Kabanata Isa: Mistress

2642 Words
Kabanata 1 Lilie POV I'm scared. I'm scared of how their judgemental look is targeting me right now. How they murmured that I'm just the one who will be blamed after the incident happening lately. Although I'm scared of what they are thinking right now, I'm also scared if I lose my job right now. I don't know why some people always say that customers are always right? Paano naman kaming mga crew na nagse-serve ng tama at maayos? Kami na lang palagi ang sisisihin ninyo kapag nakagawa na kayo nang mali? Kami na lang lagi ang magiging masama sa lahat? Hindi ko alam kung sinong nilalang ang nagsabi na dapat customer lagi ang tama. Paano kaming mga crew? Taga-sambot ng pagkakamali nila hanggang sa mawalan na lamang kami ng trabaho? Katulad na lamang ngayon, sa mismong harap ng maraming tao. 'Yung isang customer namin ngayon, nagwawala sa harapan ko dahil ako raw ang may mali sa paglalagay ng Ice Tea. Na ang totoo namang nangyari ay siya mismo ang may kasalanan kung bakit natapon ang inorder niyang Ice Tea. Paano ba naman hindi matatapon ang inumin niya kung pinagtuunan niya muna ng pansin ang pagkain niya at hindi puro cellphone. "Ma'am, kumalma po tayo. Ice Tea lang po ang natapon at wala naman pong nabasa na gamit sa inyo, miski po ikaw ay hindi nabasa," kalmado kong saad pero nakita ko pang nagalit ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Anong kumalma?! Tanga ka ba? Ikaw na nga 'tong may kasalanan, ikaw pa ang may ganang magsabi sa akin niyan. Ikaw kaya ang tapunan ko ng Ice Tea?! Gusto mo 'yon, ha?!" Eskandalosang niyang sigaw at tinutulak-tulak pa ako. Habang ako naman ay napapikit ng mariin dahil sa kahihiyan na inaabot namin ngayon, naramdaman ko nang nagsilapitan na ang mga katrabaho ko at pinapakalma ang customer namin ngayon. "Lie, are you okay? Bakit ganyan siya? Did you do something wrong to her?" Pagtatanong ng katrabaho ko kaya nilingon ko siya at inilingan. "Yes, I'm okay, I don't know why she's acting like that. Wala naman akong nagawang mali, sa katunayan nga ay siya pa ang nakagawa. Bakit ako ang sinisisi niya?" Frustrated kong tanong kaya muli kong nilapitan ang customer na ngayon ay kay Alexandria naman nakikipagtalo. "No! She's the one who has a responsibility for this kind of mistake. Ilalagay na lamang niya ng maayos yung Ice tea, bakit tatanga-tanga pa siya?!" Rinig kong buwelta niya kaya pumagitna na ako sa dalawa. Ayokong may madamay nang dahil na naman sa akin. Bago ako muling nagpaliwanag ay minabuti kong kalmado ako pati na rin ang boses ko. Mahirap sa sitwasyon ko ngayon kung kaming dalawa ang magtataas ng boses, lalong hindi mauunawaan mismo ang isa't-isa. "Ma'am… shit." Naibulong ko na lamang ang panghuli kong salita dahil sa ginawa niyang pagsaboy sa mukha ko ng Ice Tea. Dahil doon ay hindi ko mapigilang samaan siya ng tingin dahilan para matakot siya. Ang iba kong katrabaho ay tinawag na ang Manager namin dahil sa pangyayari ngayon. "Ma'am, sumosobra ka na po. Bakit ganito naman po ang gagawin niyo sa'kin? Ang ayos-ayos ho ng pagkausap ko sa'yo pero bakit pagdating sa'yo nakakabastos ho?!" Hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses. "Lie, kalma na. Nandito na si Manager," bulong sa akin ni Alexandria at pinatabi ako dahil ang Manager na namin ngayon ang nakikipag-usap. Habang ako naman ay tinutulungan ni Alexandria na punasan ang nabasa kong uniform. "Lie, I told you not to entertain that kind of customer. I mean, dapat umalis ka na lang ng biglaan." Sunod-sunod na talak niya kaya malakas akong napabuntong hininga. "That's rude, Dria. Even though they are acting like that we should give respect to them. But, ang hindi ko lang alam bakit ako ang kailangan niyang sisihin sa maling ginawa niya? Bakit kailangan niya pa akong idamay?" "People nowadays are like that Lie, they are blaming someone because they are afraid to be judged by others." She explained while combing my hair. "I know… but it's really worth it to blame one another for the mistakes that you made? You blame someone too just because you're afraid to be judged? Ako ang sinisi niya para sa akin mapunta ang atensyon ng ibang tao at sabihing ako talaga ang may mali? Ganoon ba, Dria?" I asked in a serious tone. Kaya tiningnan niya rin ako ng seryoso. "Yes, ganoon ang ginawa. She distracts everyone by blaming you for the mistakes that she made. She realized that it was her who made that kind of mistake and she was ashamed and afraid that everyone might judge her. Lie, ikaw ang nakita niya sa oras na iyon, kaya niya sinisi sa'yo ang lahat." Mahaba niyang paliwanag kaya napailing na lamang ako. "And it will not be worth it to blame someone. Nakatatak na sa mga tao na ako ang may mali that's why they are looking at me like that," saad ko at nagpunta sa Manager ko na ngayon ay wala na ang kausap naming customer. "Ahm… Sir nasaan po siya?" Pagtukoy ko sa customer na nag-eskandalo kanina. Nakita ko ang pag-iling niya at natawa. "Mas lalong nagalit dahil tinama ko ang pagkakamali niya. At saka sinabihan ko siya na kung may mali mang nagawa ang empleyado ko, sana mahinahon niyang kinausap dahil mahinahon rin ang pakikipag-usap nila." Paliwanag ng Manager namin kaya napatango naman kami ni Alexandria. "Sige na Lilie, tapusin nyo na 'yang duty para maaga na kayong makauwi at makapag-pahinga. 'Wag na lang muna isipin ang nangyaring aksidente kanina," saad niya sabay tapik sa balikat ko at umalis na sa harapan namin para bumalik sa opisina. Nang humarap ako kay Dria ay pilit akong ngumiti at tumango. Kumunot naman ang noo niya at binatukan ako. "Huwag mo nga akong ngitian diyan! Siguradong bang kaya mong bumalik sa trabaho ngayon?" Nag-aalala niyang tanong kaya nag-okay sign na lang ako at kinalimutan ang pangyayari kanina. Makalipas ang limang oras na duty namin sa Cafeteria na pinagtatrabahuhan namin ay sabay na kaming nag-aantay ng jeep ng Dria para makauwi na ng maaga. "Hays, isang nakakapagod na araw na naman!" Reklamo ng katabi ko sabay upo sa bench kaya umupo na rin ako. Natawa na lang ako dahil totoo naman ang sinabi niya. "Kailan kaya tayo giginhawa sa buhay, Lie?" Naiiling niyang tanong kaya nagkibit-balikat ako bago sumagot. "Siguro kapag nasanay na tayo sa mga ginagawa natin, doon na natin nararamdaman ang kaginhawaan." Tulala kong sagot at sumandal sa kinauupuan namin ngayon. Nakuha ng atensyon ko ang isang malaking billboard ang nakabalandara sa harapan namin ngayon. Isang lalaki na parang isang model ang nakalagay sa billboard na ito. Binasa ko ang nasa headline at napangisi na lamang. "For the past years of being a CEO of one of the most influential perfumes in the world. Lucas Nixon Montiero was the one who was still on top of it." "Paano kayang maging isang Lucas Nixon Montiero? Tingnan mo Lie, ang gwapo, ang yaman kaso mukhang masungit. Pero sa edad na 30 sobrang successful na niya. Samantalang tayo, magte-twenty na wala pa ring patutunguhan ang buhay." Pag-arte ni Dria at nagkunwaring umiiyak pa kaya binatukan ko siya. "Don't ever compare your timeline to others. I mean, lagi nilang sinasabi na dapat pagdating ng 20's may napatunayan ka na sa buhay. Laging 'yan na lang ang naririnig ko, pero hindi nila marealize na hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang timeline. Some of them are still finding their purpose and passion in life, and when they finally find it they will bloom freely." Tumingin ako sa katabi ko at ipinagpatuloy ang sinabi ko. "Just like us, Dria. We are still finding our purpose and passion, that's why we can't bloom right now." Mahaba kong paliwanag na ikinapalakpak niya. "Lodicakes talaga kita, Lie. Nagtanong lang ako pero pang Miss Universe na ang sagot mo. Tara na, nandiyan na ang jeep. Uwi na tayo, lalo akong naistress sa'yo," pagbibiro niya kaya tumawa naman akong sumakay. Habang bumabyahe kami pauwi ay muli kong naisip ang sinabi ko kay Dria. Napatingin ako sa labas ng jeep at napaisip. "How can I find my purpose and passion? When will I discover it? How will I discover it? Will it be worth it if I find my purpose and passion early?" "Bye lods! Ingat sa pagsakay ng tricycle minsan lampa ka pa naman!" Sigaw sa akin ni Dria pero iniripan ko lamang siya at tuluyang umalis na ang tricycle. Pinara ko kaagad ang tricycle sa tapat ng bahay namin. Nagbayad na ako at deretsong pasok na sa gate namin. Hindi naman malaki ang bahay namin. May maliit na garden at hanggang second floor ang bahay namin. Tama lang ang sukat nito. Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang sangkatutak na bote ng mga alak at mga balat ng chichirya. Napatingin ako sa Papa ko na bagong gising at masama na agad ang tingin sa akin. "Oh, anong tinatayo-tayo mo diyan?! Linisin mo na 'to." Saad niya at malakas akong binangga sa balikat kaya napabuntong hininga na lamang ako. Malakas kong napabagsak ang bag ko sa sofa at napapikit ng mariin. Naiiyak na ako sa oras na'to. Akala ko ay makakapag pahinga ako pero hindi pala. Wala na akong nagawa kundi pulutin ang mga kalat ni Papa. Pagkatapos kong mawalsan at maitapon ang lahat ng kalat ay nagpunta naman ako sa kusina para tingnan kung nagluto ba si Papa. Pagdating ko sa lamesa ay mas lalo pa akong nanlumo dahil wala ni isang pagkain ang nakahanda. Napatingin ako kay Papa na kapapasok lang din sa kusina kaya tinanong ko siya. "Pa, hindi po ba kayo nakapagluto ng pagkain po natin ngayon?" Nakatalikod ako kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. Napatalon na lang ako sa gulat dahil sa biglaan niyang paghampas ng kamay sa lamesa. "Wala ka bang kamay sa pagluluto? Kita mong kagigising ko lang tapos tatanungin mo ako. Puwede mo namang gawin 'yon, 'diba Lilie? Bakit kailangan mo pa akong tanungin. Walang kwenta," gigil niyang saad kaya yumuko na lang ako at hindi umimik. Hindi ko na mapigilan umiyak. Hindi ko alam kung bakit naging ganiyan si Papa. Ang laki ng pinagbago niya. Hindi na siya 'yung dating Ama na nakilala ko. Pagkatapos niya kasing mawala sa trabaho at mabaon kami sa utang ay nagsimula na siyang magbago. Naging mainitin ang ulo at puro pag-inom na ang inaatupag. Kaya kaming dalawa ni Mama ang gumagawa ng paraan para lang mabalik ang buhay namin sa dati. At sa kauna-unahang pagkakataon, naisip ko ang sinabi sa akin ni Alexandria kanina. Kailan kaya kami aasenso? … "Lods, congrats! The best ka talaga. Langya, nangunguna ka na naman sa mga top ng batch niyo. Iba ka talaga, Lie!" Pagpuri sa akin ni Dria kaya pinatahimik ko siya dahil pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. "Huwag kang ngang maingay. Pinagtitinginan na tayo," saway ko pero ipinagkrus niya lamang ang braso niya at tinaasan ako ng kilay. "Excuse me lang ha? Kaya nga ipinagmamalaki kita dahil proud ako sa'yo. At dahil diyan, absent tayo ngayon sa trabaho. Mag-celebrate tayo!" Excited niyang sabi sa akin at hinila na ako papalayo sa bulletin board ng school namin. "Teka, teka. Kumalma ka nga muna, Dria. Tawagan muna natin si Manager para makapagpaalam tayo," natatawang saad ko kaya nag-okay sign naman siya. "Bilis, atat na atat na ako sa libre mo." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at niloud speaker ang cellphone ko para marinig ni Dria ang pinag-uusapan namin ni Manager. "Hello, Lilie bakit ka napatawag?" "Manager, aabsent po muna kami ngayon ni Dria gawa po ng--" Naputol ang pagsasalita ko ng hablutin ng katabi ko ang cellphone ko at siya na mismo ang nakipag-usap. "Manager! Aabsent kami ni Lilie ngayon dahil kasali kaming dalawa sa top ng mga batch namin. Baka naman advance payment, ehem." Pagpaparinig niya kaya natawa kaming dalawa. Narinig ko pang tumawa ang Manager namin sa kabilang linya. "Wow! Congratulations, sabi ko sa inyo makakapasok at makakapasok pa rin kayong dalawa sa top. At dahil diyan kunin niyong dalawa dito 'yung advance niyo pero sa isang kondisyon…" Tumigil sa pagsasalita ang Manager namin kaya nagtaka naman kaming dalawa ni Dria. "Ano ba 'yan, Manager may kondisyon na naman," reklamo ng katabi ko kaya tinampal ko ang bibig niya. "Ang bastos mo, wala ka man lamang po sa pakikipag-usap kay Manager baka mamaya hindi ibigay ang advance sahod natin," pagbibiro ko kaya natawa siya. "Kayo talagang dalawa kapag sa kalokohan, dahil nakapasok nga kayo sa top may isang linggo kayong---" "Isang linggong wala kaming pasok, Manager?" Sabay naming tanong ni Dria kaya malakas na natawa ang kausap namin sa kabilang linya. "Isang linggong merong pasok, tapos ang usapan." Pagkatapos ng Manager namin sabihin 'yon ay pinatayan niya na kami. Magrereklamo na sana si Dria kaso napangisi na lamang ako. "Tara na, Dria. Baka magbago pa isip ni Manager at bawiin sa atin 'yung sahod," pagyaya ko sa kaniya at nauna nang umalis sa harapan niya. Naramdaman ko naman na sumunod na siya sa akin. "Lie ano na?! Nasaan na ang libre mo?!" Pangungulit sa akin ng kasama ko kaya hinampas ko siya sa braso. Napaaray naman siya dahil sa ginawa ko. "Anong libre? Para sabihin ko sa'yo pareho tayong nakakuha ng achievements ngayon kaya walang libreng magaganap," pambabara ko kaya inirapan niya lang ako. "Right. Hays, kailan kaya ako makakatikim ng libre ng isang Lilie De Vega?" Pagpaparinig niya pero hindi ko na siya pinansin. Pagkatapos kasi naming makuha ang advance payment ay diretso na agad kami sa Mall ni Alexandria para mabawasan daw ang stress namin sa buhay. Akala ko nga ay nagbibiro ang Manager namin pero noong nagpunta kami sa Cafeteria niya ay nakaabang na siya sa amin at binati. Tuwang-tuwa pa kami ni Dria hindi dahil mabibili na namin ang gusto naming bilhin, dahil may pangdagdag na kami sa panggastos namin sa bahay. Habang naglilibot kami sa mall ay napatigil ako sa tapat ng isang sikat na tindahan ng pabango. Sa pangalan pa lamang ng brand ay alam ko na kung kanino ito. "Te, tara bili tayo ng pabango diyan. Sobrang bango pero yung presyo is abot kaya mo lang," yaya sa akin ni Dria at hinila na ako papasok. Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang napakaraming tao at mga pabangong mamahalin talaga. Napaawang na lamang ang bibig ko dahil sa mga presyo ng mga ito. Ang mumura nga at abot kaya pero pagdating sa quality ay hindi ka malulugi. Mukhang ang isang Lucas Montiero yata ang nalulugi sa ginagawa niyang pagbebenta ng pabango. Ang presyo kasi ng ibang pabango na nakikita ko ay umabot lamang ng 150-350. "Hindi ba siya nalulugi sa ganitong presyo?" Pagtatanong kaya marahas na umiling ang kasama ko. "Hindi te, kasi sobrang dami namang niyang branch hindi lang dito sa Pilipinas kaya hindi talaga siya malulugi." "Also, it's weird because isang lalaki ang nagmamay-ari ng ganitong shop. But, it's unique and interesting dahil alam niya kung ano ang taste ng mga tao sa pabango. Lucas Nixon Montiero is a smart and amazing man." Pagpuri ko pero inasar lang ako ng katabi ko at sinundot-sundot sa tagiliran. "Ikaw ha, isang Lucas Nixon Montiero pala ang magpapatibok ng puso mo," natatawang saad niya pero inirapan ko lang siya. "Baliw, naamaze lang ako sa kanya," depensa ko at kinuha ang isang pabangong nakatawag ng pansin ko. Nang tingnan ko ang pangalan ng pabango ay namangha na lamang ako. "Kapangalan ko itong pabango, Dria," saad ko pero nangunot na lamang ang noo ko nang wala akong marinig na sagot sa katabi ko. Nang lingunin ko siya ay gulat na gulat ang mukha niya, kaya nang sundan ko ang tingin niya ay halos mabitawan ko ang pabangong hawak ko dahil sa nakita ko. Si Papa, may kasamang babae at magkahawak kamay silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD