Libing

2598 Words
Muntik ng malaglag sa upuan si Chloe ng makita sa Tv ang flash report na pinapanood ng mga katulong nila sa kusina ng pumasok sya para humingi sana ng dinner. Lumabas sa screen ng TV ang isang picture ng matanda nag ngangalang Redulfo La Fradez. Isang Hotel Magnet sa buong asia na kaninang umaga lang ay pumanaw pagkatapos nitong atakihin sa puso. Huli na ng maisugod ito sa hospital ng mga kasama sa bahay DOA na pero kaninang umaga lang nasa tiral court ito. Kung patay na ito sino yung matandang lalaki na pumunta sa kanya at nag abot ng papel na inakala nyang panyo. Dali dali syang umakyat sa itaas at hinanap ang papel sa bulsa ng pantalong suot nya kanina. Nakita naman nya iyon agad. Naroon pa rin ang note sigurado syang ang matanda sa TV ang nakita nya. Redulfo La fradez ang pangalan ng matanda. Ibig bang sabihin nun ito ang lolo ni Green na syang iniligtas nya noon sa gubat. Na syang may gusto sa kanya para pakasalan ang apo nito. Di nya napigilan ang mapahikbi ng mula sa drawer kinuha nya ang kuwintas na binigay ng matanda na ang bilin pa nito at ito daw ang babawi kapag magaling na ang paa nito. Naalala pa nya ang sinabi nito na bagay na bagay daw sila ng anak nitong si Axcel na sa madaling salita ay ang ama ni Green pero si Green ang ipakakasal nito sa kanya marahil bumalik na ang alala nito kaya si Green ang napili nito ipakasal sa kanya. ang apo nito. Parang pinag lalaruan talaga sila ng tadhana ni Green. Ito pala ang lolo na tinutukoy nito ang matandang gusgusin noon na napulot nya sa gubat. Ang hikbi na kanina ay mahina lang ay unti unti ng nauwi sa hagulgol eksena na pinasukan ng parents nya na marahil ay narinig ang malakas nyang pag iyak. Hindi naman kasi sya iyakin pero dahil siguro punong puno na ang emosyon na naipon sa dibdib nya. Di na nya napigilan ng sumabog iyon at di na nya magWang tumigil sa pag iyak. Di na malaman ng parents nya kung paano sya patatahanin maging mga ito na papaiyak na din sa pag alo sa kanya. - - - - - - - - - - Inintay muna ni Chloe na makaalis ang lahat ng bisita sa pinag burulan kay Lolo Red saka sya lumapit sa puntod ng matanda na daladala ang isang long stem na dilaw na rosas. Na alala kasi nya sabi nito sa kanya noon favorito nito ang dilaw na rosas dahil iyon ang paborito ng asawa nitong kamukha daw nya. Nag request pa ito noon na bilihan nya ito ng bulaklak at dadalhin daw nito sa asawa nito ngunit nalimutan naman nyang bumili ng araw na iyon kaya ngayon lang sya naka bili. “Lo’ grabe yung pa goodbye philippines nyo sa akin pang Famas award.” biro ni Chloe na bahagyang ngumiti kasabay ng pagpatak ng luha nya ng lumuhod sya sa damuhan at ipatong sa puntod nito ang dala nyang dilaw na bulaklak. “Walang maniniwala sa akin kapag sinabi ko na nakita ko kayo mismo ng araw na yun. Baka isipin nila mamatay tao na nga ako baliw pa.” bumuga ng hangin si Chloe para alisin ang bigat sa dibdib nya at pinahid ang mga luha sa pisngi. “kAsalanan ko po kung bakit nandyan kayo ngayon sa ilalim. Ako ba nag lagay sa inyo dyan kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng to sana di ko nalang sinundan si Fiona pero sa maniwala at hindi po kayo. Hindi po ako ang pumatay kay fiona at hinding hindi ko po sasaktan ang gunggong nyong apo.” “Hindi po ako masamang tao lo, gaya ng iniisip ng iba. Opo pumapatay ako pero hindi ng mga inosente. Ang sabi nyo babantayan nyo ako sige po., Sige lang po lo kahit kilabutan ako hanggang sa balahibo ng singit ko okay lang basta ba iparamdam nyo sa akin na naniniwala kayo sa ——- ay anak ka ng tikbalang.” bulalas ni Chloe na napatayo ng magulat dahil naramdaman nyang biglang may tumayo sa tabihan nya. “what the hell are you doing here?” bilis bilis na pinahid ni Chloe ang basang pisngi ng makita si Green. Naka itim itong shade at puting long sleeve at itim na slack nakasapay sa balikat nito ang coat. “Di mo ba puwedeng bigyan ng konting katahimikan ang pamilya ko. Kamamatay lang ni Lolo gusto mo bang pati mommy at daddy sumunod kay lolo.” “Im sorry ——- “Your sorry is not enough. Lumayo ka na sa amin wag na wag ka ng lalapit sa pamilya ko kahit dito sa puntod ni lolo. Kakalimutan ko na nakilala kita at sana ganun ka rin. umalis ka na.” wika ni Green saka tumalikod mula sa unahang kotse ni Green nakita nya ang 2 pang kotse at may tatlong lalaki sa labas niyon na parang familliar sa kanya. Di lang nya maalala kung saan nya nakita. Napasunod nalang sya ng tingin sa mga umalis na sasakyan. Daig pa nya ang sinampal sa sinabi ni Green. Ngayon kasama na sya sa mga babaeng dumaan sa buhay ni Green. Pagak na napangiti si Chloe saka napatingin sa puntod ng matanda. “Bantayan nyo din po ang apo nyo. Baka samain ako mapikot ko.” ****** “Kapal din talaga ng mukha mo para mag pakita sa amin. After ng lahat ng ginawang mong gulo buti nasisikmura mo pa.” sigaw ng mommy ni Green pag pasok na pag pasok palang nya sa study room ng mansion ng mga La fradez. Ipinasundo sya ng abogadong si Mr. Santos para sa last will and testament ng matanda. Ayaw sana nyang pumunta pero nakasaad sa will ay hindi babasahin ang testemento kung wala ang presence nya kaya napilitan na syang sumama. Kung ano man ang nasa pangalan nya isasauli nya ng buong buo sa pamilya ni Green para walang ng pag aawayan pa. “Tumigil ka ba Kristle. hayaan mo na muna si Chlodette. Nandito lang sya para will ni Papa aalis din sya pagkatapos.” wika ng ama ni Green habang si Green naman ay inalalayan na ang ina na makaupo sa kabilang panig ng mesa. Muling nakita ni Chloe ang 3 lalaki na ngayon ay na alala na nya kung saan nya nakita. Ito yung 3 ulupong na pinatulog nya sa boxing Gym ni jayson. Talaga nga naman pinag buhol buhol na sila ng tadhana. Ano naman kayang ganap ng mga ito at nandun ang mga ito sa loob ng study room. Kung tama ang alala nya sabi ni Jayson may ni rape daw ang mga ito pero dahil galing sa mayamang angkan kaya na absuwelto ang tatlo at nabaligtad ang hustisya. Sya kaya ang humatol sa mga ito na alala pa nya ang mga kamanyakan ng tatlo sa kanya pero mga wala naman palang ibubuga. Sagana lang sa laki ng katawan pero mga walang kuwenta. Speechless naman si Chlodette pagkatapos mabasa ang last will. Habang nagkakaingay ang ina ni Green dahil sa will ng biyenan nito. Majority sa kanya ipinamana ng matanda. Nalaman nya na anak pala ng pangalawang asawa ni Lolo red ang 3 ulupong na meron din namang nakuha sa matanda yung nga lang maliit na halaga lang habang sa anak nitong si Axcel ay 20% share lang ng isang company ng ama nito at konting halaga para sa lahat ng katulong ng mansion. 80% ng lahat ng ari arian ng lolo ni Red sa kanya na papunta habang kay Green naman e 20% lang ng lahat lahat. Hindi transferable ang mana naka saad sa will na marahil alam ng matanda na iyon ang mangyayRi. Tanging kasal lang daw nila ni gReen ang mag babalik ng lahat ng mana sa pamilya La fradez. Kaya nag pupuyos sa galit ang ina ni Green. Gugustuhin pa daw nitong mamatay kesa maging manugang ang isang mamatay taong tulad nya. Gusto nyang mag salita at ipag tanggol ang sarili nya pero di nalang nya ginawa dahil mas lalo lang gugulo. “Galing naging instant millionaire ka na ng walang kahirap hirap.” wika ni Green na sumunod pala sa kanya ng lumabas na sya ng study room. “then pakasalan mo ako kapag napalipat na sa pamilya nyo ang mana nyo. Mag hiwalay tayo simple lang diba.” inis na sagot nya tumawa naman si Green. “Bingi ka ba o sadyang playing innocent ka lang kailangan ko bang ulitin sayo ang naka saad sa will. Mag papakasal tayo at mag sasama kailangan mo akong bigyan ng 3 tagapag mana bago pa mabalik sa amin ang lahat ng minana mo.” oo nga pala iyon nga pala ang naka saad sa will. 3 anak ang gusto ng lolo nito ibang klase din gumawa ng will ang lolo nito. “Unless nalang gusto mo talagang mag pa anak sa akin.” “Ang tanong okay lang ba sa pamilya nyo na mag karoon ng ina ang mga apo nila ng mamatay tao.” hindi naka imik si Green at nabigla sa sinabi nya. “Hindi ko pakikialaman ang mana na nasa pangalan ko. Kayo na ang bahala this will be the last na makikita nyo ang pag mumukha ko.” tatalikod na sana si Chloe ng pigilan sya nito pero agad din bumitaw ng sumulpot ang 3 ulopong. “Oo. Tama wag ka ng mag papakita sa amin yung mana nasa pangalan mo. Gagawan ko ng paraan para mapabalik sa amin. Makita nalang tayo sa korte.” “Walang problema sisipot ako.” “And one more thing just piece of advice lang habang nasa pangalan mo ang mana ko. Mag pagawa ka na din ng will mo baka kasi bigla lisanin mo ang mundong ibabaw hindi ko mabawi ang mana ko.” Gustong mag tagis ng bagang ni Chloe sa sinabi ni Green. Daig pa nya ang sinaksak ng harapan. “Bakit gusto mo na ba akong ipapatay? sabihin mo lang—— “ humakbang palapit si Chloe kay Green at dahil matangakad ito bahagya pa syang kumapit sa balikat nito para tumingkayad para maabot nya ang tenga nito. “Marami akong kilalang hired killer i reffer kita kung gusto mo.” bahagya naman syang itinulak ni Green at galit na tumalikod. “Green.” tawag pa nya sa binata huminto naman ito pero hindi lumingon. “ i just came up to realize na mahal pala kita all along but mas madali kong na realize na masakit pala sadyang mahalin ka. Favor lang wag mong isasama sa listahan ng mga babae mo ang pangalan ko kapag may na meet ka na ulit na bagong babae dahil i will hunt you down.” ani Chloe saka tumalikod na. Pasakay na sya ng kotse ng pigilan sya ng isa sa tatlong lalaki na halatang inintay lang talaga syang makapag isa. Nasa likuran nito ang dalawa pang naka ngisi. “We meet again kitten. Im George, This Reagan and Gerard.” tumaas ang kilay nya na tiningnan ang tatlo. “Mukha ba akong pusa?” “Of course not mukha kang isang putahe na masarap kainin. Tell us ano inihain mo kay papa para mapunta sayo ang majority ng mana.” napangisi si Chloe. “Gusto nyong malaman secreto lang natin to ha.” pabulong na wika nya saka isenenyas ang daliri para palapitin ang mga ito ng malapitan. “Isinubo ko ang dapat isubo.” pabulong na usal nya. Ngumisi ang 3 itlog na parang tuwang tuwa pa. “Talaga parang gusto subukan mo sa akin ano pang ginawa mo after mong isubo.” “Sumigaw ako ng Darna.” malakas nyang sigaw kasabay pa ng pag taas ng isang kamay nyang naka kuyom. nagulat ang mga ito at nagalit. “sira ulo pala talaga ang babae to. Anong nagustuhan sayo ni Green bukod sa pagiging babae mo.” “Gusto nyo ng mutiple choice.” hamon pa nya. “Sira ulo ka wag nyo na ngang pansinin ang babaeng yan.” wika naman ng pinakabunso ng mga ito. ang di inaasahan ni chloe ay ang hilahin sya ni George at siilin ng halik sa labi pero bago pa nya ito maitulak. Meron ng bumaklas dito at lumipad ito sa sahig ng sapakin ni Green. Aawat sana sya sa mga ito pero may humila sa buhok nya kung di sya naging mabilis. Lumapat nanaman sana ang kamay ng ina ni Green sa pisngi nya pero agad din syang bumitaw ng makilala ito at hinayaan nalang nyang masampal nitong muli. Sampal lang naman hindj na nya iindahin iyon mas madaling tanggapin ang sampal kesa sa masasakit na salita na lumalabas sa bibig nito lalo pat wala naman syang ginagawang kasalanan at ang pinaka masakit walang ginagawa si Green para pahintuin ang mama nito. “umalis ka na Chlodette.” sigaw pa ni Green na hinila sya palayo sa ina nito. Halos ipag tulakan na sya nito pasakay ng motor nya. Napatingin si Chloe deretso sa mga mata ni Green at sa kaunaunahan pag kakataon. Hinayaan nyang makita ni Green ang pag patak ng luha nya. inabot nya ang helmet at basta nalang ikinabit sa braso nya iinstead na isuot. Saka pinaharurot ng paalis ang motor. “Exel saan ka pupunta exel.” narinig pa ni Green ang pag tawag ng ina pero di na nya ito pinansin. Mabilis syang sumakay sa kotse nya at sinundan si Chloe pero di na nya ito inabutan basta nalang ito nawala sa daan marahil pinalipad nito ang motor. - - - - - - - - - “Gawan mo ng paraan Axcel na makulong ang babaeng yun. Hindi ako papayag na walang managot sa nangyari..” “Judge na ang nag sabi na malinaw na walang kasalanan si Chlodette. Napatunayan din sa korte na hindi galing ang bala sa baril ni chloe.” “Paano kung minanipula lang nila ang mga ebidensya para mapawalang sala ang babaeng yun.” Napasuklay ng buhok si Axcel habang kaharap ang asawa. “malinaw na nakita mo sa video. Meron red dot sa ulo ng anak mo. Kung di binaril ni Chloe si Green malamang hindi na natin kasama ang anak mo Kristle. Idilat mo yang mga mata mo hindi binaril ni Chloe si Green dahil gusto nyang saktan.” Hindi naka imik si Kristle. “At na isip mo ba kung anong rason para kidnapin nya ang anak mo at kung anong rason bakit binalak syang patayin ni Chloe. Matalino kristle buksan mo lang yang mga mata mo wag mong pairalin ang galit dahil kung meron delikado ang buhay ngayon iyon ay si chloe hindi ang anak mo.” kumunot ang noo ni kristle na napatingin sa asawa. Mula naman sa drawer isang sulat ang inabot ni Axcel kay Kristle. “Sulat yan ni Papa. gusto nyang mag ingat tayo sa mga anak ni Georgia. Hindi namatay si Papa dahil sa atake sa puso palihim ko pina autopsy si papa. Hindi atake sa puso ang kinamatay nya multiple organ failure. Pinag hihinalaan ni papa ang mga anak ni Georgia na nilalason sya ng unti unti hanggang sa di na kinaya ng papa ng katawan ni Papa. Kung totoo ang sinasabi ni papa natitiyak ako may dahilan kung bakit nya pinili si chloe para sa anak natin.” Hindi nakaimik si Kristle after mabasa ang sulat at ikinuwento ng ama ng asawa kung paano nito nakilala si Chloe sa bundok at kung sino ang mga kasama bago nawala sa bundok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD