CHAPTER 4: Agreement

1996 Words
Danica Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang maya't mayang sulyapan si Dave. Magana siya kumain at parang hindi iniinda na naririto kami ngayon sa harapan niya at kumakain din. Mga stranger kami. Nagmula sa pamilya ng mga manloloko at mga manggagantso. Siguro nga ay hindi na niya ako maalala pa. Naging classmate ko siya noong first year high school. Isa siya sa mga heartthrob sa buong campus. Katulad na lang din ni Darell Delavega. Isa ring napakagwapong nilalang sa mundong ito. Pero pagtuntong ko ng second year hanggang 4rth year ay nagkahiwalay kami ng section. Kung noon ngang 1st year ay wala na akong chance sa kanya, mas lalo na noong magkahiwalay na kami ng section. Bukod doon ay may iba siyang gustong babae. Si Sheila Guinsod, na binabakuran din ni Darell Delavega. Napakaswerte ng babaeng 'yon. Dalawang naggugwapuhang mga lalaki ang nakabantay palagi sa kanya. Samantalang ako ay nakasuksok lang palagi sa sulok at pinagmamasdan lang si Dave. Hindi na ako magtataka pa kung hindi niya ako matandaan, dahil ni minsan noon ay hindi niya rin naman ako tinitigan o kahit tiningnan man lang. Pagkatapos naming maka-graduate noon ay tuluyan na rin kaming nagkahiwalay. Hindi na ako nakapagpatuloy pa sa pag-aaral dahil simula noon ay nagkasakit na si Mama ng malubha, hanggang sa kunin na siya ni Lord. Doon na rin kami nagsimulang magpalipat-lipat ng tahanan, kasama si Tiyong Kanor, Lance at Kaleb. Hanggang sa naging magulo na ang dating maayos naming buhay. Natuto akong rumaket ng mga kung ano-ano para lang kumita ng pera. Natutunan ko noong mangalakal. Manguha ng mga kangkong sa tabing ilog para ibenta. Mag-uling at kung ano-ano pang mahihirap na gawain. Naging tindera din ako sa mga bangketa ng mga damit at kung ano-ano pa. Ayos naman sa akin ang ganung pamumuhay dahil marangal, pero sa tuwing inuutusan na kami ni Tiyong Kanor sa mga masasamang gawain ay hindi namin ito matanggihan. Dahil sakit sa katawan at latay ang matatanggap lang namin mula sa kanya ni Lance. Mabuti sana kung ako lang ang sinasaktan niya. Matitiis ko 'yon, pero hindi. Mahal na mahal ko ang bunso kong kapatid at hindi ko makayang makitang pinagbubuhatan siya ng kamay ni Tiyong Kanor. Hindi rin naman namin siya magawang iwan dahil napakadali lang para kay Kaleb ang mahanap kami. Marami siyang barkada at mga galamay sa paligid namin. Kikilos pa lang ako ng kakaiba ay nakakarating na kaagad sa kanya. 'Yong nangyari kanina sa burol ay napakalaking tulong upang malaman na ng mga tao ang kahayupang ginagawa ng mga ito hindi lang sa amin, kundi ganundin sa kanila. Nakatakas din kami sa poder nila at gagawin ko ang lahat upang hindi na kami makabalik pa doon. Magmamakaawa ako kay Dave. Kahit kunin pa niya ang p********e ko ay ayos lang sa akin. Huwag niya lang kami ibalik sa mga demonyong 'yon. NATAPOS na kami sa pagkain. Halos kakaunti lang naman ang nakain ko kahit gutom na gutom ako. Pinapangunahan kasi ako ngayon ng kaba. Samantalang si Lance ay nakadalawang kanin pa sa plato niya. Nakaramdam ako ng hiya pero hinayaan din naman siya ni Dave. Hindi rin naman ito umimik sa buong oras ng pagkain. "Ligpitin niyo ang mga 'yan, pagkatapos niyo," aniya sa amin bago siya nagpunas ng mga labi niya at tumayo sa silya niya. Kaagad din siyang lumabas ng kusina at naiwan kami ni Lance dito sa mesa. "Busog na ako, Ate," bulong sa akin ni Lance. "Tulungan mo akong magligpit, ha?" "Opo." Tumayo na ako at pinagsama-sama ang mga platong pinagkainan namin. Itinuon ko sa upuan ng silya ang hita ko na may sugat ang paa. "Ako na dadala do'n, Ate." Binuhat ni Lance ang mga nakapatas nang plato. Tatlong plato lang naman ito. "Dahan-dahan, ha? Ilapag mo lang sa gilid doon sa hugasan. Ako na ang maghuhugas." "Opo." Dinala din naman niya ang mga ito patungo sa lababo. May disenyo itong kusina na parang sa bar, at nasa loob nito ang lababo at mga lutuan. Humawak ako sa mga gilid ng mesa at sa top rail ng mga silya upang makalakad ako nang hindi itinutuon ang may sugat kong paa sa sahig. Humawak din ako dito sa parang bar counter at pumasok sa loob nito. Tanging isang paa ko lang ang inilalapat ko sa sahig. "Dalhin mo rin dito 'yong mga mangkok, ha? Isa-isahin mo lang," utos kong muli kay Lance. "Opo, Ate." Inumpisahan ko nang hugasan ang mga plato habang nakasandal sa gilid nitong lababo. Isa-isa namang dinala dito ni Lance ang mga natitira pang mangkok at mga baso sa mesa. "Punasan mo rin ang mesa, bunso." "Wala akong pampunas, Ate." Luminga naman ako sa buong paligid. May nakita naman akong maliit na parang towel na nakasampay sa gilid ng ref. "Hilahin mo 'yon. Baka basahan 'yon." Itinuro ko ito kay Lance. "Opo." Kaagad din naman niya itong nilapitan at hinila. Matapos ay nagtungo siyang muli sa mesa at sinimulan niya itong punasan. Nagpatuloy naman ako sa paghuhugas ng mga plato. Luminga din ako sa buong paligid at hinanap ang mga lalagyanan ng mga ito. Maraming cabinet dito sa taas at mayroon din dito sa baba. Tumanaw ako sa labas ng pinto nitong kusina, ngunit hindi ko makita si Dave. Sino kaya ang kasama niyang nakatira sa bahay na ito? Parang wala akong nakikitang ibang tao dito. Hindi kaya mag-isa lang siya? Sobrang laki naman nito para sa kanya. May second floor pa. Nakakatakot. Paano na lang kung dito pala may totoong multo? Nasaan kaya ang ina niya? Hindi naman malinaw sa sinabi niya kanina kung yumao na ba o umalis lang ang ina niya at iniwanan lang siya ng isang kwintas. Ano naman kayang klaseng kwintas 'yon? "Ate, tapos na po." Muli nang lumapit sa akin si Lance bitbit ang basahan. "Ilapag mo lang dyan ang basahan. Maupo ka na lang muna dyan. Hintayin mo si Ate." "Tulong kita magbanlaw, ate." "Huwag na, kaya ko na 'to." Tinapos ko na ang paghuhugas ng mga plato. Kakaunti lang din naman ang mga ito. Binuksan ko ang mga cabinet sa taas. May nakita ako ditong maayos na nakasalansan na mga plato at mangkok. Dito siguro ang mga ito nakalagay. May mga tissue din akong nahagip sa ilan pang cabinet. Iika-ika akong naglakad palapit doon at kumuha ako ng isa. Pinunasan ko ang mga plato gamit ito upang mawala ang mga basa bago ko sila inilagay sa mga cabinet. Ilang minuto ang ginugol ko dito bago ako natapos. Bigla naman akong napahinto nang matanaw ko si Dave sa pinto at pinagmamasdan pala ang ginagawa ko! Nakasandal ito sa hamba nito at naaktuhan ko ang pagtitig niya sa mga hita kong nakalitaw. Ngunit kaagad din itong nagbawi ng tingin. "Hindi pa ba tapos?" "Aah, t-tapos na." Pinunasan ko na lang ang ibabaw ng lababo bago ako naglakad paalis doon. Humawak ako sa mga gilid ng lababo at dito sa parang bar niya. Ramdam ko naman ang pagtitig niya pa rin sa akin. Lumapit sa akin si Lance at inalalayan ako. "Kaya ko na, bunso." "Lance, go up to the second floor. May pinto sa right side. Alam mo ba kung alin ang right?" ani Dave sa kanya. "Opo." "Pag-akyat mo dyan sa hagdan, maglakad ka patungo sa right side. The first door, doon ka matutulog. Umakyat ka na sa taas." "Ah D-Dave, k-kahit dito na lang kami sa baba. Pwede naman kami sa sahig. Sanay naman kami sa sahig." "Paano kung takasan niyo ako? I don't trust you." Natahimik naman akong bigla sa sinabi niya. "H-Hindi naman kami aalis. Wala pa kaming mapupuntahan. Wala din kaming pera." "Pwede niyo rin kasi akong pagnakawan para magkaroon kayo ng pera." Parang tinusok ng libo-libong karayom ang puso ko sa sinabi niya. "Hindi naman kami ganyang tao. Napilitan lang kaming sumunod ni Lance sa mga inuutos ni Tiyong Kanor dahil sasaktan nila kami. Sasaktan nila ang kapatid ko. Wala kaming magawa." "I still don't trust you. I'm letting you stay here now because I know your family will look for you. At ibibigay ko lang kayo sa kanila kapag naibigay na rin nila ang kinuha nila sa akin." Tumulo na ang mga luha ko sa pisngi habang nakatitig sa kanya. "Nakikiusap na ako sa iyo. Luluhod ako sa harapan mo pagbigyan mo lang kami. Kung sakaling maibalik na ni Kaleb ang kwintas mo, pakiusap huwag mo na kaming ibalik sa kanila. Matagal na akong gumagawa ng paraan para takasan sila. Pero maraming tropa si Kaleb na nagbabantay sa amin. Hindi na namin kaya pang bumalik sa kanila. Hindi na namin kaya pa ang mga ipinapagawa nila sa amin." "How can you prove to me that you are telling the truth? That you can really be trusted?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, dahil hindi ko rin alam. "K-Kahit dalhin mo na lang kami sa malayong probinsya. Huwag lang sa kanila. O-Oh kaya, lilinisin namin ni Lance itong bahay mo. Ipaglalaba kita, ipagluluto kita. Pwede mo kaming utusan nang kahit na ano. Sanay naman kami sa mga gawaing-bahay--" "Are you still a virgin?" Kamuntik na akong mawalan ng balanse sa tanong niya. Bigla na lamang kumabog ng malakas ang dibdib ko. "A-Ano?" Napalunok ako. "Lance, umakyat ka na sa taas ngayon na," muli niyang utos kay Lance nang hindi napupuknat ang pagkakatitig sa akin. Si Lance naman ay hindi umalis sa tabi ko, at tila hinihintay din ang sasabihin ko. Niyuko ko siya at nakikita ko ang takot sa mga mata niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Mas kumportable kayong makakatulog sa taas. Walang ibang tao dito kundi tayong tatlo lang." Muli akong napatunghay kay Dave, bago ko muling niyuko si Lance. "Sige na, Lance. Umakyat ka na muna." "P-Paano ka, Ate?" "Okay lang ako dito. Mag-uusap lang kami. Aakyat din ako sa taas. Sige na. Susunod ako." "Opo." Bumitaw na rin siya sa akin at naglakad patungo sa pinto kung saan naroroon si Dave. "Nasa right side. First door," muling turan sa kanya ni Dave sa mahinahon na tinig. "Opo." Tuloy-tuloy naman nang lumabas si Lance ng kusina hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Mas lalo naman akong kinabahan nang magsimula nang maglakad palapit sa akin si Dave. Hanggang sa huminto siya sa mismong harapan ko. Napatingala na ako sa kanya dahil sa tangkad niya. "So, answer my question. Are you still a virgin?" "Y-Yes... W-Wala pa akong nagiging boyfriend o pinagbibigyan ng sarili ko." Napayuko ako dahil sa paraan nang pagtitig niya sa akin. Nag-uumpisa na namang lumibot ang mga mata niya sa kabuuan ko. "Good then..." Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang lumapat bigla ang isa niyang daliri sa baba ko at dahan-dahang iniangat ang mukha ko, hanggang sa magsalubong muli ang aming mga mata. "Can you give everything to me? Can you follow all my orders, kapalit ang maginhawang buhay niyong magkapatid dito sa poder ko..." Napaawang mga labi ko sa sinabi niya. "I won't send you back to them if that's what you want. But ... there's a price for all of this. Wala ng libre sa panahon ngayon. Malaya kayong makakakilos sa pamamahay na ito. I'll buy you clothes and anything. And you can eat three times a day or even every hour. I'll also give you money." "A-Anong kapalit?" "Sarili mo sa akin..." Unti-unting bumaba ang mukha niya sa mukha ko, hanggang sa halos isang inches na lamang ang pagitan naming dalawa. Para nang binabayo ang dibdib ko sa mga sandaling ito dahil sa lakas ng kabog nito. "Pati na rin ang lahat ng mga iuutos ko sa iyo na may kinalaman sa pamilyang dahilan nang pagkasira ng buhay namin ng Mommy ko." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? "A-Anong gagawin ko?" "Be the girl of them all." "A-Ano?" Napatulala akong bigla sa sinabi niya. Kahit hindi pa niya naipapaliwanag sa akin ang ibig sabihin niyon, ay parang naiintindihan ko na. Pakiramdam ko ay pinira-piraso ang buong pagkatao ko sa mga sandaling ito. Bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD