In every action you make, there's someone you might hurt in the process. "OKAY ka lang ba Astrid?" Nabigla ako sa biglaang pagtatanong ng isa sa mga kaklase ko. Iyong t***k ng puso ko sobrang bilis. Kailan pa ako naging sobrang magugulatin? "O-Okay lang." No, I am not. Hindi ako okay. Sobrang daming gumugulo sa isip ko nitong nakaraan. Hindi na ako makatulog ng maayos. Napahawak ako sa bandage sa leeg ko. Gumagaling na ito, mas mabilis kaysa sa inaasahan ko. Hindi ko alam kung anong ihaharap kong mukha kay Hunter kapag pumasok siya ngayon at si Luca, kahit sinabi niya na okay lang daw at naiintindihan niya pakiramdam ko ay hindi siya masaya. My life is a never-ending drama and I know that. "Sure ka? Kanina ka pa tulala, eh. Nag aalala na kami sayo. Alam kong apektado ka sa pagkawala