8 - Stay

2364 Words
Naalimpungatan ako at agad na naramdaman ko ang sakit ng katawan ko lalo na sa lower part. Makapal ang kurtina kaya hindi ko alam kung anong oras na. Wala na rin si Ram sa tabi ko. When all of what happened last night came into me, agad kong tinakpan ng mga kamay ko ang mukha ko. Tumayo ako at kinuha isa isa ang mga damit ko. Nagbihis ako ng mabilis nang makita ko ang dugo sa bed sheet. Goodbye, virginity. It wasn't that bad if I think about it. Ginusto ko yung nangyari and it felt good that I gave it to Ram. I sighed. Ilang segundo pa akong nakatanga sa harap ng kama nang maisipan ko na bumalik na sa kwarto ko. Napa mura ako ng makita ang cellphone ko. Pasado alas siete na. Alas nueve ang flight ko at mahaba ang byahe papunta Cauayan. Hindi ko na muna inintindi ang messages at missed calls ni Via dahil hindi ako nakapag send ng email sa kanya kagabi. Mabilis akong nagbihis at nag ayos. I gathered my things when I felt that the door opened. Lumingon ako at kita ko na si Ram iyon. Nakasuot sya ng signatured kupas na maong at checkered polo na bukas ang mga butones. Kitang kita ko na naman ang abs nya. Tumayo ako at humarap sa kanya. "Ah Ram.. Maihahatid mo pa ba ako sa airport? Baka makahabol pa ako. Kung hindi, I can just book for another one." Kumunot ang noo nya at lumapit sa akin. "Huwag mong sabihin na aalis ka pa rin?" "Ram.." "May nangari sa atin kagabi, Beatriz. Hindi ba natin iyon pag uusapan muna?" Seryosong seryoso ang mukha nya. Hindi ako nakapagsalita. Ano ang pag uusapan namin? It was casual. He was my first. Pero ano ba ang dapat kong isipin? Wala kaming relasyon, wala akong inaasahan sa kanya. "Ganon na lang? Wala ka bang sasabihin?" Lalo syang lumapit sa akin at napa atras ako. "Ram kasi.." Hindi pa rin ako makahapuhap ng sasabihin. Iwas pa rin ang mata ko sa kanya at sa nakasilip nyang abs at dibdib. Good Lord. Hindi sya nagsalita. I slowly lifted my head and looked at him. Nakatingin lang sya sa akin at pakiramdam ko natutunaw ako. Nagulat na lang ako ng hilahin nya ang isang kamay ko at napayakap ako sa kanya. I rested my head on his chest and his arms automatically grabbed my waist. I felt him kiss the temple of my head. Hindi ako makagalaw at wala ring tumatakbo sa isip ko ng mga oras na iyon. "Dito ka muna.." Mahinang sabi nya. Napakurap ako. "H-ha?" "Dito ka muna. Baka pwede mo pang habaan ang bakasyon mo.." There's a little impatience in his voice. Lumayo ako sa kanya, but his arms are still on my waist. I can feel his hard body and heat against mine kahit fully clothed na ako. "You're asking me to stay.." Parang wala sa sarili na sabi ko. "Wag ka na muna umalis.." Nakatitig na naman na sabi nya sa akin. Tiningala ko sya. "O-okay lang ba?" Nahihiya na tanong ko. I can't fully admint that I still want to stay, pero may nangyari sa amin ni Ram at hindi ko alam ang dapat ko'ng i akto. "Tinatanong nga kita, eh." "O-Oh sige. M-may one week pa naman akong vacation." Mahinang sabi ko tapos napalunok ako. "Pero paano yung flight ko?" "PIna cancel ko na. Pinahanda ko na rin yung agahan. Pasensya ka na at wala ako ng magising ka, inasikaso ko yung mga trabahador na pupunta sa Cauayan. Hindi na ako sumama kasi alam ko na kailangan pa natin mag usap." Swabe at walang emosyon na sabi nya. Inakbayan nya ako at inakay palabas. Nakatanga lang ako habang naglalakad kami sa hallway. Kinakabahan ako. Oo, siguro dapat nga kami mag usap. Pero ano pag uusapan namin? "Ram.." Tanong ko ng makaupo na kami sa hapag. Magkatabi kami at normal lang ang pag kilos nya, habang ako, ramdam ko hindi lang ang hiya kundi pati ang pananakit ng pang ibabang katawan ko. My face heats up whenever I remember how he moved on top of me. Ugh! Hinawakan ko ang mga pisngi ko. Ang init. s**t. Tiningnan ako ni Ram na naka kunot ang noo. "Yung kagabi.." "Kumain muna tayo, Beatriz. Marami tayong oras para mag usap." Balewala na sabi nya. Niluwagan nya ako at na touch ako sa gesture nya na iyon. Katulad ng dati ay wala kaming imikan sa pagkain ng agahan. Hindi ako nakakain ng maayos because I was thinking of the situation I was in. Pasulyap sulyap lang ako kay Ram. Normal lang sya pero ako, sobrang hindi na mapakali. Matapos namin kumain ay hinila nya ako papunta sa library. First time ko makapasok doon at kita ko agad ang parang officr table aa gitna. Maraming laman ang ibabaw at may ilang mga papeles. "Gusto ko sana na sa kwarto ko tayo mag usap, pero pinapapalitan ko pa ng kobre kama yung kama ko." Agad na sabi nya. Alright. That wad awkward. Umiwas ako ng tingin. I was acting like a virgin in front of the person who actually got my virginity. The irony of life. He cleared his throat. "Malaki ang chance na mabuntis kita dahil sa nangyari.." Panimula nya. Agad akong napatingin sa kanya. s**t. Oo nga. Bakit hindi ko agad iyon naisip? Wala kaming protection, hindi sya nag widthrawal. Nanlaki ang mga mata ko upon realization. "Isa iyan sa mga bagay na gusto ko sana pag usapan natin. Gusto ko muna malaman kung ano iniisip mo." Malumanay na sabi nya. Sumandal sya sa office desk na gamit ang dalawang kamay nya pang tukod. Mas nakabuka na ngayon ang damit nya at honestly ay nakaka distract iyon. Hindi ako nakapag isip ng matino. "Beatriz." Tawag nya. "Uh.. Sana walang mabuo. I mean, we are both responsible for last night. It was uh, fun. We.. Uhm we both liked it." Iyon ang tanging nasabi ko. For sure naman di sya umaasa na may nabuo no? Lalo na ang mag demand ako ng kung ano. "Fun? Ako ang unang lalaki sa buhay mo, Beatriz." Mariin na sabi nya. Tinititigan nya lang ako. "Obvious ba?" Tumawa ako, I tried to lighten my mood, but I failed. Hindi tumawa si Ram at tumigil na rin ako. Huminga sya ng malalim at tumayo ng straight. "Pwede ka bang dito muna hanggang sa malaman natin kung nabuntis kita o hindi?" Tumaas ang kilay ko. "What? No. One week lang bakasyon ko, no. Tsaka hello. Bakit ba ayan agad iniisip mo? Natatakot ka ba na bigla na lang ako sumulpot pabalik na buntis tapos pilit ipa ako sayo?" Napakurap sya bago sya biglang tumawa. "Ang cute mo. Halika nga dito." Sabi nya. Sumimangot ako at hindi gumalaw kaya sya ang lumapit sa akin. Nakakainis lang kasi parang lagi syang nasa runway kapag naglalakd. Gusto ko maiyak sa kilig ng mga oras na iyon, lalo na at bigla nya na lang ako yinakap. Ramdam na ramdam ko yung mga braso nya. "Gusto ko lang naman malaman kung okay ka." Mahinang sabi nya. Tiningala ko sya. "Okay naman ako, eh." Isiniksik ko ang mukha ko sa bared chest nya. Ang bango bango nya talaga, nakakainis! He caressed my hair at napapikit ako. Okay, baka naman masanay ako sa ganito. Bigla akong natauhan at itinulak sya. "Bakit?" Kunot noo na tanong nya. I pressed my lips at lumayo ng kaunti sa kanya. "Wala lang. Baka masanay ako eh." Tapos tumawa ako. Nagkibit balikat si Ram. "Edi masanay ka." Bigla nya akong hinila ulit. Edi hindi na ako nagpa kipot yinakap ko na lang rin sya. Naghiwalay kami ng marinig namin yung katok. Katulong pala, may tawag daw para kay Ram at importante. "Bumalik ka na muna sa kwarto mo, ayusin mo na muna pabalik gamit mo. Babalik lang ako." Sabi nya. Hinalikan nya ako sa noo. I was left stunned. Seriously, why is he doing this? Bakit ang lambing lambing ni Ram sa akin? What is happening on earth? Ilang segundo pa akong nakatanga mula ng lumabas na sya nang mapagpasyahan ko na bumalik na nga sa kwarto ko. Puro gamit na mga damit ko. Yung basa na damit ko kagabi, natuyo naman kasi sinampay ko sa terrace sa kwarto na gamit ko. Doon ko na lang naisipan tawagan si Via at sabihin na ngayon ko na lang isesend sa email yung mga pictures at documents para kahapon. "You seemed to enjoy Isabella. So where are you heading now? Flight mo na in an hour." Pangangamusta nya. I bit my lower lip bago sumagot. "Uhm actaully I decided na dito na lang rin ako magbabakasyon sa Isabella." Tumawa si Via. "So you really fell in love with the place! That's nice to hear." Hindi na lang ako sumagot tungkol doon. Sana hindi nya malaman na hindi ko naman talaga sinipot yung flight ko. "Yes. Uhm kung may problema or questions regarding sa mga files at pictures, please call me na lang. Palagi naman naka on ang cellphone ko." "Alright. See you soon. Baka makahanap ka ng mapapangasawa dyan." Humahagikhik na sabi nya pa. Nasamid ako dahil sa sinabi nya. "Wag ka ngang mag biro ng ganyan. Asawa agad? Di pa ako ready!" Tumawa lang si Via at nagpaalam na ako sa kanya. Inasikaso ko na yung mga ipapadala ko sa kanya when I heard a knock. Bigla akong napa ayos ng upo. Inayos ko pa ang buhok ko, alam ko na si Ram iyon. "P-pasok." The door opened at si Ram nga. This time ay naka tshirt na lang sya. Fit, kaya halatang halata pa rin ang fit na fit na katawan nya. I really like it kapag messy ang buhok nya, kagaya ngayon, at kagabi. Walang sabi na bigla na lang sya humiga sa kama ko. Naka Indian seat ako kaharap ng laptop ko at nahiga sya sa tabi ko. Hindi lang ako nagsalita. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin. Itinuloy ko na lang ang ginagawa ko. "Beatriz." I heard him call me. "What?" Hindi tumitingin na sabi ko na lang. "Papano kung mabuntis ka nga?" Bigla syang umupo at tumabi sa akin. Napatigil ako sa pagta type at nilingon sya. Huminga ako ng malalim. "Why do you keep on saying that? Let's just pray na hindi." Kunwari ay inis na sabi ko at itinuloy ang pagta type. Napa sigaw na lang ako bigla ng maramdaman ko na dinilaan nya ang leeg ko ng walang sabi sabi. Pinandilatan ko sya ng mga mata. "Ram! Ano ba? May ginagawa kaya ako." Nakasimangot na sabi ko. Ayoko ipahalata na nag eenjoy ako sa ginagawa nya, pero para akong natutunaw. Never ko naranasan ang ganitong pakiramdam sa nag iisang ex ko. Tumagal kami ng isang taon na hindi kami naging ganito ka intimate. If you think about it, bakit ako pumayag na may mangyari sa amin ni Ram, pero hindi kami at ilang araw ko pa lang sya nakikilala? Maybe, it was meant to happen like that. Maybe, kaya naghiwalay kami ng ex ko, kasi I was meant to meet Ram. Rinig ko ang malutong nyang tawa at seriously, para akong namatanda seeing him laugh. Hindi ko alam bakit ganito kalala ang epekto ni Ram sa akin. Parang biglang automatic na tumaas ang kamay ko at ikinulong ang makinis nyang mukha. Napatigil sa pagtawa si Ram at nangunot ang noo nya. "Siguro kamukha mo baby natin kung sakali." Diniinan ko ang mga palad ko at napanguso so Ram. Gwapo pa rin sya, kainis! Inibabaw nya ang mga kamay nya sa mga kamay ko. "Tingin mo?" Nakangiti sya kahit naka duck face na sya. "Joke. Syempre kamukha ko." Sabi ko tapos binawi ko na ang mga kamay ko. Nakukuryente ako kapag nagdidikit ang mga kamay namin. I really have it bad for Ram. "Siguro nga. Kahit babae o lalaki, basta kamukha mo, maganda o gwapo yon sigurado." Maya maya ay sabi nya. Nakatingin lang sya sa akin na para syang naengkanto. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. What the hell is this? Ako na ang unang umiwas ng tingin. "W-wag na nga tayo mag joke about me being pregnant.."Biglang sabi ko. "Ikaw kaya nagsimula." Nakangisi na sabi nya. "Uh b-bakit pala nandito ka? Wala ka ba gagawin?" Pasimpleng taboy ko sa kanya at well, alam ko naman na busy syang tao. "Mamaya pa naman darating pagkatapos ng tanghalian yung truck." Kibit balikat na sabi nya. Nagkamot ako ng leeg. "Uh m-may gagawin lang ako saglit. Nakalimutan ko mag email sa boss ko kagabi kasi.." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Ngumisi lang sya sa akin. "Gusto mo ba na iwan na kita?" Marahan ako'ng tumango. "Sige. Pupunta muna ako sa barn. Magkita na lang tayo bago magtanghalian." nakangiti na sabi nya. Tumawa ako. "Ang cute mo pag nagtatagalog ka ng ganyan. Para kang sa sinaunang panahon." Tumayo sya mula sa kama at humarap sa akin. "Wala namang dahilan para magsalita ako ng English." Nakabuka na sana ang mga labi ko para may itanong nang marealize ko na oo nga pala, personal iyon. At kahit na may nangyari sa amin at kahit malambing kami sa isa't isa pero hindi ko alam kung ano kami, ayaw ko sirain ang mood nya at namin ng mga oras na ito. "May sasabihin ka pa ba?" He put his hands on his waist. Walang katapusan ang pagpuri ko sa katawan nya sa isip ko. "W-wala na." Kumaway sya sa akin at lumabas na ng kwarto. I finished the email and sent it to Via's pero hindi pa rin mawala ang ngiti ko. This is just so good. I feel so damn nice. What if maging kami ni Ram? Parang ang sarap nya maging boyfriend. Gwapo, macho, malambing, idagdag pa na heredero. Ang tanong, gusto nya ba ako o malambing lang talaga sya? Ilan na kaya ang mga babaeng naisama nya rito at nakasiping sa kama? Sumama ang mood ko upon realizing na kinikilig ako sa ipinapakita ni Ram pero marami pa akong hindi alam sa kanya. Maybe I should distance a little bit. Pero paano ako makaka distansya sa kanya kung nandito ako mismo sa bahay nya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD