Lenny MATAPOS kumain, nag-usap muna sila ng magulang niya saka nagpresinta si Ajax na ihatid ang mga ito pauwi. "Ingat kayo Nay, Tay, sa sunod na linggo na lang po ako dadalaw sa bahay." nakangiting sabi niya. "Sige anak, basta dumalaw ka pag may libreng oras ka." tugon ng Tatay niya. Ilan sandali pa ay ihinatid na ito ni Ajax gamit ang kotse. May sasabihin din daw kasi ang binata sa magulang niya. Hinayaan na lang niya ito, kahit wala siyang ideya sa kung ano ang sasabihin nito sa magulang niya. Habang wala pa si Ajax, naisipan nilang maglaro uli ng baraha sa salas. Silang tatlo nila Ime at Tibs, panay ang biruan ng dalawa hanggang sa may nag-doorbell sa gate. Nagkatinginan silang tatlo. Imposible naman, nakabalik agad si Ajax. Mabilis na tinungo ni Tibs ang gate. Napatayo tuloy