ANASTACIA’S POV Nag-uusisa pa si Jasmine kung bakit ko kinuhanan ng picture sina Ravi kanina sa library pero nagkibit balikat lang ako at sinabing trip ko lang na kuhanan sila ng picture dahil bagay na bagay silang dalawa! Saktong alas dose ng tanghali nang natapos ang huling klase namin sa umaga. Pero dahil nagyaya si Jasmine na sa labas na lang kami kumain ay sunod-sunod na tumango ako lalo na at wala naman akong gagawin sa bahay. “Can I just copy your assignment on Monday, Jas?” ngiting-ngiti na biro ko sa kanya habang kumakain kami ng lunch. Tumawa siya at saka tumango. “Sure! Basta kapag nahuli ka ni Sir Ravi at tinanong kung kanino ka nangopya ay ‘wag mo akong ituturo!” nanliliit ang mga matang sambit niya. Mas lalo akong ngumisi at saka tumango. Sa sobrang higpit ni Ravi sa pag