It’s been 6 months 8 days and 18 hours. Nakatingala sa langit si Chloe. Binitawan na nya ang modeling career nya at di na nag renew ng contract kahit anong pilit ng manager nila ni Allen. Galit na galit nalang talaga kasi ang papa nya. nag bigay ito ng ultimatum na kapag meron pang lumabas na magazine na sya ang cover at naka bra at panty lang daw ay mag kalimutan na daw silang mag ama.
Syempre ayaw nya iyon. Iniwan nga nya ang trabaho nya bilang agent para sa magulang nya kaya naman agad agad syang umalis sa modeling agency nila at nag focus nalang sa pag tuturo. Birthday nya kahapon pero narito sila ngayon sa bundok kasama ang mga boyscout para sa 1 week camping kasama ng iba pang co teacher nila na in charge sa boyscout.
Nangako sya sa parents nya na pag balik nya papayag na syang makipag blind date sa lalaki pipiliin ng mga ito para sa kanya. Hindi na sya tatanggi dahil kakandaiyak na ang mommy nya sa pakiusap na mag asawa na sya at matanda na ang mga ito. Paano daw kapag na matay ang mga ito tas di man lang sya nakitang mag asawa. Kaya para wala ng maraming usap pumayag na syang makipag date kahit labag sa kalooban nya.
Bigla na alerto si Chloe ng makarinig ng kaluskos na parang may nahulog kung saan at malakas na sigaw ng isang lalaki. Napatingin sya sa rilo 9 na ng gabi. Napalingon sya sa tent ng mga bata na bago palang mag sstart na matulog na napatingin rin sa gawi kung saan nakarinig ng sigaw.
Agad nyang ibinilin sa ibang teacher ang mga bata at sya na ang tumayo para tingnan kung saan nanggaling ang sigaw. Ilang minuto lang nakita nya ang isang matandang nakadapa sa masukal na damuhan. Napangiwi pa sya ng makita ang binti nito na halatang nabali ngunit mas na alarma sya ng makita ang isang ahas na gumagapang papalapit rito.
“Help me! Please help me.” mahina pang usal nito.
“Don’t move sir. There is a deadly snake heading towards you. Can you trust me and close your eyes.” masunurin naman ang matandang lalaki na agad na pumikit. Mabilis naman binunot ni Chloe ang dalang baril mula sa likuran nya at pinaputukan ang ahas. May silenser ang baril na na usually di talaga nya inaalis for safety reason nalang din dahil ayaw nyang mag explain o gumawa gulo in case malaman na nag paputok sya ng baril. Sapol ang ahas sa ulo kaya agad na syang lumapit sa matanda at tinulungan itong humiga ng patihaya.
Napasigaw pa ito ng bahagya sa sakit agad nyang hinubad ang suot na tshirt gamit ang army knife pinunit punit nya iyon. Nag hanap sya ng mga kahoy na puwedeng gamitin pang 1st aid sa binti ng matanda.
Naka sando nalang syang itim at nakita nyang sa dibdib nya nakatingin ang matanda. Kaya napailing nalang sya.
“Tay! Ang mata nyo po may baril po ako dala baka mangati ang kamay ko kayo rin.” pananakot pa nya rito. Tumawa naman ang matanda habang napapangiwi. Maingat na kinabitan ni Chloe ng kahoy ang binti nito.
“May nakapag sabi na ba sayo na napakaganda mo sa liwanag ng buwan.”
“May nakapag sabi na rin po ba sa inyo na ang tanda nyo na bolero pa kayo.”
“Si Teresita ang aking namayapang asawa. Napakaganda rin nya sa liwanag ng buwan.” malungkot na wika ng matanda na nakangiwi pang tumingin sa langit kung saan kita ang maliwanag na buwan.
“Teacher Chloe.”
“Teacher Fidel tumawag po kayo ng tulong kailangan ni Tatay na madala sa hospital. He got injured.” utos ng isang teacher na mag dala din flashlight.
“Tay! Kailangan natin pumunta ng camp site namin malapit lang dito iyon. Kaya nyo po bang tumayo.” umiling ang matanda. Nag isip si Chloe hindi sila puwedeng mag tagal sa bahaging iyon ng gubat baka meron pang ahas na dumating na di nila mamalayan.
“Sakay kayo sa likod ko.”
“Ha? Hindi mo ako ka———
“Dati po akong Army Tay. Batak ang katawan ko sa training kahit babae ako kaya ko po kayo diba may tiwala naman kayo sa akin.”
“Pero hija.”
“Ayaw nyo nun makaka tsansing kayo sa akin.”
“Hindi naman ako manyak hija. Aksiden——
“Kapag di kayo sumakay sa likod ko hahalikan ko po kayo.” biro nalang ulit ni Chloe. Wala ng nagawa ang matanda kundi pumayag sa kanya kaya naman nakarating sila sa campsite. Medyo hinihingal pa si Chloe dahil kahit pala matanda na ito at labis parin mabigat. Ilang minuto lang ay dumating na ang taga rescue.
Sya na ang sumama sa matanda sa hospital dahil hindi daw nito malala ang pangalan at kung taga saan pero base sa suot nito mukhang di naman ito palaboy o simpleng tao lang dahil puro branded ang mga kasuotan nitong pang hiking.
Wala itong dalang id o kahit ano pag kakakilanlan. Hinala ng mga doctor baka meron itong Alzheimer's disease. Marahil nag hihiking daw ito ng atakihin ng sakit at napahiwalay sa grupo. Ngunit wala pa raw natatanggap na report ang pulis para sa missing person.
Kaya hindi nya ito magawang iwan dahil ang aalala sya rito baka kung mapaano pa ito. Sandali muna syang nag paalam sa nurse at nag iwan ng ID. Kailangan muna nyang bumalik sa camp site para kumuha ng gamit nya. Baka matagalan ang matanda sa hospital wala itong makakasama kaya sya muna ang pansamantalang mag babantay rito.
“Tay! Intayin nyo ako ha. Babalik ako kukuha lang ako ng gamit sa campsite.” paalam pa nya sa matanda. Nasa pinto na sya ng tawagin sya ng Matanda para itanong ang pangalan nya.
“Chlodette Santillan po.”
“Bagay na bagay kayo ng anak ko Axcel.” tumawa nalang sya tumango sa matanda saka umalis.
Saglit lang nag tagal sa camp site si Chloe para kunin ang mga gamit nya ngunit pag balik nya sa hospital wala na ang matanda kinuha na daw ito ng pamilya nito. Kahit papano naka hinga sya ng maluwag na kasama na nito ang pamilya. Marahil naka alala na ito kaya nakaon na ng pamilya nito.
“Maam Santillan.” sigaw na tawag ng isang nurse na tumatakbo. Nasa may entrance na sya ng hospital at nag aabang ng masasakyan ng lapitan sya ng nurse na hinihingal pa.
“Nalimutan ko pong ibigay sa inyo ito. Iniwan po ito ng pasyente na kasama nyo kanina. Nag bilin po sya na ibigay ko daw po sa inyo. Sya nalang daw po ang babawi nyan sa inyo kapag magaling na ang binti nya.” napatingin sya sa kamay kung saan inilagay ng nurse ang isang kuwintas na may pendant ng singsing. White gold ang singsing na meron maliliit na diamond ang buong palibot. Sa loob ay may numerong baka engrave na parang petsa. Napangiti pa sya dahil birthdate nya iyon ibang year nga lang the ring was 66 years old base sa petsang naka engrave.
Marahil ay wedding ring iyon ng asawa ng matanda na di man lang nya naitanong ang pangalan. Well mag kikita pa naman siguro sila iyon din naman ang bilin nito na ito daw ang babawi ng kuwintas kapag magaling na ito.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Gusto ng mapangiwi ni Chloe habang kumakain ng dinner kasama ang lalaking ka blindate na anak daw ng ka kosyo ng ama sa negosyo. Puro tungkol sa gamot ang kinukuwento nito. Isa kasi itong pharmacist at nag tatrabaho sa isang pinakamalaking pharmaceuticals company sa bansa which is alam nya pag aari ng pinsan nyang si Dylan techinically asawa talaga nito ang may ari ng pharmaceutical company si Dylan nalang nag mamanage dahil mas pinili ni Dylan na gawin plain house wife lang ang asawa nito.
Pinag yayabang nito sa kanya ang mga gamot na ito daw ang gumawa at naka imbento pero di naman sya na niniwala. Nakikinig nalang sya at kunwari nag eenjoy sa kinukuwento nito.
“Asawa ko.” parang may spring ang leeg ni Chloe na napatingala sa narinig na boses. Halatang nagulat din si Sixto na nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Green. Naumid naman ang dila ni Chloe na napatingin nalang kay Green na humila pa ng upuan at naupo sa tabi nya at parang pusang isinisiksik ang mukha sa leeg nya.
“Bakit iniwan mo nalang akong mag isa sa kama kagabi. Who is he?” tanong pa ni Green sabay tingin sa lalaking halatang galit na.
“Ikaw ang ——- Ikaw yung basketball player na meron scandal diba Green La Fradez.” anito na tingnan pa ng masama ang binata.
“Sikat pala ako asawa ko.” balewalang baling muli ni Green kay Chloe.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” mariin na bulong ni Chloe ng makarecover na sa biglang pag sulpot nito. Ibang iba na ang hitsura nito compare sa Green ng kilala nyang mukhang playboy. Ngayon mukha na itong seryoso sa suot na coat and tie.
“Nalingat lang ako nakikipag date ka na agad sa iba paano kung buntis ka na.” Gustong matawa ni Chloe sa ginawa ni Green.
“What the hell is this Chloe. Are you playing with me.”
“Im sorr——
“No! Your disgusting.” anito saka tumayo akmang tatalikod na ito para mag walk out ng mabilis na pigilan ito ni Chloe.
“What did you just said?”
“Hindi ko ugaling mag ulit ng sinasabi Ms. Santillan. Your just wasting my time.”
“At anong feeling mo hindi nasayang ang oras ko sa pakikinig ng mga kayabangan mo. Alam mo bang kanina ko pa gustong gustong mag walk out sayo. My God! Mas gaganahan pa akong panoodin ang scandal ng kurimaw na to kesa pakinggan ang mga walang kuwenta mong sinasabi. Green tara ako ang mag wawalk out dyan ka lang kung ayaw mong pakainin kita ng pulbura. May padisgusting disgusting ka pa. Buwisit!” mahabang lintanya ni Chloe sa sobrang buwisit rito at di na inalintana na umagaw na sila ng eksena sa loob ng resto.
“Retired police yan tol… pasalamat ka mabait pa ako pero kabahan ka na kapag yan napikon sayo mag hehello ka kay san pedro.” ani Green na tumalikod na para sundan sana ni Chloe pero bumalik din agad para saglit na sikmuraan ang lalaki na napaluhod.
Paglabas ni Green ng resto nakita pa nya si Chloe na masama ang tingin sa kanya habang nag hihintay sa kanya. Kinabahan sya biglang lumapit rito. Kanina lang ang lakas ng loob nyang sirain ang date nito meron din sana syang date pero iniwan nya ang ka date nya ng makita bigla si Chloe na kay tanggal nyang hinintay. Gusto sna nya itong sundan sa Australia pero walang may gustong mag bigay ng address nito. Nalaman nyang nag resign na din ito sa modeling agency.
Buti nalang na aawa na sa kanya si Audrey at ito na nag sabi na di naman talaga umalis ng bansa si Chloe nasa tabi tabi lang daw ito. Ibinigay naman sa kanya ni Allen ang cellphone number ni Chloe pero di naman nya magawang tawagan ito. Di pa nya alam ang sasabihin.
Bukod kay Audrey wala pang babaeng nag rereject sa kanya at alam nyang kapag ipinilit nya ang sarili kay Chloe ramdam nyang paulit ulit lang syang irereject nito dahil kay Audrey. Alam kasi nito na mahal talaga nya si Audrey at alam naman iyon ni Audrey iyon nga lang di nito alam na hanggang sa kasalukuyan laman pa rin ito ng puso nya ngunit hindi na iyon tulad ng dati dahil si Chloe na nalang lagi ang iniisip nya kung paano patutunayan rito na seryoso sya sa pag aalok ng kasal rito.
“Lalapit ka ba rito o babalian kita ng buto dyan sa kinatatayuan mo.” napakagat labi si Green na lumapit rito.
“Nagugutom ako samahan mo ako kumain ng street food malapit sa condo ko.” nakita ni Chloe ang pag aliwalas ng ngiti ni Green.
“Bakit ka nakikipag date?” tanong ni Green habang kumakain sila ng balot. Ang dami nitong inorder na ibat ibang klase ng street food at nasa isang mesa sila ngayon na nilalantakan ang street food.
“Mas masarap pa to kesa dun sa steak na inorder ng impakto na yun.” ani Chloe na nginunguya ang isinubong balot.
“Kung di mo sya gusto bakit sumama ka pa sa kanyang makipag date.”
“Sya ang gusto nila mommy.”
“Ipakilala mo ako sa parents mo para ako nalang ang magustuhan nila.”
“Na gawa mo na ba ang utos ko.”
“Na sabi ko na kay Allen pero di na kailangan sabihin pa kay Audrey dahil di naman na importante iyon sa ngayon. Ang future natin dalawa ang importante.”
“Bawasan mo pagkain ng balot. Matanda ka na baka taasan ka ng dugo madala pa kita sa morgue.”
“Iyon na nga e matanda na tayo pero parehas pa rin tayong single don’t you want to bare a child with me.” muntik ng masamid si Chloe habang ngumunguya naman ng Isaw. Mabilis naman binuksan ni Green ang beer in can na binili nila kanina at inabot iyon sa dalaga.
“Balak mo ba akong lasingin.” tanong pa ni Chloe ng halos maubos nya ang laman ng lata bago naka recover.
“Oo! May masama kasi akong balak sayo di ka madala sa santong paki usapan e. Dadaanin nalang kita sa santong paspasan.” natawa naman silang parehas habang kumakain.
“Feel na feel mo rin naman na papayag ako sa balak mo ano.” tanong ni Chloe.
“Di naman ako nag papaalam humiga ka lang ako na bahala.” tuluyan ng natawa si Chloe sa kabaliwan ni Green.
“Akalain mo na miss pala kita.” pag amin ni Chloe na pinapapak naman ang pritong atay ng baboy habang si Green naman ay tumusok ng kwekwek after nitong maubos ang 3 balot.
“ikaw lang tong pinagtataguan ako e. Samantalang ako halos di na ako makatulog kakaisip kung saan kita hahanapin.”
“Natitigang na ba ngayon ang isang tulad mo.”
“Malalaman mo kung papayag ka sa gusto ko.”
“Puwede bang mag isip muna ako.” tanong naman ni Chloe na pusit naman ang pinapapak.
“Wag ka ng mag isip pananagutan naman kita wala ka ng makikilalang tulad ko. Im one of the best choice.”
“Am i only an Option?” wala sa loob na tanong ni Chloe.
“You will never be an Option because you already fill the missing piece in my heart.” napangiti si Chloe.
“Bakit parang na hihirapan ata akong i resist ka ngayon Green.”
“Then stop resisting me.” nagkatitigan nalang sila ni Green.