Chapter 23

2301 Words
Chapter 23 Days have passed so fast. My last Prom is nearly coming. "Cotillion dancers, you are excused for practice," Dahan-dahan ako na tumayo dahil sa sinabi ng guro pati na rin ang ibang kasali sa cotillion. "Blaire, can we talk?" Bahagya kong nilingon si Jericho na nasa likuran lang namin. Napasulyap naman ako kay Anne at Mae na tahimik lang. Jericho and I never talked after he and Zach fought. Ngayon lang rin siya naglakas ng loob na pansinin ako. "Ano ba 'yon?" mahinang tanong ko saka napasulyap kina Anne para malaman nila na ayaw kong maiwan at mukhang alam naman nila iyon kaya hindi sila umalis. "Sorry, nahiya ako sayo kaya ngayon lang ako nakahingi ng tawad," He looks regretful. Marahan ako na tumango saka ngumiti ng bahagya. "Okay lang." Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na patagalin ang usapaan kasi kaagad na akong naglakad kasama ng mga kaibigan. "First time kong makasali sa cotillion. Hindi ako nakasali noong grade ten kasi pandak pa ako. May pag-asang manalo kahit star of the night lang!" masayang wika ni Anne habang naglalakad kami papalpit sa gym. "Sana lang okay ang partner ko." Napahinga ko ng malalim saka tiningnan ang mga grade ten na napili para sa cotillion. I hope my partner will be great too. Huling prom ko na 'to kaya sana maging maganda rin. "Blaire, dito ka sa harap," utos ng instructor namin ng magsimula ang practice. My partner is good, I think. Matangkad ng kaunti sa akin kaya kapag nag-heels ako ng four inch ay papantay ako sa kanya. Mukhang magaling rin siyang sumayaw at maayos ang porma ng katawan. Well, he's a grade ten. Zach will be furious if I am partnered with my classmate or worst with Jericho. First practice pa lang namin ito pero nagpakita na ng galing ang lahat. Kalahating steps na kaagad ang natutunan namin. "Excited na ako sa fifteen! Anong kulay ng damit niyo?" I smiled at my partner before I walked towards my friends. "Ang gwapo ng partner ko, sayang ang bata pa," bulong kaagad ni Mae kaya bahagya akong natawa bago nilabas ang phone ko. I immediately saw Zach's message. Zach: Uuwi ka na? I smiled. He's extra clingy now. Me: Yeah, katatapos lang ng cotillion practice namin. Kayo? Kasali ka sa cotillion? Who's your partner? Naiisip ko pa lang na may ibang kahawakan ng kamay si Zach ay parang pinipihit ang dibdib ko. Sana hindi maganda. I mean...God. Zach: I don't know. Wala pang sinasabi. Who's your partner? I smiled once again. Me: Grade ten, not my type. "Blaire, tara na," aya ni Mae kaya mabilis ako na sumabay sa kanila sa paglalakad habang ka-text si Zach. Zach: Kapag type mo? I chuckled. He is entertaining me a lot. Me: Ikaw ang type ko. Mas lalo lang akong natawa dahil hindi na siya nakapag-reply. I could imagine his red face right now. Nasa classroom na kami para kunin ang bag ng biglang mag-ring ang phone ko para sa isang tawag. Kaagad kong sinagot nang makita na si Zach iyon. "Sinong type mo?" bungad niya kaagad kaya tumawa lang ako. "I don't have a type—" "Liar," Natawa ako dahil doon. Magkausap kami hanggang sa nakasakay na ako ng tricycle. Pinatay ko lang ang tawag ng makarating ako sa bahay. "Ma," bati ko kay Mama saka marahan na humalik sa pisngi niya. "Kanina pa dapat ang uwian niyo ah?" tanong niya kaya napaupo ako sa couch ng pabagsak. "First practice namin ng cotillion." She gently nodded and slightly roamed her eyes around my body. Napaupo ako ng maayos dahil sa tingin na iyon. "Darating na ang gown na susuotin mo sa makalawa. You must diet. Tumaba ka ng kaunti." Kabado ako na napasulyap sa tiyan ko. Tumaba ba ako? "Tumaba, Ma? Parang hindi naman?" Hinawakan ko pa ang magkabilang baywang ko para siguraduhin. Ganoon pa rin naman. "Just a little. We need to make sure. Baka hindi kasya ang gown mo." Tumango na lang ako sa sinabi niya. I am excited to see my gown. Sa Manila pa pinatahi iyon kaya lumawas si Mama ng Manila noong nakaraan. The same designer of my gown during my grade ten prom so I expect it to be so beautiful. Pagkarating ko sa kwarto ko ay kaagad kong tiningnan ang buong katawan ko sa malaking salamin. Napasinghap ako nang makita ko na medyo tumaba nga ako. Dalawang linggo na lang bago ang prom. I must really diet. "Tumaba ba ako?" tanong ko kay Zach nang tumawag siya. "No," sabi niy kaya napairap ako. "Sabi ni Mama tumaba ako!" giit ko pero tumawa lang siya. "Baka hiyang ka," sabi niya kaya napataas ang kilay ko. "Hiyang sa?" He laughed and gently bit his lower lip. "Sa akin," Namula ang mukha ko dahil doon saka mabilis na tumalikod kaya mas lalong siyang tumawa. Napairap ako sa kawalan habang iniisip ang sinabi niya. Hiyang sa kanya? Ako lang rin ang nahiya sa naisip ko kaya tinigilan ko na iyon bago pa mas lumawak lalo. Naging busy ang mga araw ko para sa preparation ng nalalapit na prom. May cotiliion ako na sasalihan tapos ako rin ang inaasahan para sa class presentation ng strand namin para sa mga hindi kasali sa cotillion. For exposure. And after a few more days my gown has arrived. It was a beautiful yellow ball gown with a lot of crystals. I am so in love with it. "Ma, paano kapag hindi ako nanalo na Miss JS? Ako kasi noong grade ten?" tanong ko kay Mama kaya napaisip rin siya. "I don't know. I'll ask someone I knew for that. But give your best. At sa weekend, bumili ka ng gagamitin mo para sa gabing iyon," I gently nodded at her. Sabado noong magpasya akong pumunta ng mall. Sa bayan ako nagpahatid para kitain si Zach na sasama sa akin. "Hi," malambing na bati niya saka akin akong pinatakan ng maliit na halik sa labi pagpasok ko sa kotse niya. Kaagad akong napangiti lalo na nang makita ko na suot niya ang relo na regalo ko. I didn't expect that he would like it so much. Noong matanggap niya yata iyan ay hindi na niya hinubad. He uses that watch every day, which made me really happy. "May tux ka na? Black or blue?" tanong ko kaya nagkibit balikat lang siya na parang hindi interesado. "Mom bought for me. Blue yata. I am not sure. I am not really interested in joining." "This is your last prom!" Mas lalo siyang sumimangot kaya tinawanan ko na lang. Sabay kasing gaganapin ang prom namin at ang kanila. February 15, so he can't see me that day. Siguradong hindi ako pakakawalan ni Mama dahil gusto niyang maayos ang lahat. "But can we see each other on Valentine's, right?" "Yeah," Gagawan ko ng paraan. I would lie if it needed. Mabilis lang kami na nakarating sa mall dahil kotse ang dala niya. "Your gown is yellow? Is it too sexy?" tanong niya habang marahan na hinihimas ang baywang ko. We are currently looking for nice fake lashes. May makeup artist na kukunin si Mama pero sa amin manggagaling ang lashes kaya kailangan kong bumili. "No, it's ball gown." "Is your shoulders exposed?" Sa pagkakataong iyon ay napalingon na ako sa kanya. His eyebrows were furrowed. "Why?" He sighed, "I just hate it," sabi niya saka napatingin sa collarbones ko na kitang-kita dahil sa sleeveless top na suot. "Isang gabi lang naman," sabi ko kaya muli siyang huminga ng malalim. "Fine, let's make this quick. I'm hungry," malambing na bulong niya sa tainga ko kaya binilisan ko nga ang pamimili para makakain na kami. Days before the prom, I was already nervous. This is not my first time, but I am so thrilled. But I felt sad when I knew that I couldn't go out on Valentine's day. Kinailangan namin ni Mommy na ipaayos ang bracelet na gagamitin ko kasi aksidenteng nasira. Zach is mad, I know. "Babawi ako," malambing na sabi ko sa phone noong gabi ng araw ng mga puso. "It's fine," napangiti ako ng malungkot dahil rinig na rinig ko ang inis at bigo sa boses niya. "Zach, naiintindihan mo naman diba?" "Yeah, your parents are strict." Napa-buntong hininga ako sa tono ng boses niya. He's really disappointed and mad. Nag-promise ako na makakasama ko siya sa valentine's day. Hindi ko naman kasi inaasahan na masisira ang bracelet na gagamitin ko bukas. The necklace that I'll use is Zach's gift. Ayaw kong alisin iyon sa leeg ko. "Alam mo naman na importante sa akin 'to hindi ba?" Hindi kita ang mukha niya kasi hindi kami nag-video call. Pero alam na alam ko na naiinis siya ngayon. I already memorized his action. "Prom is important for you because you want to win as Miss JS. How about your boyfriend?" Napahinga ako ng malalim saka mapatingin sa oras. Alas nuebe na ng gabi at tulog na tulog na si Mama sa kabila. I should have been sleeping right now for tomorrow. Pero hindi ako makakatulog kapag galit si Zach. "Can we see each other after the prom? Sixteen?" He chuckled sarcastically, so I closed my eyes tightly. "Huwag na lang," He's so cute. Pero hindi talaga ako mapakali ngayong nagtatampo siya. "Can you pick me up now?" Natahimik siya kaya napa-kagat ako sa ibabang labi ko. Kahit gabi na ay hindi pa naman natatapos ang valentine's day. Pwede pa kaming humabol. Akala ko hindi na siya sasagot pero napangiti ako ng malaki nang magsalita siya. "I can," medyo paos na sabi niya. Napangiti naman ako saka dahan-dahan na lumabas ng kwarto habang hindi pinapatay ang tawag. Walang ingay akong lumabas ng gate para hindi magising si Mama. Kaagad akong sinalubong ng lamig nang makalabas kasi nakapang-bahay lang ako pero alam kong nandito na si Zach mamaya. I am just wearing short cotton shorts and then a thin sleeveless. It's too sexy but I'll just meet my boyfriend so it's fine. At ilang sandali lang pa ay huminto ang kotse ni Zach sa harap ko kaya napangiti ako ng matamis. Hinintay ko siya na bumaba at nang bumaba siya ay kaagad kong tinapon ang katawan ko sa kanya. His manly scent invaded my nose as he hugged me so tight, too. "I'm really sorry," malambing na bulong ko kaya mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Mabilis akong nahawa sa init ng katawan niya kaya nawala ang lamig na nararamdaman ko kanina. "I love you," he whispered, so I smiled and looked at him. Bago pa ako makasagot ay hinalikan na niya ko ng marahan sa mga labi na kaagad ko namang tinugon. Our kiss lasted four about ten seconds before he stopped. "Can we drive?" tanong niya kaya marahan akong tumango na ikinangiti niya rin. Dahan-dahan niya akong pinagbuksan ng pinto sa passenger's seat. Kaagad na bumungad sa akin ang isang magandang bouquet ng roses pati ang isang malaking box ng chocolate. Mas lalo akong napangiti saka unti-unting kinuha ng bulaklak. "Thank you," sinserong sabi ko habang inaamoy ang magagandang rose. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko habang nagda-drive siya. Nakatuon lang ang pansin ko sa magagandang rosas na nasa hita ko. Hindi ko alam na mag ganito pa. Deciding to see him today is really worth it. "You like it?" Marahan ako na tumango saka tiningnan kung paano niya halikan ang likod ng palad ko habang nasa daan ang mga mata. I am so in love with this guy. Kalaunan ay bigla kaming tumigil sa isang park kung saan may mga nagtitinda pa. Napangiti ako nang makita na marami rin ang couple na naroon. "My original plan was a picnic in my lolo's land in a nearby mountain. Pero hindi natuloy kaya dito na lang muna." I smiled at him. "I will appreciate everything when it comes to you." Hawak niya ako sa baywang habang papalapit kami sa park. Pinahiram niya sa akin ang jacket niya kaya hindi na ako nilalamig. Bumili kami ng street foods pati na rin ng drinks saka pumwesto sa isang table sa madilim na parte. Marahan pa akong napatili dahil bigla niya akong hinawakan sa baywang at inangat para makaupo sa ibabaw ng lamesa. Napatawa naman ako kalaunan lalo na ng bahagya niyang binuka ang hita ko para maka-pwesto siya sa gitna. He already has a playful smirk on his lips. Napangiti naman ako saka mabilis na pinalibot ang braso sa leeg niya. I've been so comfortable with him. Hindi na ako naiiling kapag nagiging sobrang dikit namin. We already explored a lot. My body is already used to his. Marahan niya naman na nilagay ang isang kamay niya sa gitna ng hita ko kaya napa-kagat ako sa ibabang labi. "I planned for us to make love after the picnic," he sensually whispered, so my cheeks turned red. Napahalakhak siya ng mahina dahil sa naging reaksyon ko. "Zach, your mouth—" "Look, who's talking, huh? You are the one who always seduces me. Palaging nababali ang pangako ko." Mas lalo akong nahiya sa sinabi niya. "Hinaan mo nga ang boses mo. Baka may makarinig," saway ko pero natutuwa niya lang akong tinaasan ng kilay saka kaagad na inatake ng halik sa mga labi. I laughed after, so he did, too. We chatted with a sweet smile on our faces while eating the simple foods that he bought. Hugging him like this is already enough for me. A street food date is enough as long as it's him. I will always be contented. I am indeed in love with this guy. I am so much in love that I can't think of anyone to marry but him. Sigurado na ako dito. Siguradong-sigurado. Nakangiti akong umuwi sa bahay matapos iyon. My heart is full of happiness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD