Chapter 2: La Casa Dela Vista
Marsh Lahm's Point of View
"Ate sabi ko naman sayo magbebehave ako dito sa bahay nila Ninang. Basta enjoy ka lang sa wedding nila Ate Stacey." Sabi ni Marco. Tumingin ako kay Aling Nelda—Marco's Godmother.
"Thank you po talaga dahil babantayan niyo si Marco." Sabi ko na lang. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya dahil sa tuwing ginagabi ako sa pagtatrabaho siya ang nagaalaga sa kapatid ko. She's already in her mid-50's at halos lahat ng anak niya ay wala na sa poder niya.
"Naku! Sabi naman sayo Marsh ayos lang 'yun. Mas gusto ko ngang may bata dito sa bahay para may maingay naman. Wag kang magalala aalagaan ko yang kapatid mo." she said.
"Kung sana nandito lang si Mareng Martha, may kakwentuhan sana ako." Ngumiti na lang ako ng tipid ng banggitin niya ang pangalan ni nanay. Si Aling Nelda at si Mama ay matalik na magkaibigan noon.
"Thank you po talaga." Sabi ko.
"Marco, wag kang masyadong magpapapawis ah? Wag ka ding makulit at wag mong papagudin ang ninang mo. Wag mo ding kakalimutang uminom ng gamot." Paalala ko sakanya.
"Ate naman ilang beses mo ng sinabi yan." Sabi niya habang nakasimangot. Niyakap ko siya.
"Magiingat ka Marco." Sabi ko sa kapatid ko at hinalikan ang pisngi niya.
"Ingat ka din Ate."
"Sige po Aling Nelda. Mauuna na po ako." Sabi ko. Tumingin muna ako kay Marco sa huling pagkakataon at kumaway sakanya. Ito lang ang unang beses na mahihiwalay ako sakanya ng matagal. Nagbuntong hininga na lang ako at sumakay ng tricycle para umuwi sa inuupuhan naming apartment. Maliit lang 'yun pero siguradong malinis. Kailangan ko pang kunin ang mga gamit kong dadalhin sa La Casa. Pagkababa ko agad akong nagbayad. Umakyat ako ng hagdan patungong third floor. Wala naman kasing elevator dito. Kung makakapag-ipon pa sana ako ng mas malaki pang pera lilipat kami ng apartment ni Marco. Kumunot ang noo ko ng may lalaking naka sombrero ang nasa tapat ng pinto ng apartment namin.
"Anong kailangan niyo?" Tanong ko ng makarating ako sa pwesto niya.
"Magandang araw po Ma'am. Kayo po ba ang nakatira sa apartment na to?" He asked.
"Oo, ako nga." I said.
"Kayo po ba si Miss Marsh Lahm?" I nodded. Bigla niyang inabot sa akin ang hawak niyang kahon.
"Delivery po Ma'am. Paki pirmahan na lang po tong form na ito." Kinuha ko ang ballpen na inabot niya at pumirma gamit ang pangalan ko. Marsh Lahm.
"Thank you Ma'am." He said and left. Tiningnan ko ang kahon na hawak ko. Kanino naman galing to? Pumasok muna ako sa loob at ibinaba ang kahon. May maliit na card na nakasingit dito. I checked the card.
"I'm sorry." Basa ko sa nakasulat. Biglang sumidhi ang gulat nang makilala ko kung kanino galing ang kahon. Tumingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa tabi ng ref. It's twenty fifth day of the month. Hinawakan ko ang kahon at nilagay sa isang kwarto. It's a gift from him or maybe from her. Hindi ko alam basta ang alam ko siya ang dahilan kung bakit nawalan kami ni Marco ng magulang. Kung bakit kailangan kong tumigil ng pagaaral. At kung bakit kailangan kong magtrabaho nang magtrabaho para mabuhay ang kapatid ko. Lagi siyang nagpapadala ng kung ano-ano pero hindi ko yun binubuksan at tinatambak lang sa kwarto na ito. Kung makikilala at makikita ko lang siya, ibabalik ko lahat ng ibinigay niya.
"Marsh! Let's go." Rinig kong may kumatok at sumigaw sa labas. Andito na si Stacey.
Sinarhan ko ang pinto at pinatay ang ilaw. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng apartment. Sumalubong sa akin ang masiglang ngiti ni Stacey.
"WELCOME TO LA CASA DELA VISTA." Iyon ang nakasulat sa malaking gate. Halos anim na oras ang tinagal ng byahe at ang alam ko wala na kami sa Manila. Habang nasa byahe kami sinabi sakin ni Stacey na ang mapapangasawa niya ang may-ari nito. I was amazed on how beautiful it looks. This place is a paradise.
"Marsh bumaba ka na dyan." Sabi ni Stacey at agad akong bumaba sa van na sinakyan namin papunta dito.
"So yeah, welcome and just enjoy, okay?" She said as she spreads her arms widely. It's a mansion. A modern mansion. May malaking garden at punong puno ito ng mga bulaklak. May fountain din sa gitnang bahagi ng garden. The mansion was made out of glasses and it shouts luxury.
"C'mon Marsh." Stacey said at hinila ako papasok sa loob. And I was right. Hindi lang labas ang maganda kundi pati ang loob. There's an expensive chandelier hanging on the ceiling. Lot of paintings is placed on the wall. Everything here is worth a million.
"Baby, you're here." Someone said from behind. Parehas kaming napalingon ni Stacey.
"Hon!" She exclaimed at lumapit doon sa lalaki. The guy stood six feet in height. His hair was dark, his face was raw-boned and tanned, and his eye—isn’t it gray?
"I missed you baby." He said as his lips landed on Stacey's lips. Agad akong lumingon and feel out of place. Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at kahit hindi ko sila nakikita ay ramdam ko ang pagkapula ng aking pisnge.
"Oops. Sorry about that." I heard Stacey faked a cough.
"Hey cousin, so this is Kelvin Williams, my soon-to-be-husband. Kelvin this is Marsh, my cousin." She said. I smiled.
"Kelvin," He, too, smiled at me. At nakita ko ang pagkakunot ng noo niya.
"Nagkita na ba tayo?" Sabi niya.
"I'm sure I've seen you somewhere." He said. Bigla akong napaisip. Kung nagkita na kami dapat matatandaan ko siya. Bihira lang ako makakita ng Greek God na bumaba sa Mt. Olympus.
"Sorry? I'm sure for myself that this is the first time." I said and smiled a little. I'm not an introvert but I'm not an extrovert either. I'm just...me.
"Anyway, baby darating din ang mga pinsan ko dito sa La Casa. And I—."
"We're here!" A girl said in a high pitched tone.
"Sister-in-law! Oh my! Finally! Ikakasal na din kayo," she said as she hugged Stacey.
"Hey man." A man's voice, mild and unruffled, came from the doorway.
"Hey guys!" Stacey said with a sweet smile.
"Where's Kalev?" Tanong ni Kelvin.
"I dunno." Sagot nung babaeng matangkad.
"Sabi niya susunod siya. He's big enough. Kaya na niya sarili niya. Damn busy man." Sagot niya as her eyes landed on mine.
"Ohh. Sorry. I didn’t you know you had a company. Hi my name is Victoria." She said at lumapit sa akin. She's tall and blond, with an elegant body.
"Just call me Tori. How about you? What is your name?" She asked. At hinawi ang blond niyang buhok na tumatabon sa kanyang mukha.
"I'm Elizabeth." She's shorter than Tori. She possesses a round blue eyes and brown hair. Both of them wear dress and I pray to all Saints to open the ground for me—feeling out of place. They're so beautiful. Really. They look so sophisticated too!
"Eli and Tori! Don't scare the little girl." Sabi nung kasama nilang lalaki. He was tall, a thin reed of a man who had to bend over to give me a kiss on my hands.
"Nikos at your service." He said with a wink. Agad kong binawi ang kamay ko dahil sa gulat.
"You are the one scaring her, Nikos." Sabi ni Elizabeth.
"This is Marsh, my cousin." Sabi ni Stacey.
"Ihahatid ko lang siya sa magiging kwarto niya."
"Bye Marsh." I just smiled at them at sumunod kay Stacey. They seems so nice and kind and I feel guilty all of a sudden dahil hindi man lang ako nakapag salita kanina. Maybe because I'm...shy? Parang may intruder na pumasok sa kanila.
"Don't be shy Marsh. They are all good. Trust me. Sa tingin ko naman makakahanap ka din ng mga bagong kaibigan dito." Sabi ni Stacey.
"This will be your room for the meantime." I ran my fingers to my hair as I scanned the room.
"I hope so." I mused. I took a deep breath and repeated softly.
"I'm hoping." When my parents died in a car crash I did everything for my little brother and never had a chance to make friends. Dying in a car crash is so common yet they belong to the high percentage of people dying in that way.
"Puwede ka namang mamasyal dito, Marsh. Malapit lang ang dagat dito." I'm a bit weary after my emotional thoughts.
"I will." Sabi ko.
"See you in a bit." She said as she bid her goodbye and closed the door.
Ibanaba ko ang back pack ko sa kama. It was a silk Victorian bed. There's a fifty inches plasma television on the wall, comfort room, a table, and a sofa set on the side. May sliding glass din sa left side and I presumed kapag lumabas ka ay makikita mo ang balcony. The room was huge. I wandered around. Mas malaki pa yata to sa inuupahan naming apartment, I mumbled.
Nahiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Hindi ako sanay ng walang ginagawa kaya naalala ko ang sinabi ni Stacey. I could go for a walk at the seaside. Agad akong tumayo at lumabas. Thanks God, natatandaan ko naman ang daan palabas. The villa is quiet. Siguro nagpapahinga pa yung ibang tao. But it's already five in the afternoon. Hmm. Nakita ko ulit yung garden, this garden never fails to amuse me. May iba't ibang uri kasi ng mga bulaklak. I can even smell their scent.
Tama nga ang sinabi ni Stacey konting lakad lang ang ginawa ko and I can now see the wide blue oceans.
"Wow." I exclaimed. Para akong batang nagtatakbo sa may dalampasigan. The color of the sand is white at ang linis ng tubig sa dagat. I walked barefoot at itinabi ang tsinelas ko sa gilid. Kung nandito lang sana si Marco sigurado akong magugustuhan niya ang buong lugar.
I chuckled when I saw a sea shell. Siguro kapag may nakakita sa akin dito mapapagkamalan akong baliw. Pinulot ko ang sea shell na hugis puso. And little did I know I'm smiling like an idiot. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nandito sa dalampasigan. I never knew the ocean can calm me like this. Alam kong napatagal ang pagstay ko dito kaya napagpasyahan kong bumalik na sa La Casa. Mukhang hinahanap na ako ni Stacey. Agad akong tumalikod sa dagat at sinuot ang tsinelas ko. Maglalakad na sana ako ng may nakita akong lalaki. He stood six feet and two inches, meters away from me and he's looking at me intently. It's like he's staring at me for a long time. And my heart...
...my heart just skipped a beat.