ANASTACIA’S POV Hindi natapos sa unang araw ko sa eskwela ang naging bangayan at inisan namin ni Ravi. Either in school or in their house, we always argue! Kahit sa school ay wala akong pakialam kung may makakita man sa amin na nag-aaway. Ginagawa ko naman ang lahat para hindi matuloy ang kasal namin kaya wala na akong pakialam kung may makakita man na mainit ang dugo ko sa kanya! “Ano bang inaayawan mo kay Sir Ravi, Anya? Ikaw lang yata ang hindi naùùlol sa kanya sa school na ‘to...” Napatingin ako kay Jasmine nang bigla siyang magtanong sa akin. Sa totoo lang ay hindi ko inasahan na mas marami ang magiging kaibigan ko dito sa bago kong school kesa sa naging school ko sa Manila. Mag iisang linggo pa lang simula noong nagsimula ang klase pero sobrang dami na kaagad ng naging kaibigan ko