“Never fall in love with a Santibanez nor a Romero.”
Bata pa lang ako, naririnig ko nang madalas na sinasabi iyon ng aking ina. Walang araw na lumipas na hindi iyon tumutunogna parang sirang plaka sa aking tainga. Parang alarm clock, parang embedded sound sa cellphone. Minsan, natatawa na lang akong umaangil.
“Mommy, I am too young for love. ‘Di ba, Daddy?’
Kapag ganoon na ang tanong ko na tila naiinis, isang kindat at ngiti sabay gulo sa aking mahabang buhok lang ang sagot ng ama ko. Mom was the boss of the household.
Young and innocent, isinaulo ko rin ang bilin ng nanay ko. Sobrang naisaulo ko na kahit na sinong lalaking nakikita ko, disgust ang mararamdaman ko sa kanila lalo na kapag nagpapakita na ng motibo. Love, for me, was something both too overrated and underrated. Ang gulo ng ideya ko. Basta, disastrous ang love. If it wasn’t someone like my father, eh, huwag na lang. Sakit lang ng ulo. No man, no relationship, mas okay. I feel safer. Being alone was a safety net.
But one fateful day, my world turned upside down. Ang paniniwala at prinsipyong matagal kong pinahahalagahan at itinanim sa puso, nangangambang maglaho. My world was on the verge of crashing down when I came to know one- a Santibanez, in flesh and blood.