang ma-late. Mapapagalitan siya ni Daddy Lorenz. Baka pagbuhatin siya ng sako-sakong ani sa hacienda. Tim, who was seated on his far right, was also watching his alcohol intake. They are both working now. Ito, sa kumpanya ni Tito Grant, siya naman, sa hacienda, ang dakilang tapunan ng mga Santibañez na nagsisimula sa karera.
Inubos niya ang laman at wala nang balak na magdagdag ngunit kalalapag pa lang niya ng baso sa mesa at muli iyong sinalinan ni Dickson.
“Hanggang dalawang shots lang ako.”
“Don’t be such a p***y!”
Pinagbigyan niya pero dinahan-dahan niya ang laman. Good thing na mas nasentro na sa pag-iingay ang grupo nila kaysa sa pag-inom. d**k, as always, talked non-stop. Para itong armalite. Without him, baka ang tahimik din ng grupo nila. Nakikitawa at pasalit-salit naman siyang nakikisambat sa usapan. Mas napaparami pa ang subo niya ng nachos.
“We are all talk. Sayaw naman tayo.”
Humupa lang ang ingay naang magsimula nang magsipuntahan sa dance floor ang mga kaibigan niya. Tanging siya lang ang naiwan. Kahit anong gawin, hindi siya magagawang basta mapapasayaw. Habang tumatagal, kung kani-kanino na nakikipagpareha ang mga ito. And boy, women were more than ready to grind their bodies and booties on them.
“Hey, that woman was waiting for you to hit on her,” bulong ni Tim sa kanya na pansamanatalang bumalik sa mesa para tumungga ng beer. Pawisan na ito. Sinundan niya ang direksyong tinititigan nito. Isang maganda at seksing babae sa ‘di kalayuang mesa ang titig na titig sa kanya. The eyes were sexy. Her body was exceptional. Parang supermodel. May lahi.
“Uunahan na kita. It’s a no, right?”
Umiling siya at binawi ang tingin.
Hindi na nagugulat si Tim sa response niya. Sa kanilang lahat, siya ang pinakamaselan sa pakikipagrelasyon. He takes relationship seriously. Ayaw niyang tumulad sa ama at Daddy Lorenz noong mga kabataan ng mga ito. Lagi ring pinapaalala ng ama ang kahalagahan ng respeto sa babae. He adores how his father devotes his whole heart to his mom.
“Bru, walang madre sa loob ng bar. Sa kumbento mo yata mahahanap si Ms. Right.”
He wasn’t looking. He’s still young. Wala pa nga siyang napapatunayan sa buhay. Marrying or even bedding a woman would be the least of his priority. He wasn’t a saint, that's for sure. May mga nakarelasyon na rin siya. Nothing serious. Hindi pa niya nakikita ang babaeng gugustuhin niyang makasama sa buhay. Habangbuhay.
He wasn’t in a hurry.
Sumandal siya sa sofa at itinaas tuhod at doon naman ipinatong ang brasong may hawak na baso. Tinatamaan iyon ng ilaw. Napapangiti siya habang lumilikha ng magandang kumbinasyon ang pagtama ng ilaw, ng baso at ng alak. It was a nature’s gift. And then suddenly, tila naging mas matingkad ang ilaw sa tinititigan niya. Bahagya siyang napapikit sa pagkasilaw.
Nang muling bumukas ang mga mata niya, nahagip ng kanyang paningin ang grupo ng mga kababaihang nakaupo sa katapat na mesa ilang metro ang layo sa kanila. One in particular captured his mind. Kalahati lang ang nakikita niya sa katawan nito but he was mesmerized with the delicate curve he saw. Huling-huli niya sa akto ang pagsasayaw ng tuwid at maitim na buhok na tila kaylambot sa mga palad. Slowly, he tilted his head for a better view. Nakaangat pa rin ang hawak niyang baso, pananggalang para hindi masabing naninitig siya.
Sa sandaling buong nakita ang kabuuan ng babaeng tanging nakakuha ng kanyang atensyon, bigla naman ang pagsikdo ng dibdib niya. His heartbeat became wild. Nakatungo ang babae, tumabing sa mukha nito ang sa tantiya niya ay lampas-balikat nitong buhok. He could see a creased forehead. May kinakalikot ito.
Camera.
Who the hell would bring a camera inside a bar?
Lahat maliban dito, kopita o bote ng alak ang hawak. Nakabukas na canned coke ang nasa harapan nito.
Odd.
Namaybay pa ang mga mata niya. Hindi niya maiwan-iwan ng titig ang babaeng ito. Something in her magnetized him. This time, ang kasuotan naman nito ang napagtuunan ng pansin. She was wearing a beige semi-fitted sweater. Kupasing maong na maluwang ang pang-ibaba at nakasuot ito ng puting sneakers. Her only accessory was a leather strapped wristwatch. Para itong gagala sa mall o papasok sa eskwelahan kaysa sa pupunta sa bar.
This woman was interesting…she was something.
If staring was a crime, kanina pa siguro siya nahatulan ng guilty sa kasong paninitig. May bahagi ng utak niya ang nag-uutos sa kanya na alisin ang mga titig pero iba ang bulong ng kabila. He was waiting to see her face.
Damn it!
Dahan-dahan, gumalaw ang ulo nito. Maybe, she was aware that someone was staring her long enough that it made her conscious, and when he laid eyes on that pretty face, he was left speechless. Naging bingi siya sa ingay sa paligid. Mas tumindi ngayon ang kabog ng dibdib niya. All he did was staring back at her like it was the only thing that mattered.
Marami pang mas magagandang babae kesa rito. Hers was a simple beauty. Simple yet delicate. Habang tumatagal na tinititigan ito, mas nadidipina naman sa mga mata niya ang simple nitong ganda. Parang umuukit sa dbdib niya. Oval-shaped face, katamtamang tangos na ilong, mapupula at makikipot na mga labi na bahagya na ngayong nakaawang.
God, she wasn’t wearing a makeup, not even a lipstick.
And her eyes….her slightly chinita eyes…
Tumatagos sa kaluluwa niya ang maang na pagtitig nito. Pinapakaba nang husto ang puso niya. Never…never in his life na ganito ang nagiging reaksyon ng puso niya sa sinumang babaeng unang beses lang na nasisilayan.