"Clau, baka pumunta ka sa bahay. Wala kang aabutan doon. On the way ako sa Alta Bara, susunod ako sa asawa ko." Iyon ang mensahe ni Meridette habang kasalukuyang akong narito umaatungal nang iyak sa garden ng hotel dahil sa disappointment sa sarili ko. Pinunasan ko ang luha ko. Kailangan kong kunin ang gamit ko sa silid ni Timothy dahil hindi pwedeng makita ni Meridette ang mga iyon. Uuwi na lang ako. Tapos kukunin ang gamit, uuwi ng San Agusta. Hindi na ako papipigil pa. Bumalik ako ng hotel room, inabutan ko si Timothy roon na tahimik na nakasalampak sa sahig, ang likod ay nakasandal sa couch. May hawak s'yang beer, sa center table ay may apat nang nakatumba. "D-arating si Meridette. Kailangan ko nang kunin ang gamit ko, baka maabutan n'ya pa ako rito." Hindi ito umimik. Kaya pum