titibok t***k

2503 Words
“F*ck! Kilala mo si Chloe and all along di mo sinabi sa akin.” “Bakit importante ba yun? Saka nag tanong ka ba?” Ani Allen habang nag wawarm up sila para sa isang practice game. “I been looking for her.” bahagyang tumawa si Allen. Napansin na nya noon na may hinahanap nga itong babae pero dahil busy din sya sa pag hahanap nya kay Audrey di na nya inintindi si Green sa dami ng babaeng pinag tataguan nito nakakapanibago na ito naman kasi nag hahanap sa babae. Ang alam lang nya baka daw kasi nabuntis nito ang babae kaya hinahanap. Yun pala si Chloe lang hinahanap nito all along na lagi naman nyang kausap sa phone or chat lalo nat meron silang collaboration. Nasa iisang modeling agency sila kaya madalas silang magkita. Wala naman nabanggit si Chloe tungkol kay Green kaya wala din syang pakialam kung anong meron. “bakit kayo mag kakilala saka kelan pa?” “Back off Green. Madaming babae kang reserba iba nalang.” “May nakita kang i dinate ako sa loob ng 2 years.” napalingon naman si Allen sa kaibigan. “What’s the score? may relasyon ba kayong dalawa? Pinatulan ka nya?” umasim naman ang mukha ni Green. “Pakakasalan ko sya may reklamo ka.” ani Green.Natawa naman si Allen. “parang sinabi mo na rin na square ang buwan.” “Bakit wala na ba akong karapatan mag seryoso.” “Kung di kita kilala ma uuto mo ako. Tigilan mo si Chloe. Police underground yun noon kaya kung ayaw mong mabawasan ang 9 mong buhay. Ibang babae ang landiin mo.” “Police underground ano yun? meron palang ganun?” “I don’t know exactly but i heard they are in charge in assassination. They are ruthless and have licensed to kill.” natameme naman si Green ibig sabihin totoo mga sinasabi sa kanya noon ni Chloe. At yung lalaki sa loob ng restroom ito talaga ang pumatay. Totoo pala talaga lahat ng sinabi ito. Napakagat labi sya ng maalala sinabi nito na someone pay her to kill him. Ibig sabihin totoo din iyon. Balak syang patayin ni chloe kaya pala may baril ito sa ilalim ng unan nito dahil sanay talaga ito sa mga baril. “She’s a saint assassin kaya wag ka ng sumubok baka masampulan ka.” “Iyon pa rin ba trabaho nya?” “Nope. She’s a P.E teacher and also a self defence trainor sa isang taekwando school.” napangiwi si Green. “See! hindi kayo bagay. Ikaw tirador ng mga babae. Sya birador ng mga babaerong tulad mo.” “Bakit parang na sasaktan na ako sa mga sinasabi mo.” natawa naman si Allen. “Sya ang new ambassador ng team natin kaya di mo na sya kailangan hanapin. Magkikita na ulit kayo. Happy na? She’s our new celebrity muse.” ******* “Chloe.” Halos pabulong nalang na usal ni Green ng sa wakas after 2 years nakita ulit nya si Chloe. “Chloe sa wakas dumating ka na.” “Sorry po medyo traffic.” ngumiti ito na nag hi pa kay Audrey saka sila nilampasan. Daig pa nya ang teenager na agad na nag paalam kay Audrey para sumunod kay Chloe. “Ano ba Green lumayo ka nga ng konti.” reklamo naman ni Allen na halos sumiksik na kasi ito at mag mukha ng palaman si Chloe sa gitna nilang dalawa. Gumagawa sila ng Official poster nila. “Ikaw ang lumayo masyado kang malapit. Ayan lang si Audrey mahiya hiya ka naman.” bulong ni Green. Napailing nalang si Allen sa kaibigan halata naman iniiwasan ito ni Chloe. Kapag lalapit ang kaibigan mabilis itong lalayo at mag kukunwari na may kausap sa phone o kaya naman tatabi sa kanya ayaw sana nya pero napansin nya na umaasim ang mukha ng asawa kapag katabi nya si Chloe. Halatang di na malala ni Audrey si Chloedette kaya hahayaan muna nya itong mag selos para makaganda na din rito sa paninikis sa kanilang mag ama. Halos nag pang away pa sila ni Green dahil na mimilit itong doon matulog dahil doon matutulog pansamantala si Chloe dahil ayaw nitong umuwi sa condo nito. Nang tanungin nya kung bakit sinagot lang sya nito meron daw kasing asong ulol na nakawala sa pagkakatali baka daw nakapangagat e mabigla ito at mabaril pa. Hindi rin nya alam kung bakit parang nilalandi sya ng pinsan nya pero malakas ang kutob nyang sinasadya nito dahil kay Audrey at kinatutuwa nya ang ginagawa ni Chloe kahit papano. Malaking tulong ang pag kalukring nito minsan. ******* Umasim ang pag kakangiti ni Chloe ng matanaw ang paparating na si Green. Ano nanaman kaya pakulo nito ngayon dinaig pa nito ang stalker kung saan saan nalang sumusulpot di ba to busy. After ng nangyari sa isla muntik na syang matangay nanaman rito buti nalang natanaw nya si Audrey noon sa may gate kundi baka ang ending nila kama nanaman ni Green. Sa kinikilos ni Green parang may gusto na ito sa kanya pero may ilang pag kakataon na nakikita nya ang mga lihim nitong sulyap kay Audrey na mukhang hindi man lang aware si Allen at Audrey. Kaya di nya alam kung ano ba talaga ang tunay nitong feelings para sa kanya. He even offer her marriage para lang pumayag syang madala ulit nito sa kama dahil tumatangi na nga sya. Hindi pa naman sya hibang para mag pakasal kung s*x lang ang dahilan. Di bale ng tumandang dalaga kesa naman sumugal sya kay Green na mukhang pang habang buhay ang pag mamahal kay Audrey kahit wala man itong makuhang kapalit na pag ibig. She save Audrey’s life when someone almost hit her a bottle. Agent instinct kaya naging mabilis ang kilos nya kaya sya ang napukpok ng bote sa ulo at nawalan ng malay. Allen took care of her dahil na rin sa pakiusap nya. Wala pa syang lakas at medyo hilo pa talaga sya sa nangyari baka saniban nanaman ng masamang espirito si Green kaya inabala na muna nya si Allen na samahan sya sa condo dahil ayaw syang lubayan ni Green. After 1 week heto nanaman ang binata, Palabas palang sya ng modeling agency para mag report na okay na ulit sya at puwede na ulit bumalik sa trabaho dahil sa nangyari sa resort. “Chloe.” “Hindi ka pa ba na uumay sa kakasunod sa akin.” “Let’s talk yung maayos.” “Hindi ka marunong makipag usap ng maayos kasing berde ng utak mo ang pangalan mo.” sikmat ni Chloe. “Please spare me some of your time 30 minutes at least.” natawa naman si Chloe na di nya napigilan. 30 minutes napakatagal naman ng 30 minutes ano naman pag uusapan nila ng 30 minutes na matino. Napatingin pa sya sa dala nitong folder na puti. “Please.” ulit pa ni Green. Napatitig sya rito at mukhang seryoso nga ito ngayon wala halong biro o ngisi ang hitsura nito ngayon. Napatanaw nya sa favourite cafe nya na madalas tambayan noon ng unang beses nyang nakita si Green na nakikipag landian sa isang minor. Doon sila nag tungo dalawa after umorder ng favorite snack nya at ganun din si Green bago sila naupos sa isang couple seat wala kasing bakanteng upuan para sa mga walang love life dahil mukhang puro walang love life ang customer ng cafe. “Go! Your 30 minutes is start now.” ani Chloe na ipinakita pa ang cellphone nya na inorasan pa talaga nya saka ipinatong sa gilid ng table. Napabuga naman ito ng hangin saka mula sa loob ng folder na dala nito may inilabas ito document na iniabot sa kanya na talaga naman ikinangiti nya. “Don’t laugh im trying to be serious here.” reklamo ni Green. “Why on earth that you given me your damn resume’ gusto mo din mag model.” tawa pa ni Chloe sa totoo lang di naman na nya kailangan ng resume nito dahil noon pa man alam na nya lahat ng tungkol rito. “Because im trying to apply for boyfriend position. Please hired me.” Napatakip ng mukha si Chloe. Seryoso ba talaga ito kumag na to sa pinag sasabi. Napatingin sya sa paligid at mukhang nadinig ng nga ito ang sinabi ni Green kaya napapangiting nag bubulungan ang mga ito. “I want to be your boyfriend and soon to be your husband as well.” “Seryoso ka ba talaga dyan?” “Im deadly serious right now chloe.” sandaling nag katitigan silang dalawa saka napailing si Chloe. Ilang segundo pa inabot na rin nito ang folder pa nitong dala. Nag tataka man kinuha yun ni chloe at tiningnan at gusto nya matawa sa nakita nyang mga pangalan na nakasulat sa may 3 page na typewritting. “First love: Audrey, Steady Girlfriend: Joan, Suzette, Felly flor. s*x buddies: ana, Cecel, Moneth, Ury, Wendy, Pauline, Me-ann, Helen, Sara …” hindi na tinapos ni Chloe ang pag babasa ng pangalan ng babaeng nakasulat dahil marami iyon at umabot pa ng second page at mas lalong mahaba ang pangalan ng s*x fling na di nya alam kung anong pinag kaiba sa s*x Buddies. Na mukhang na intindihan naman ni Green ang laman ng isip nya. “s*x buddies puwedeng balikan s*x fling 1 round lang wala ng ulit.” parang nahihiya pang wika nito na talga naman iki na awang ng bibig nya sabay napailing nalang na isinarado ang folder. “Sigurado ka bang wala ka pang na bubuntis na babae. Sa dami ng pangalan ng babaeng nandito wala kahit isa sa kanila ang na anakan mo?” umiling naman ito. “Ano ka baog?.” napasimangot naman si Green na napalingon sa paligid sa lakas kasi ng boses nya tiyak nyang may nakarinig mga patay malisya nalang. “Medyo mahina yung boses mo. Lakasan mo pa konti.” sarkastic na komento naman ni Green. “ilang beses na rin naman akong muntik na napikot pero syempre naging maingat naman ako. DNA muna bago kasal.” “Bakit parang wala akong nakita pangalan ko. Saan ako kasamang category.” inis natanong ni Chloe na hinampas pa ang folder sa mesa. “Hindi ko sinulat ang pangalan mo dyan kasi your name doesn’t belong there dahil sa marriage contract lang natin puwede makita ang pangalan mo.” Di manalam ni Chloe kung maiinis o matutuwa sya sa banat ni Green. “mukhang nalipasan ka ata ng gutom Green. Ikain mo nalang kaya yang pinag sasabi mo. Hindi kasi yan bebenta sa akin.” ani chloe saka ininom ang java chips na inorder kanina. “Ano ba kailangan kong gawin para maniwala ka sa akin na seryoso ako.” “Tell Audrey that you love her.” mabilis na sagot nya na halatang ikinagulat ni Green. “Hindi mo kaya diba so paano ako maniniwala sayo kung totoo seryoso ka kung sa isang babae na first love mo di mo kayang sabihin ang totoo.” “She’s already married.” “Wala akong sinabi na agawin mo sya.” nakataas ang kilay na sagot naman nya. “Masyado ng madaming pinag daanan ang relationship nila ni Allen. ayoko na dumagdag pa sa hardship nila. Ang gusto nalang naman nilang dalawa maging masaya at magkasama.” Gusto nyang palakpakan ang pagiging hopelessly romantic nito para kay Audrey at Allen. Nakakainggit naman si Audrey meron tulad ni Green na babaero pero napaka pure kung mag mahal. Handang masaktan at mag paraya para maging masaya ang babaeng minamahal. Huminga ng malalim si Chloe saka tumayo bitbit ang mga inorder nya. Halatang nagulat naman si Green na parang nag alangan at gusto syang pigilan na umalis. “Don’t worry Green im just nearby. Im giving you a chance pero iyon ay kung kaya mong sabihin yang tinatago mong feelings para sa nag iisang babaeng mahabang panahon ng nagtatago dyan sa puso mo. See you around.” ani Chloe saka tumalikod. “Chloe.” lumingon lang si Chloe at nginitian ang binata saka tuluyan itong iniwan. *********** Nakatitig sa malaking Tv si Chloe napahinto sya sa balak sana nyang pag upo sa office table nya ng madaanan ang tv kung saan si Green ang nag sasalita. It’s been a month simula ng huli silang nag usap. Pinagtaguan muna nya ito pansamantala dahil sa ginawa nitong pag uupload ng mga nude videos nito at photo para lang sagipin sa kahihiyan ang babaeng mahal nito. Buti nalang wala ang parents nya sa bansa nung ilang beses itong nag pabalik balik sa bahay nila. Inutusan nya ang katulong na sabihin na nasa australia sya at di alam kung kelan babalik. Mainit ngayon ang controversy tungkol kay Allen at Audrey dahil sa s*x scandal ng mga itong kumalat. Ngunit labis syang nasaktan ng mangeilam si Green sa kagustuhan nitong makatulong at matabunan ang scandal ni Allen at Audrey. Nag upload rin ito ng mahahalay na video nito para mabaling rito ang atensyon ng buong pilipinas. Itinaya nito ang reputasyon para kay Audrey na hindi na daw lumalabas ng kuwarto dahil sa labis na kahihiyan. Ngayon ini interview ito ngayon dahil sa nag file ito ng retirement para sa PBA. Na iniyakan ng husto ng lahat ng Fans nito. Naroon sya mismo sa coliseum at lihim na nanood ng championship ng mga ito ng dumating bigla si Audrey. Sa bawat galaw ni Green nakasunod ang mata nya. Kita nya ang saya sa mga mata nito ng makita si Audrey. And deep inside nakakaramdam sya ng kirot. She is just an option at hindi nya gusto yun. She wanted to be choose not because she just an option na kapag hindi na nakaya sya nalang nag propose ng kasal ulit si Allen at buntis ulit si Audrey. “Ang guwapo talaga ng La fradez na yan ano. Sya yung tipo ng guwapong nakakatakot mahalin kasi halatang chickboy.” wika pa ng isang teacher. “Pero napanood nyo ba yung isang video nya grabe kahit asawa ko na inggit. Grabe din ang karga ng magkaibigan na yan. Panalo baka kapag sa akin ginamit ang kargada nila baka para akong virgin ulit.” biro ng isang co teacher nila na sinang ayunan pa ng ibang teacher. The interview was about the retirement of Green Exel La Fradez sa PBA. Tinatanong ito kung dahil daw pa sa controversy na nangyayari kaya ito bigla nakaisip mag retired. Hindi nya akala na magagawa syang saktan ni Green kahit di nito sinasadya at kahit ayaw nya. Marahil lang talaga na gaya ng ibang babae nahulog nalang sya rito ng di nya namamalayan. Ngunit hindi sya tutulad sa ibang babae na okay lang kahit 1 sided lang minsan lang syang mag mamahal at gusto nya the feeling is mutual kung di iyon kayang ibigay sa kanya ng buo ni Green mas mabuting habang di pa sya tuluyang nababaliw rito sya nalang ang lalayo para makaiwas ang puso nya na tuluyan masaktan. “
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD