Chapter 9-Mr.Playboy SPG

1268 Words

" Kailan ka ba magiging matino ha, Josh Klein? Beinte otso ka na pero hindi mo pa rin binibigyang importansya ang kompanya natin!Akala mo, hindi ko alam na puro babae ang inaatupag mo ha?" galit na sambit ng daddy niya sa kabilang linya. Hindi siya nakasipot sa emergency meeting ng kompanya na pinamanahan sa kanya ng daddy niya dahil lumipad siya ngayon patungong Britain. Sinamahan niya si Mia, nagdesisyon kasi ang mga Geller na sa Britain na muna ito maninirahan at doon na ipagpatuloy ang pagbubuntis nito. Buntis si Mia kay Kenjie Alcantara.Aminado siya na noong una pa lamang niya nakita ang babae ay humanga na siya sa kagandahan nito. Nakikita niya rito ang katauhan ni Danica, ang kanyang girlfriend dati. Mahinhin, simple at malambing ang boses. Aminado siya na tama ang daddy niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD