"Tanya, hinahanap ka ni Sir pogi sa baba." saad ni Ate Cora sa akin. Alam kong si Tristan iyon dahil araw ng linggo ngayon at may pangako ito na ipapasyal niya ako. Pumili ako ng damit na binili niya noon sa Mall. Kulay pink iyon at na hanggang sa taas ng pusod ang haba ng pangitaas at ang shorts naman ay kaparehas ang kulay ng pang-itaas ngunit napakaikli rin nito. Pinarisan ko ng flat sandayas na minsan ko lang ginagamit. Nang bumaba ako ay masayang nagkukwentuhan sina Senyorita Cathalea at Tristan ngunit nang bumaba ako ay nakatuon lamang ang pansin ni Tristan sa akin. Nakita ko pa kung paano ito lumunok habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggabg paa. Napaka-cute ni Senyorito, katulad rin kay Senyorito Josh. Kaya lang medyo may pagkasuplado ang aura ni Senyorito. Oo nga pala, b-baka