TEO’S P.OV. Nakadikwatro ako, habang hinihintay kong tumawag si Death, sigurado kasing tatawag siya ngayon para komprontahin ako, pinasabog ko lang naman ang isang pagawaan niya ng pinagbabawal na gamot, anong akala niya hindi ko malalaman kung sino talaga siya. Ibinigay ko na rin ang video noong araw na pinatay si donya Marqueza, pinasa ko sa mga Miyembro ng Clan, syempre kay Death at Lucas. “Lord, Teo. Sigurado ba kayong tatawag si Death?” tanong sa’kin ni Denver. Si Denver ang secret weapon ko, siya ang gumagawa ng mga delikadong misyon, siya ang kumuha ng video noong araw ng namatay si Donya Marqueza. Walang kaalam-alam ang kalaban na bago pa nila pagplanuhan ang gusto nila, nakagawa na kami ng plano para pabagsakin sila. Nilaro-laro ko ang hawak kong ballpen at ngumiti kay Denv