Frame up

2419 Words
Kanina pa nakatitig sa Tv si Green habang nasa hospital bed sya. Laman ngayon ng balita ang nangyaring kidnaping sa kanya at kay Fiona na ikinasawi ng huli. Ang akala nya matagal ng resign si Chloe sa pagiging pulis nito pero hindi pala. Nag resign ito pero di pala pinirmahan ng superior nito noon kaya nanatili pa rin itong pulis. Sinabot ito ng ahensya na kinabibilangan nito para maabsuwelto sa patong patong na kaso na isinampa rito. Sa ngayon under surveillance si Chlodette Santillan. Inalisan na din ito ng baril pansamantala habang hindi pa na huhuli kung sino ba talaga ang salarin. Hindi pa sya makapag bigay ng statement dahil kagigising lang nya sa hospital. Nawalan sya ng malay ng barilin sya ni Chloe sa hita bumagsak sya sa sahig at tumama ang ulo nya pero bago pa sya mawalan ng malay nakita nya ang sunod sunod na pag baril kay Fiona. Di sya sigurado kung si Chloe ang bumaril dito. Ngunit base sa alala nya malinaw na si Chloe ang nag pakidnap sa kanya at tinawagan lang si Fiona para sumunod doon. Narinig pa nya ang usapan nito at ng lalaki na bumaril sa kanya sa balikat. Na saktan daw si Fiona hanggang sa mag sisi ito sa kalandian at pag landi sa kanya. Noong una ayaw pa nyang maniwala. Narinig nya na sinabi ng isang lalaki na parating ito at ito daw ang mismong papatay kay Fiona. Kaya naman nagulat sya ng makita nya ito sa harapan nya ng magkamalay sya. Ang palaisipan lang talaga sa kanya kasabay ng pag baril nito sa kanya ang pagdinig nya ng sunod sunod na putok na tumama sa dibdib ni Fiona dahilan ng pagkamatay nito. Nag sorry din si Chloe sa kanya bago sya nito binaril sa hita ng gabing iyon. Kapag nag salita sya tiyak na makukulong ang dalaga. Galit na galit din ang parents nya at gustong ipakulong si Chloe inintay lang syang tumistigo. Hindi daw papayag ang mga ito na walang mag bayad sa nangyari sa kanya. “I can’t believe na muntik ka nanamin ipakasal sa isang babaeng mamatay tao. Mamatay muna ako bago maipilit pa rin sya ng lolo mo sayo. hinding hindi ako papayag na maging miyembro sya ng pamilya natin.” wika ng ina na galit na galit parin kahit 3 araw na ang nakakalipas. “Siguro sanay na sanay na talaga syang pumatay napakadami nyang identity. Pulis, Modelo, teacher ano pa ba ang kaya nyang gawin.” iling pa ng ina nya. “Tama na yan Kristle.” saway naman ng papa nya. Pinatay naman na nya ang TV nag dadalawang isip pa rin syang magbigay ng statement sa mga pulis kaya tumatangi pa rin syang humarap. Abogado lang nila ang humaharap sa mga ito. Nag dadalawang isip pa rin sya hindi sya sigurado sa nakita nya. - - - - - - - - - - - “Bumalik ka na sa underground Chloe doon ma poprotektahan ka ng maayos ng society laban sa taong gustong mag frame up sayo. Nalinis na rin ni Rodney ang buong data base ng laptop mo kaya wala silang makikita bad record sayo sa pagiging assassin mo.” ani Zian ang matalik nyang kaibigan at ka batch mate nya ng pumasok sya noon sa underground na sya rin hiningian nya ng pabor ng gabing iyon. “kamusta ang parents ako are they safe?” tumango naman si Zian. “Bumalik ka na chloe kung gusto mong mahuli ang tunay na kalaban.” “Si Darlene Padua nakita nyo na ba?” “patay na si Darlene 1 week ago ngayon ang libing nya sa probinsya nila.” malakas ang kutob ni Chloe na kung sino man ang kumuha sa serbisyo ni Darlene e sya rin ang gustong mag frame up sa kanya. Malas lang nito na nag conduct sya ng safety precautions bago pumasok sa abandonadong building ng gabing iyon. Halos sabay na dumating ang pulis manila at ang grupo ng ilan sa underground na tinitingala ng mga kapulisan ng pilipinas. Hindi kasi basta basta ang nakakapasok sa underground society kung mahinang klaseng pulis ka. Kailangan mo munang patunayan na karapat dapat kang mapabilang. Sila ang mga pioneer noon mga president babies ang tawag sa kanila. isa sya sa top rank na agent ng umalis sya sa serbisyo nabalitaan nyang si Amethyst ang pumalit baguhan palang ito noon pero kita na nyang ang potential. Habang si Zian naman ay umalis din at pumasok bilang Us Army pero ngayon bumalik na ulit ito sa underground at wala syang idea kung bakit. “Hindi ako babalik sa serbisyo pero kakailanganin ko ang pangalan ng ahensya para mahuli ko ang mga animal na tumatangkang sumira sa akin.” “sinasabi mo bang kikilos ka ng mag isa. Masyadong delikado wag kang mayabang chlodette.” inis na wika ni Zian. “On call ka naman diba.” ngisi ni chloe napailing naman si Zian na umiling. “Anong balak mo. Oras na tumistigo si Mr. Lafradez ma didiin ka mahihirapan kang ipagtanggol ang sarili mo.” ngumisi si Chloe. “Ano naman akala mo sa akin tumanda ng kinakalawang. I came prepare bago pa man ako pumasok. Mula sa bulsa inilabas ni Chloe ang isang usb. “I style have my lens.” turo ni Chloe sa mata. Buti nalang tuwing meron syang gagawin trabaho lagi nyang suot ang contact lens nya na may camera installation kaya lahat ng nakikita ng mata nya na rerecord sa data base ng laptop nya kaya lahat ng nangyari ng gabing iyon naka record maging usapan. made in russia pa ang contact lens na iyon regalo sa kanya ng isang russian army na nailigtas nya noon. Ngumisi naman si Zian na tinapik sya sa balikat. “Sigurista ka parin talaga. Always girls scout.” “naman.” “Sige na kailangan ko ng umalis. Call me kapag kailangan.” paalam pa nito saka umalis. Hindi pa sya nakakauwi sa kanila iyon din ang bilin sa kanya ng chief nila sa underground. Meron mga taga underground pulis sa bahay nila para bantayan ang parents nya na takot na takot pa rin dahil sa nangyari. Na kokonsensya sya sa nangyari matatanda na ang parents nya ngayon pa nangyari sa kanya ang bagay na ito. kaya titiyakin nya na pag babayarin nya ng mahal ang gumulo sa nanahimik nyang mundo. Napalingon sya sa paligid saka napailing. Alam nyang under surveillance sya sa mga pulis pero napaka obvious naman yung mga civilian police na sumusunod sa kanya. nakakabanas sa mata kaso kailangan nyang sumunod sa batas at protocol. Alam nyang ginagawa lang ng mga ito ang trabaho nila. “Chlodette.” napalingon si Chloe ng marinig ang familliar na boses pag baba nya ng motor nya. Napangiti sya ng makita si Audrey at Allen sa basement parking ng condo building nya. “okay lang ako guys. No need to check on me.” wika ni Chloe. “Si Green di mo ba kakamustahin.” tanong ni Allen ng makapasok sila sa elevator. “Hindi vital part ang binaril ko sa kanya kaya alam kong buhay sya. napasama lang bagsak nya kaya nawalan sya ng malay.” “Bakit ang chill chill mo pa rin mag sasagot. FYI lang ikaw na ang laman ng tv news at mga newspaper. Di ka ba worried?” tanong ni Audrey. “dahil im a hero not a villain.” “Pero hindi iyon ang tingin ng iba lalo na ng mga fan ni Green sa PBA kaya mag ingat ingat ka. Hindi man celebrity si Green pero marami yang fan club na posibleng mag wala kapag na tunton ka nila.” bahagya naman natawa si Chloe sa sinabi ni Audrey sabay buntong hininga na niyaya ang mga iton pumasok sa loob ng condo nya. “May idea ka ba kung sino ang posibleng may galit kay Green or sayo na rin para i frame up ka?” “Sa akin di ako sure kay Green maraming gustong mawala sya sa mundo dahil sa pananakit sya a mga babae.” “At isa ka doon diba?” tanong ni Audrey. “Am i? hindi sigurado sa simula palang alam ko na rin kasi mangyayari ito kaya nga ayoko sa kanya e kaso na budol ako ng gunggong na yun pero hindi sapat na dahilan yun para ipa kidnap ko silang dalawa at patayin si Fiona at ganun din si Green. Ang tanga ko naman kung gagawin ko yun.” tumango ang mag asawa. “Galit na galit sayo si Tita Kristle gusto ka talaga nyang ipakulong kahit anong mangyari. Iniintay lang nila si Green na makarecover bago sila mag dedemanda sayo. Ready ka ba?” “Im born to be ready.” “Paano na kayo ni Green?” tanong ni Allen. “Wala naman ng kami he end it up at pumayag ako ganun ka simple. Kami siguro yung kabuuan ng pinagtagpo pero di itinadhana.” biro pa ni Chloe. Napabuga ng hangin si Audrey yumakap sa braso ng Asawa. “inisip ni Green na ikaw ang may pakana ng lahat.” “I know.” “At wala ka bang pakialam dun.” tanong ni Allen. “choice nya yun di ko naman sya puwedeng diktahan. Haharap ako sa korte kung mag dedemanda sila kung gusto nila akong ipakulong so be it. Malinis ang konsensya ko kaya wala akong paki alam sa iisipin ng ibang tao.” “ I admire your gutts. Sana all kasing lakas at tapang mo gurl.” ********* Nakatingin si Chloe sa harap ng salamin. Kitang kita ang marka ng kamay ng ina ni Green sa pisngi nya kung di lang napigilan agad ng mga pulis baka pati ang ina ni Fiona sinaktan din sya ng dumating sya sa trial court. Nag salubong pa ang tingin nila ni Green na di man lang kumibo at awatin ang mama nito sa pananakit sa kanya. Ngayon ang unang hiring nila. Hindi na nya pinasama ang parents nya dahil tiyak na sya ma babasura ang kaso kapag ibinigay na nya ang ebidensyang hawak nya. Kanina malakas pa ang loob nya na humarap kahit kanino dahil alam nya sa sarili nya na wala syang kasalanan pero ngayon parang bigla syang na drain. Nanghihina na napa squats nalang sya ng upo sa sahig ng restroom. Pigil na pigil ang mapaiyak gusto nyang mag paliwanag kay Green na di nya ito sinasadyang barilin. Biralin lang tlaga nya ito dahil iyon lang ang choice nya para iligtas ito sa tiyak na kapahamakan. Kung di ito na tumba sa pagkakabaril nya tiyak kasabay ito ni Fiona na pinag lalamayan habang may butas sa noo. Mabilis syang na patayo ng makita ang pares ng leather shoes habang may naka umang na panyo sa harapan nya. Dali dali syang tumayo at nag hilamos. “Your really a brave woman.” wika ng isang familliar na boses na ikinalingon nya. “Lolo.” bulalas nya ng makilala ang matandang lalaki nakilala sya sa gubat. Anong ginagawa nito rito. Tumawa ito na parang si Santa Clause saka nakangiting inabot sa kanya ang panyo na tinggap naman nya. “Keep on fighting hija. I know you will survive.” “Lolo anong ginagawa nyo dito sa ladies room. Lumabas na tayo bago pa——- nahinto ang pag sasalita ni Chloe ng mapansin ang urinal na nasa pader sabay ngiwi kaya muling tumawa ng malakas ang matandang lalaki. Kaya hiyang hiya na nauna na muna syang lumabas bago pa may pumasok na ibang lalaki sa loob ng mens room. Nag intay nalang sya sa labas ng restroom pero may ilang minuto na sa loob ang matanda pero di pa din lumalabas. May ilan ng lalaki ang nag labas masok sa mens room pero wala pa rin matandang lumalabas. “Chloe. Kanina pa kita hinahanap mag sisimula na ang hearing.” wika ng assistant lawyer na hahawak ng kaso nya. Tumango naman sya na napatingin sa pinto ng banyo. “Mr. Douglas puwede po bang pumasok kayo sa loob tapos pakisabi kay lolo na kung puwede intayin nya ako. May isasauli kamo ako sa kanya.” turo ni chloe sa mens room. sumunod naman ito na pumasok sa mens room pero saglit lang din ito at lumabas din agad. “Wala naman matandang lalaki sa loob.” “ha? cheneck mo ba sa mga cubicle?” “Oo. Wala 2 lalaki lang na sa loob at parehas na mid 40’s siguro.” kumunot ang noo ni Chloe na dinukot ang panyo na inabot sa kanya ng matanda kanina pero nagtaka sya knina panyo ang tingin nya roon pero bakit bigla naging isang paper towel iyon at may naka sulat pa. “I may not be around but im always watching you two from above.” basa ni Chloe sa naka sulat na pinag taka nya at napakamot ng ulo. Anong ibig sabihin roon ng matanda at saan ito nag punta. Hindi naman sya umalis o nalingat sa labas ng restroom pero bakit wala ito sa loob. Napilitan na syang sumunod sa abogado ng hilahin na sya nito. Gaya ng inaasahan na dismiss ang kaso dahil sa ebidensya na binigay nya. na ikinagalit ng husto ng kampo ni Green. Nag request pa ito ng kopya ng video na pinag hihinalaan ng mga ito na edited. Hindi man lang nakapag salita si Green sa witness stan dahil malinaw na kita sa video na wala itong malay ng dumating sya. Kinailangan din muna nyang i surrender ang contact lens nya para bigayan ng justification kung edited nga ba ang video o hindi. “Chlodette.” napalingon ang dalaga ng marinig na tinawag sya ni Green. Puwersahan ng inilabas ang mommy nito ng mga security guard ganun din ang pamilya ni Fiona na galit na galit sa kinalabasan ng kaso. “hindi ako sigurado pero sana lang talaga malinis ang konsensya mo at nagagawa mo pang matulog sa gabi.” ani Green. “Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Hindi ko lilinisin ang pangalan ko para paniwalaan mo ako. Ginagawa ko to para sa pamilya ko.” pagak na tumawa si Green saka lumapit sa kanya saka may ibinulong. “Totoong mahal kita pero noon yun ng di pa nakikita ng mata ko kung anong klaseng mamatay tao ka.” ani Green saka paatras na umalis na walang kangiti ngiti. Di na nya makita sa anyo ni Green. Yung Green na kilala nyang maloko at bolero para itong ibang tao sa paningin nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD