"You just said something in English! And I love your accent. Pero bakit ayaw mo?" Kapwa kami humihingal na naupo sa batuhan dahil sa paghahabulan namin. And nakakainis lang, ako pinapahabol nya. Hinubad nya ang pantalon nya which revealed his boxer.
Bawi na lang na sobrang gustong gusto ko ang malutong na tawa nya habang hinahabol ko sya kanina.
"Pangatlong utos, Beatriz. Linabag mo na ang dalawa at hinayaan kita. Huwag mo nang labagin ang pangatlo." Nakangiti sya, pero ramdam ko na may lamlam iyon.
"Oh. So it's something personal?"
Nakatukod ang dalawang kamay nya sa bandang gilid nya at naka sandal sya gamit iyon. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatitig sya sa falls. Bigla ko nasabi sa sarili ko na 'I could fall in love with this guy' pero ipinilig ko lang rin ang ulo ko.
Bumaba lang sya sa pedestal para i accommodate ako sandali. Pero pagkatapos nito, who knows? Babalik na sya sa dating routine nya at kakalimutan nya na may nakilala syang Beatriz Palmez. He seemed to be hard working too. Sya nga mismo nagbubuhat ng sako kasama mga trabahador nya.
"Parang gano'n na nga." Lumingon sya sa akin tapos ngumit sya.
Ugh! That smile. Grabe. Paano ko sya mawawala sa sistema ko kapag umalis na ako bukas? I mean, hindi ko pa nga alam kung saan ako didretso. Hindi pa ako nakapagpa book ng flight. Hindi ko na naisip dahil sobrang nag enjoy ako dito sa Hacienda Esquillo.
"Fine. Last night ko naman na 'to dito, so pwede na siguro ako lumabag kahit nasa bahay na? Ang hirap hirap kaya mag pigil magsalita ng English." I made a sad face.
Tumawa lang sya. "Pero yung pananamit mo.." Mahinang sabi nya at pinasadahan na naman ako ng tingin bago nakangiti na sinalubong ang mga mata ko.
"What about my clothing?" Tiningnan ko ang sarili ko. "Hindi naman ako pala suot ng revealing clothes. Nagsuot ako nito kasi ito ang proper attire sa paliligo." Depensa ko. Which is true. Medyo mapili lang ako sa mga sinusuot ko pero kadalasan may sleeves at above the knee naman sya.
Nagkibit balikat lang sya at mabilis na lumusong ulit sa tubig. Ang bilis nya gumalaw, nagulat na lang ako. Natatawa na sinundan ko sya. Sya na ang unang nag aya nang mapansin namin na pagabi nya. Tinulungan nya ako'ng maka ahon.
Muli nyang sinuot ang basa pa rin na pantalon nya at tshirt nya. Isinuot ko na ang tshirt ko. Agad iyon na nabasa pero okay lang. Nagulat ako nang bigla nyang hubarin ang tshirt nya at iniabot sa akin bago ko pa suotin ang capri pants ko. Tumama iyon sa mukha ko at agad kong naamoy ang bango noon.
"What is this?" Nagtataka na tanong ko.
"Ipatong mo sa suot mo." He stood in front of me nang nasa bewang nya na naman ang mga kamay nya.
Hindi tuloy ako agad nakasagot at napatingin na lang sa tight abs nya.
"Beatriz."
"O-Oh?" Inangat ko ang tingin ko at ang nakataas na kilay nya ang sumalubong sa akin.
"Isuot mo na yan." Turo nya sa hawak ko'ng t-shirt nya.
Nagkibit balikat na lang ako at walang salita na sinuot iyon. Nang maisuot ko na ay hinila nya na ako. He was holding me at my wrist at para akong tanga na napapangiti na lang. He was half naked and we were both wet. Ramdam ko na humigpit ang hawak nya sa akin nang papalapit na kami sa kumpol ng mga bahay.
"Sa kanila ba ako magbibihis?" Tiningala ko si Ram.
"Hindi na. Sa bahay ka na magbihis." Mabilis na sagot nya.
Nginitian ko na lang ang mga nakasalubong namin na nasa labas at mabilis nya ako'ng pinasakay sa sasakyan nya. Hindi na namin alintana kung mabasa ang car seat nya.
Nakatanaw lang ako sa bintana. Malamig ang simoy ng hangin. Palubog na yung araw at ang ganda tingnan ng langit. Napalingon na lang ako kay Ram nang maramdaman ko na tumigil ang sasakyan. It was when I realized na nasa tapat kami ng kumpol ng mga bahay ng mga trabahador nya.
I can see a few women pero karamihan ay mga kalalakihan. Puro hubad baro ay nagtatawanan.
"Sandali lang ako, dyan ka lang." Sabi nya at mabilis na lumabas.
Sinundan ko sya ng tingin. Because I am wearing his shirt, napagmasdan ko na naman ang perfect nyang likod. I like how he's lean and has muscles at the right places pero hindi sya bulky. Sobrang ang sarap tingnan at parang masarap haplusin.
Napailing ako at natawa. I am really having perverse thoughts whenever I look at Ram. I don't know why I have this kind of reaction with him. I have seen numerous models and celebrities before. Yung iba, mas gwapo pa at mas ma appeal kay Ram pero there's something about this guy na tuwing malapit sya ay nag iinit ang katawan ko. Tapos kapag wala sya sa paligid, gusto ko sya makita agad.
Is that what they call s****l tension? Because if it is, napapaisip na tuloy ako kung sya ang maiisip ko na unang makakakuha sa akin.
Tuloy tuloy syang pumunta sa loob ng parang maliit na compound at sinalubong sya ng mga tao roon. Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa dashboard at naging busy sa pagsagot ng mga messages na hindi ko na halos mapansin dahil sa pag eenjoy ko doon.
Nakarinig ako ng katok at sumilip ako sa bintana.
Napangiti ako when I saw a kid. Approximately three years old. Maluwag na itim na tshirt ang suot nya at nakangiti sya habang naka tingala sa akin. I decided na lumabas ng sasakyan at umupo sa harap ng bata.
"Hello." Natutuwa ako sa mga bata pero natatakot ako minsan na lumapit sa kanila kasi baka hindi nila ako gusto.
Tumawa lang sya at nahihiya na tinakpan ang bibig nya. Wala syang tsinelas at halatang galing sa paglalaro.
"Anong pangalan mo? Ako si Bee." Magiliw na sabi ko. I reached for his other hand. Iniwas nya iyon pero hinawakan ko nang mahabol ko.
Nakatitig lang sya sa akin. The kid has curly hair and big eyes. He could pass as a girl because of his feminine features. Nilalaro laro ko ang kamay nya habang nagkakangitian kami nang biglang may bulto na tumabi sa kanya. Tumingala ako and I saw an unfamiliar man.
"Miko, ang kulit kulit mo. Sabing sa loob ka lang." Yinuko ng lalaki ang bata at sinabi iyon. Tiningala lang sya ng bata at biglang yumakap sa hita ng lalaki.
I stood up at humarap sa lalaki. "Anak mo ba sya? Nakita ko lang sya dito."
Humarap ang lalaki sa akin. Naka sando syang puti pero butas butas iyon. Kagaya ni Ram ay kayumanggi rin ang kulay ng balat nya at matipuno. Mahaba ng pilik nya. Mga ka edad lang siguro ni Ram.
"Ah, hindi po Miss." Parang nahihiya na yumuko sya at tumawa habang nagkamot ng ulo. Kinagat ko ang lower lip ko para pigilan matawa. "K-kapatid ko sya."
"Ah." Tumango ako. "Magkamukha nga kayo." Tapos tumawa ako.
Tumawa rin sya. Yumuko sya at kinarga si Miko. "Pasensya na kung naabala ka ng kapatid ko. Mahilig kasi tumakas, eh." Hindi makatingin na sabi ng lalaki.
Hinawakan ko ang kamay ng bata at humagikhik sya. Nagkatinginan kami ng lalaki tapos natawa na lang kami.
Para lang akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makarinig kami sabay ng tikhim sa likod nila. Unti unti ko'ng nasilip si Ram. He was standing at the back of the man in front of me, matiim ang tingin nya sa amin.
Mabilis na lumayo ang lalaki sa akin. "Ah sige po, pasensya na ulit Miss." Humigpit ang hawak nya sa kapatid nya at yumuko nang madaanan si Ram.
"K-kanina ka pa?" Alam ko na wala akong ginawang masama, pero bakit pakiramdam ko may kasalanan ako? Masama ang tingin ni Ram sa akin at bigla akong kinabahan.
"Hindi ba at sinabi ko na sa kotse ka lang?" Salubong ang kilay at mariin na tanong nya.
I stood frozen. "Eh nakita ko yung bata-"
"Tara na." Putol nya sa sasabihin ko.
I pressed my lips together. Napahiya ako. Pinagbuksan nya ako ng pinto pero hindi nya na ako tinitingnan. Hindi ko alam kung bakit bigla ay gusto kong maiyak. Damn. What is this? Roller coaster ang emotion ko.
Tahimik lang na nagda drive si Ram at wala kaming imikan. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin. Sinusulyap sulyapan ko na lang sya. Naging mabilis ang byahe namin. Sabay kaming bumaba sa sasakyan. Hinabol ko sya dahil mabilis syang maglakad.
Naka akyat na kami sa hagdan. Sa kaliwa ang daan ko at sya sa kanan when I decided to grab his arm to stop him. Ang pangit sa pakiramdam na hindi ko alam kung bakit sya galit. Bakit ganoon?
"Ram sandali."
Tumigil sya at humarap sa akin.
"Galit ka ba? Ano bang nagawa ko? Bigla ka na lang hindi nangkikibo.." I may sound pathetic pero nagpapanic talaga ako. I am not usually like this. Parang biglang nagbago ako dahil sa pag stay ko rito. My work here changed me.
"Galit ako, Beatriz. Hindi ka sumusunod sa sinasabi ko sayo." I can see the anger in his eyes. Pero sinalubong ko iyon.
"Pero nandoon pa rin naman ako. Natuwa lang naman ako sa bata that's why I went out." Napalunok ako. Para ako'ng hinuhusgahan at kailangan ko depensahan ang sarili ko. Nakahawak pa rin ako sa braso nya.
"Hindi mo ba naiintindihan? Hindi mo ba nakikita ang itsura mo ngayon?" He looked at me from head to toe, pabalik sa mukha ko. "Pinagpepyestahan na ang katawan mo, hindi ka pa rin makaramdam!" Mariin na sabi nya.
Napakurap ako. "What? Ang layo layo ko sa inyo, eh! Yung bata lang naman ang-"
"Yung bata? Nandoon ang kapatid nya, si Argos." He clenched his fist. "Sabagay. Hindi na dapat ako magtaka. Tipikal na babaeng taga Maynila." Maya maya ay may pang uuyam na sabi nya. I saw him smirk. It was the kind he gave me noong pangalawang beses kaming nagkita.
Para akong napapaso na tinanggal ang pagkaka hawak ko sa braso nya.
"What do you mean by that?" Confused pa rin ako.
"Magbihis ka na. Hindi ko gusto ang itsura mo ngayon." Imbes ay matigas na sabi nya at mabilis na naglakad palayo.
I was left stunned. How can Ram make me feel giddy, cared and special and then like a trash in a minute? Gusto kong umiyak. Nanginginit na ang mga mata ko. Kung tutuusin, mababaw lang iyon. Hindi naman ako tanga para hindi maisip na may stereotyping ng mga babae na mula sa Maynila dito sa probinsya.
But I am not like them.
Laylay ang balikat na pumunta ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nagbabad sa shower bago ko napagpasyahan na magbihis na. Ang bigat sa pakiramdam. Nag aayos na ako ng mga gamit ko pero ang makita at makausap si Ram ang tanging nasa isip ko.
This is insane! Parang obsessed ako sa kanya. And it would be wrong.
Kailangan ko na masanay na tanggalin sya sa sistema ko. Aalis na ako bukas. Pero gusto ko na magkaayos kami o malinawan sya. Iniisip nya na sinadya kong lumabas ng sasakyan para ihantad ang katawan ko kay Argos. And I should be mad.
Pero hindi ko magawa. Iniisip ko na sarado ang utak ni Ram sa mga ganitong bagay at ako ang makakapagpaliwanag sa kanya na hindi ako ganoon.
I sighed. Tuyo na ang buhok ko ng makarinig ako ng katok ng katulong. Lumabas na raw ako para sa dinner. I was just dragging myself to the dinning room. Lalo akong nawalan ng gana ng makita na ako lang ang nandoon, tapos isang plato lang ang nakalabas na halatang para sa akin lang.
"M-manang, si R-ram po?" Hindi ko napigilan magtanong sa isang katulong na nagsisilbi sa akin.
Kunot ang noo nya. "Nasa kwarto po, nagpahatid na lang ng pagkain, masama daw po ang pakiramdam."
Hindi na ako nagsalita at nagpasalamat na lang sa katulong nang mailagay na ang lahat ng pagkain. I should be giddy and happy. Bukas, pwedeng pwede na ako pumunta sa kung saan ko gusto. Dapat excited ako. Pero bakit parang daig ko pa ang nalugi sa negosyo?
Naka limang subo lang yata ako at iniwan ko na ang hapag.
Itinuro sa akin ni Raisa ang kwarto ni Ram noon. It was the door in front of the room next to Raisa's at hindi ko alam kung bakit doon ako dinala ng mga paa ko.