And that was the story of how I lost my first kiss. IYON ang unang sumagi sa isip ko nang imulat ko ang mga mata ko at nang maalala ko lahat ng nangyari kagabi sa pagitan namin ni Hunter. No, maybe it was a dream? Tama, baka nananaginip lang ako. Tatayo na sana ako sa pagkakahiga ko nang maramdaman kong may katabi ako sa kama ko. f**k, maybe not a dream? Kinakabahan akong tumingin sa tabi ko at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong naandon si Hunter at mahimbing na natutulog. Tinangka kong sumigaw pero pinigilan ko ang sarili ko. Huwag nalang. Mahimbing na natutulog si Hunter at baka magising ko lang siya kapag sumigaw ako. As if naman na wala akong naaalala sa nangyari kagabi at sa rason bakit naandito si Hunter ngayon sa tabi ko. Huminga ako ng malalim. I still have my clothes