Naririnig ko ang masayang tawa ni Meridette mula sa ikalawang palapag ng bahay. Bukas ang byahe namin patungo sa isang resort. Idaraos doon ang kaarawan ni Timothy, nakapagpa-reserve na si Meri ng ilang villa, para sa amin at sa family ni Timothy na dadalo sa ilang araw na celebration. Inaayos ko na ang gamit ko, mabuti na lang din at medyo okay na ang paa ko. Huwag ko lang talagang masyadong pagurin, hindi rin advisable na maibabad nang matagal sa tubig. Kaya tama lang din ang desisyon kong magdala ng tatlong libro na babasahin ko roon. Iyon pa nga ang una kong inilagay sa maleta. "Tapos nagalit ka sa akin kasi nalasing ako, tapos naisip kong maligo sa dagat." Tawang-tawa na ani ni Meri, nagkwekwentuhan sila about sa isang out of town trip nila na muntik ikasira ng relasyon nila dah