When you thought you get mad because you're protecting her but truth is, you're just jealous. HINDI na ako pumasok pa ng klase. Malapit na rin namang mag uwian. Matapos akong iwan kanina ni Flynn sa may pond sa may gitna ng gubat ng academy ay agad akong nagtungo sa aking silid. Natatakot ako. Iyon ang nararamdaman ko sa mga nasaksihan ko. Sa walang awang pagpatay ng kaklase ko sa mga hindi ko kilalang lalaki at sa tila pangungunsinti ng kapatid niya sa ginagawa nito. Para bang si Hunter ang papatay at si Flynn ang maglilinis ng kalat na iniwan ni Hunter sa pagpatay. Just by thinking about it makes me shiver in fear. Bukod pa roon, hindi maialis sa isip ko ang nagawa kong panggamot sa kanya. Paano ko iyon nagawa? Isa ba ang panggagamot sa kakayahan kong gawin? Humiga ako at tumitig la