Don't just walk away when your heart is heavy. It won't help you. Chances are, it will worsen the situation. Luca's Point of View SUMANDAL ako sa pintuan ng kwarto ni Astrid matapos kong lumabas mula rito. Fuck, hindi ko alam bakit kailangan kong magalit ng ganoon nang dahil sa isang lalaking hindi naman namin lubos na kakilala. Nang marinig ko ang pangalan ng lalaking iyon ay nagpintig ang aking tainga kaya sumabog ako. Iyong pag alalang nararamdaman ko para kay Astrid ay napalitan ng inis at galit. Hindi ko magawang mapalagay. Wala akong pinagkakatiwalaan dito dahil hindi ko alam kung sinong kalaban sa hindi. Paano kung isa siya sa may interesado sa Bodhisattva Eye? Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili bago maglakad papaalis doon. Kaya na naman siguro ni Astrid mag