JHOACE'S P.O.V. Gustong-gusto kong sampalin ng mag-asawang sampal itong si Clarence Miguel, simula kasi ng maging body guard niya ako, hindi siya naging mabait sa'kin madalas ginagawa niya akong tagabitbit ng kung ano-ano, tulad na lang ngayon habang na sa gym kami. "Gorge, pakidala nga sa'kin ng Barbel." Pinagmasdan ko lang ang barbel, hello? fifty kilos kaya ang bigat ng barbel na 'yon tapos pabubuhat niya sa'kin. "Binge ka ba?" inis niyang sambit. I glared, "Sarap mo'ng tadyakan! Kung alam lang kung sino ako ang kaharap mo ngayon." "Bakit ang sama mo tumingin sa'kin? Sinasabi na nga ba, hindi ka mapagkakatiwalaan." Bumuntong-hininga ako upang ma-release ko ang inis ko, dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong ilabas kung sino talaga ako. "I'm sorry Boss, para kasing may iban