CHAPTER 1

1406 Words
Chapter 1: The Invitation Marsh Lahm's Point of View  "Pretty please my lovely cousin?" Sabi ni Stacey habang abala naman ako sa paglilinis ng baso. She's my cousin and she owns the coffee shop that I'm working at. Mabuti na lang at kahit papaano tinanggap niya ako kahit high school graduate lang ako. So basically she's my boss. Maraming nagsasabing natanggap lang ako sa trabaho dahil pinsan ko siya but she tells me every time that I got hired because I'm hard working enough to work in her coffee shop. And I badly need a job, so here I am now washing all the dishes. She has a pretty face, round brown eyes. Matangos din ang ilong niya and she has pink kissable lips. Kaya lahat ng lalaki napapatingin sa kanya. She's far too different from me. She's wearing a yellow dress that compliments her white skin paired with black sandals. She is really beautiful and nice and kind. "Marshhhh." She said in a singsong voice. "Isang beses lang ako ikakasal. And I want you to be there. Bibigyan naman kita ng day off makapunta ka lang sa kasal ko." Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang tipid. "Pretty pretty please? You are one of my bridesmaid, hindi ako makakapayag kung hindi ka dadalo. And trust me, magtatampo talaga ako sayo ng sobra, hmpf!" "Alam mo naman kung bakit hindi ako makakapunta diba? I'm working nonstop. Hindi ako puwedeng magpahinga at tsaka walang magaalaga kay Marco." I said. Sino naman ang ayaw umattend sa isang kasal? Kahit gustuhin ko man wala din akong magagawa. I'm working at her coffee shop at day light at isang waitress sa bar kapag gabi.  "Isama mo si Marco besides he's my cousin too." Napailing na lang ako. She's persistent. Too persistent to the point you can't say no. "Alam mo naman ang kalagayan ni Marco." Mahina kong saad. Sadness is knocking into my heart nang maalala ko bigla ang bunso kong kapatid pero agad nawala yun nang maalala ko din ang matamis niyang ngiti. I smiled from that thought. Hindi siya pwedeng magtravel sa lugar na malayo. Hindi kakayanin ng kanyang katawan. "Sige. Makakaasa kang pupunta ako sa kasal mo." I said. Bigla niya akong niyakap habang may ngiting tagumpay. "Love youuuu cousin. Sa La Casa Dela Vista gaganapin ang kasal namin ni Kelvin." Happiness is visible in her voice at natutuwa ako para sakanya dahil sa wakas ikakasal din siya sa pinakamamahal niyang lalaki. Ako kaya? Agad kong umiling at hindi binigyan ng pansin ang nasa isip ko. Marco is with me, alive and kicking. And he's my source of happiness.  "Pero wala akong susuotin." Bigla ko na lang naisip. "Ano ka ba naman Marsh of course ako na ang bahala doon. And by the way, beach wedding 'yon and we'll stay there for three days. So pack your things later paguwi mo dahil susunduin kita bukas. Yay! Sounds like a plan." She said while clasping her hands and smiling like a retarded person. Ganito ba talaga kapag malapit ng ikasal?  "Stace—." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang kumaway siya sa akin. "Bye-bye cousin. See you tomorrow." At tuluyang lumabas sa kusina ng coffee shop, leaving me behind. I sighed. Tumingin ako sa relo kong pinagiwanan na ng panahon. Oh no! It's already five thirty in the afternoon. Kailangan ko na pumasok sa isa ko pang trabaho.  *** "TABLE number two Marsh. Bilisan mo at baka makita ka ni maldita." Sabi sa akin ni Janice. I'm five minutes late at agad kong sinuot ang uniporme ko at naglagay ng apron. Maldita ang tawag nila sa masungit na manager namin na parang laging menopause. Sa ilang buwan kong pagtatrabaho dito ay hindi ko man lang nakitang ngumiti ang manager ng bar kahit isang beses. And sometimes, napapansin ko iba ang tingin niya sa akin. Para bang ang laki ng kasalanan kong nagawa sa kanya where in fact wala naman akong maalala na ginawang ikakasama niya. Itinaas ko ang aking buhok at agad kinuha ang isang tray na may lamang isang bucket ng beer. I mouthed thank you to Janice. I considered her as my friend here dahil halos kami lang naman ang naguusap dito. I'm working at Topless Bar. Mabuti na lang mabait ang boss ko dito, though hindi ko pa siya nakikita at wala akong balak makita siya. Most of the employees here says that the owner of this bar is cruel and scary. Hindi naman siya monster diba? Kahit isang mali mo lang ay tatanggalin ka na agad sa trabaho. You need to act as told and accordingly. I don't know his identity, his face or even his name. For me, mabait siya. Accepting high school graduates just like me.  "Here is your order, Sir." I said placing the bucket of beer on their table. Required ang mag-English dito sa bar dahil halos foreigner ang palaging nandito. Tatlo silang lalaki na nakaupo sa sofa at may dalawang babae na halos pinagkaitan ng tela ang suot. Yung isang babae nakaupo sa lap ng lalaking may kulay pula ang buhok at yung isa naman ay naka-akbay sa isang pang babae. Napailing na lang ako dahil sanay na ako sa nakikita ko. I've been working here for three months already at nung unang araw ko dito halos bumaliktad ang sikmura ko sa nakikita ko. All people here are liberated. Nasanay na din ako sa malakas na tunog ng musika mula sa speaker. "Cash or credit card, Sir?" I said asking for the bill. May isang lalaking tumingin sa akin, eyeing me like I'm a delicious food in a platter. Oh okay. "How much for a night?" One of the guys said. Siya lang yung lalaking walang kasamang babae. He has big arms with a flabby chest. Bigla akong nakaramdam ng kaba. "P-pardon?" I said. My voice was tired. At halos bulong na lang ang nasabi ko. "Listen b***h. Don't get me angry." He said at tumayo. Lumakad palapit sa akin. I stepped backward dahil na rin sa takot na baka anong mangyari sa akin. "I—I'll get the m-manager." I said at tatalikod na sana nang hawakan niya bigla ang balikat ko. I screamed. May ibang tao ang napatingin sa gawi ko pero wala man lang may kusang loob na tumulong. "The f**k you will. You ain't leaving here 'till I get my rocks off, slut." "Yeah," sabi nung may pula ang buhok. "Me too. Slut." Their words are so offending pero alam ko sa sarili ko kung ano ba talaga ako kaya hindi ako nasaktan sa sinasabi nila sa akin. I maybe a slut to their eyes yet I know who I am. "w***e, why don't you just play with us?" Sabi nung isang lalaki and the two girls giggled. Pilit ko silang intindihin. Siguro nakainom na sila. "No, Sir. Nandito lang po ako para ibigay ang order niyo. At hinihingi ko ang bill niyo. Hindi ako bayarang babae at kung gusto niyo maghire na lang kayo ng ibang prostitu—." I stop when the big guy slapped my cheeks. Nalasahan ko ang dugo sa aking labi. "I want to f**k y—." Bago pa niya maituloy ang sasabihin niya bigla na lang siyang bumagsak sa sahig. Halos lahat ng tao sa bar ay napatigil, even the loud music. Someone just punch the big guy. Napalingon ako sakanya. He's tall and all I can see is his silhouette. "What the f**k is wrong with you man?" Sabi nung kulay pula ang buhok. "I own this bar. This will be the last time I'll see you here. Leave before I kill you." The bouncer dragged the three guys away. "Everybody, enjoy the night." His voice is so cold and holds power. Ang lalim ng boses niya at halos magtayuan ang balahibo ko dahil sakanya. I'm looking at him dahil ngayon ko lang siya makikita. The owner of this bar. Pero dahil madilim at tanging disco lights lang ang ilaw, hindi ko siya makita. "And you go back to work." And before I could even have a glance on his face agad siyang tumalikod at naglalad palayo. "Marsh! OMG ka girl! Kinausap ka ni boss. Ano nakita mo ba siya? Guwapo ba? Ishare mo naman." But I stayed rooted on my place. Habang nakahawak sa labi kong dumudugo. "Babalik na ako sa trabaho." Sabi ko at hindi pinansin si Janice. "Marshhhhh." Sabi niya habol hinahabol ako. Dumiretso muna ako sa locker na ginagamit ko dito at naglagay ng ointment sa labi kong may sugat. Pero habang naglalagay ako ay hindi pa din mawala ang mga nangyari kanina. What's wrong with me? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? 0
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD