CHAPTER 3: p*****t in Another Way

2909 Words
Danica Malamang dahil sa pagod at puyat ng kapatid ko ay kaagad siyang nakatulog sa kandungan ko. Ikinawang ko na lamang ang pinto ng compartment upang magkaroon kami ng munting liwanag at hangin dito sa loob. Sa haba ng aming binyahe ay nakaramdam din ako ng antok hanggang sa ako ay tuluyan na ring makatulog. *** NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang malakas na tila pagbagsak ng pinto at pag-ugoy ng kotseng kinalululanan namin ni Lance. Napaayos ako nang pagkakaupo at pinakiramdaman ang paligid. Marahan kong inugoy si Lance upang magising ito. "A-Ate..." "Sssshhh..." Kaagad kong tinakpan ang kanyang bibig. Sumilip ako sa labas mula sa maliit na siwang nang nakabukas na compartment. Madilim pa rin sa labas ngunit naaaninag ko naman ang paligid. Nakita ko ang nakasaradong gate at matataas na bakod. May mga halaman din ang nakapalibot sa bawat gilid nito. Sa kakalinga ko sa labas ay napansin kong lumaki ang pagkakabukas ng pinto ng compartment at isang katawan ang biglang humarang sa pinagmamasdan ko. "AAAHHH! f**k!" "Aaahh!" "Ateee!!" Sabay kaming napasigaw at nagulat ni Lance dahil sa malakas ding sigaw ni Dave habang nakatunghay sa amin dito sa loob ng kotse niya. Bakas ang matinding takot sa hitsura niya. "f**k! Goddammit! What the hell are you doing there?! Get the f**k out of my car now!" "P-Pasensiya na. Lance, halika na." Bigla akong nataranta kaya't kaagad kong inalalayan si Lance na makatayo upang makalabas kaagad kami ng compartment. "Hanggang dito ba naman inaabot ako ng kamalasan?" "P-Pasensiya na...w-wala lang kaming mapuntahan ng kapatid ko." "Nakikita mo ba 'yang hitsura mo? Hindi ba't ikaw 'yong patay do'n? You're damn fooling people!" "H-Hindi ko naman gusto 'yon. Sasaktan nila kami ng kapatid ko kapag hindi kami sumunod." Niyakap ko si Lance ng mahigpit na ngayon ay umiiyak na rin na tulad ko. Napahinto naman si Dave at ramdam ko ang paggapang ng paningin niya sa hitsura namin ni Lance. "Hindi ba't kapatid mo rin 'yong magnanakaw na 'yon?" Marahil ang tinutukoy niya ay si Kaleb. "Hindi ko siya kapatid. Kapatid siya ni Lance kay tiyo Kanor. Si Lance naman ay kapatid ko sa ina." "I don't f*****g care. Your bullshit brother stole my necklace, na iniwan pa sa akin ng mahal kong ina. Kailangang maibalik sa akin ang k'wintas kong 'yon!" "H-Hindi ko rin alam ang sinasabi mong k'wintas. Wala akong alam do'n." "Get out right now! Get out!" Kaagad niyang hinawakan ang braso ko at kinaladkad kami ni Lance patungo sa gate. "A-Aray!" napadaing naman ako nang makaramdam ako ng kakaibang sakit sa hinawakan niyang braso ko. Nakita kong ang malaki kong pasa sa braso ang nahawakan niya. Mabilis naman niyang binitawan ang braso ko ngunit sinipat niya ito ng maigi. "H-Hindi mo naman kami kailangang kaladkarin. Aalis kami ng kapatid ko. P-Pasensya na sa abala. Kailangan lang talaga naming makaalis doon." Kaagad kong pinalis ang luha na pumatak sa pisngi ko bago ko inalalayan si Lance patungo sa gate. Wala na kaming narinig na sagot mula sa kanya hanggang sa mabuksan ko na ang gate nila. Kaagad din kaming lumabas. Nilingon ko siya na hanggang ngayon ay madilim pa rin ang mukha at nakatitig pa rin sa amin ng mariin. "S-Salamat. P-Pasensiya na ulit." Muli ko nang inakay si Lance paalis sa lugar niya. "And where do you think you're going?" Ngunit kaagad din kaming napahinto sa tanong niyang iyon. Muli akong lumingon sa kanya, na ngayon ay nakatayo na sa tabi ng gate. "H-Hindi ko pa alam. K-Kahit saan." Napayuko ako at hindi magawang salubungin ang mga titig niya. Siguradong hindi na niya ako natatandaan ngayon. "Mga artista kayo, 'di ba? Hindi kaya inaartehan niyo lang ako? Is this also one of your modus operandi?" Muli akong napatunghay at napatitig sa kanya. Nasaktan ako sa pambibintang niya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Aalis na kami. Pangako, hinding hindi na kami manggugulo pa sa 'yo." Muli ko nang inakay si Lance patalikod at nagsimula na kaming humakbang. "Come back here." Ngunit muli rin lang kaming napahinto sa sinabi niya at napalingon muli sa kanya. "A-Ano?" "I said, come back here. You have nowhere to go, right? Siguro naman ay importante kayong makuha ng mga hayop niyong kaanak at makukuha lang nila kayo kung ibabalik sa akin ng hayop na kapatid niyo ang k'wintas ko." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi kami nakagalaw ni Lance nang mag-umpisa na siyang maglakad palapit sa amin. "Pasok sa loob. Hindi kayo makakalabas sa pamamahay ko hangga't hindi niya ibinabalik ang k'wintas ng Mama ko." Itinulak niya kami ni Lance pabalik muli sa gate hanggang sa tuluyan na kaming makapasok muli sa loob. Kaagad na tumambad sa amin ang napakaganda at napakalaki niyang bahay, na sa social media ko lamang nakikita noon. Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang pagsasara niya at pagkandado niya sa gate. "Come inside. We need to talk." Seryoso at may diin ang bawat salita niya kaya't wala kaming nagawa ni Lance kundi ang sumunod sa kanya. Wala rin naman kaming mapupuntahan kaya't siguro ay magiging sunod-sunuran na muna kami sa ngayon sa kanya. *** "Maglinis kayo do'n. Isuot niyo 'yan." Napapitlag ako nang ihagis niya sa mukha ko ang ilang piraso ng mga damit matapos niyang manggaling sa second-floor ng bahay niya. "There. Faster. I'll wait here." Itinuro niya ang isang pinto sa kanang bahagi ng bahay niya. "O-Oo, s-sandali. Lance, halika na." Kaagad kong hinila ang kapatid ko patungo doon. Kaagad kaming pumasok sa pinto at isang malawak at marangyang banyo ang sumalubong sa amin. "Ang ganda, Ate! Ang ganda talaga dito!" humahangang sigaw naman ng kapatid ko. "Oo, maganda pero hindi ito sa atin. Aalis din tayo dito. Sige na, maglinis ka na ng katawan mo doon sa gripo. Maghihilamos lang ako." "Opo!" Mabilis siyang tumalima. Eight years old na siya at marunong naman na siyang mag-asikaso ng sarili niya. Kaagad akong nagtungo sa lababo at hinilamusan ang mukha kong napupuno pa ng makeup. Sino ba naman ang hindi matatakot sa akin? Bukod sa puting dress na suot ko na parang sa patay ay may makeup din ako sa mukha na animo'y sa patay din talaga. Kaya naman mapagkakamalan talaga akong patay o multo sa gabi. Tsk. Matapos na maglinis ng katawan si Lance ay kaagad kong ipinasuot sa kanya ang isang malaking puting t-shirt. Hindi kaya kay Dave ito? "Ate, ito na lang ulit 'yong brief ko. Malinis pa naman 'to." "Sige. Hintayin mo ako d'yan sa pinto, ha. Huwag kang lalabas hangga't hindi ako natatapos." "Opo." Kaagad din naman siyang sumunod. Napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin habang hinuhubad ko na ang suot kong dress. Natatakot lang akong palabasin siya dahil baka kung ano ang gawin sa kanya ni Dave sa labas. Mabilis na akong naligo sa loob ng shower room, ngunit napansin kong may sumasamang dugo sa tubig at may nararamdaman akong kirot sa kanan kong paa. Itinaas ko ito at sinilip ang talampakan ko. Nakita ko naman ang isang hiwa sa gilid nito. Bigla kong naalala sa pagtakbo namin kanina sa iskinita ay may matalas na bagay akong natapakan. s**t. Nasugatan pa 'ko. Minadali ko na rin ang paliligo ko at isinuot din ang isang puting t-shirt na kapareho ang laki ng suot ni Lance. Ngunit napahinto ako nang mapansin ko ang kasama nitong itim na boxer. Ha? Boxer shorts? Para sa akin kaya 'to? Ako ba ang magsusuot nito? Sandali akong napatitig dito. Kunsabagay, ilang araw na rin akong hindi nakakapagpalit ng damit at ng underwear nang dahil sa letseng kabaong na 'yon! Kaagad ko na lang din itong isinuot. Suot pa rin naman ni Lance ang brief niya. Umabot ang haba ng t-shirt kong suot hanggang sa hating-hita ko dahil hindi naman ako matangkad. Samantalang ang suot ni Lance ay lumampas sa ibaba ng tuhod niya dahil maliit pa lang naman siya. Inayos ko at inilugay ang mahaba kong buhok na sandali kong pinatuyo sa nakita kong tuwalya na naka-hanger sa gilid ng salamin. Sa wakas ay naging presko na ulit ang pakiramdam ko. Pinagsama-sama ko ang mga hinubad naming damit ni Lance at inilapag sa gilid ng sink. Ngunit kamuntik na akong mapatalon sa gulat nang sunod-sunod na katok sa pinto ang aming narinig! Gusto pa yatang sirain ang pinto! "Aren't you done yet?!" Narinig namin ang tinig ni Dave mula sa labas. "N-Nandyan na! L-Lance, halika na." Kaagad ko nang nilapitan ang kapatid ko at mabilis na binuksan ang pinto. Tumambad naman sa amin ang madilim na anyo ni Dave. "What took you so long?" galit na galit niyang tanong ngunit napansin ko rin ang paghinto niya at paggapang ng mga mata niya sa kabuuan ko. "Ah, p-pasensiya na. N-Naligo na ako. M-Matagal na kasi akong hindi naliligo." Napayuko ako dahil sa sobrang kahihiyan. Pa-simple kong inipit ang braso ko sa dibdib ko dahil wala akong suot na bra at babakat sa suot kong t-shirt ang mga u***g ko. Lalabhan ko na lang mamaya ang mga hinubad naming damit para may maisuot ulit kami bukas ni Lance. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtighim na tila nasamid. "D-Do you see the floor? There are f*****g blood stains." Itinuro niya sa amin ang sahig mula sa main door nitong bahay niya. Natanaw ko nga ang mga bahid ng dugo na gumapang hanggang dito sa banyo. "Linisin niyo muna 'yan. Sino ang may sugat sa inyo?" Muling bumaba ang paningin niya sa mga hita ko, ganun din sa mga binti ni Lance. "Y-Yong paa ko may sugat. Nakatapak ako kanina ng matalas. Hindi ko alam kung ano. Pasensiya na." Yumuko ako sa harapan niya. "L-Lilinisin ko na lang po," kaagad namang alok ni Lance. Umalis si Dave at pumasok sa isang pinto. May natanaw naman akong table sa loob at bahagi ng lababo. Mukhang 'yon ang kusina niya. Kaagad din siyang lumabas na may dala ng mop at first aid kit. "Marunong ka bang gumamit nito?" tanong niya kay Lance patungkol sa mop na hawak niya. "Opo." Kaagad din niya itong ibinigay kay Lance na kaagad din namang tinanggap ng kapatid ko. Sinimulan na niya itong ikuskos sa sahig. Lumapit namang muli sa akin si Dave at iniabot ang first aid kit bag. "Go to the sofa without touching the floor with your injured foot. And treat it." Ha? Paano naman ako makakalakad no'n? Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Siya naman ay tumalikod na. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay muli siyang lumingon sa akin. "What are you still doing there? Your blood is dripping again!" Muli akong napayuko sa paa ko dahil sa sinabi niya, at nakita kong may umaagos na naman ngang mga dugo sa sahig mula sa sugat ko! Muli ko na pating nararamdaman ngayon ang kirot nito. "Shit." Muli siyang bumalik sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong binuhat. "K-Kaya ko na, Dave. M-Maglalakad na lang ako." Tinangka kong bumabang muli mula sa kanya. "Don't f*****g move. I'll drop you!" Ngunit napahinto ako sa sinabi niya at nakaramdam ng takot. Nahihiya ako sa pagkakalapit naming dalawa. Napakatitigas at lalakas ng mga braso niya, na minsan ko nang pinangarap na maramdaman noon sa kanya. Ramdam ko rin ang matigas niya ring dibdib. Yumuko ako at hindi nakayanang tumitig sa kanya. Mainit ang katawan niya at nalalanghap ko ang gamit niyang napakabangong cologne. Parang kaysarap niyang singhutin. Dinala niya ako sa malapad niyang sofa dito sa sala. Basta na lamang niya akong ibinaba. "Clean your wound right now because I don't want dirt in my house... We'll talk after that." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Muli na siyang tumalikod at nagtungong muli sa kusina. Pinagmasdan ko naman ang ginagawang pagma-mop ni Lance sa sahig. "Lance, dito pa. Sairin mo, bunso, ha. Kaya mo ba?" "Opo, ate." "Ibigay mo na lang sa kanya 'yan sa kusina pagkatapos mo." "Opo." Ipinagpatuloy niya ang pagma-mop hanggang sa main door nitong bahay. Hindi naman kalakihan ang mop kaya pansin ko naman na kaya niya. Itinaas ko na ang kanan kong paa at ipinatong sa isa kong hita. Naglalabasan ang mga dugo sa sugat ko. Medyo nakabuka ang hiwa nito. Sana lang ay hindi ako ma-tetanus. Binuksan ko na rin kaagad ang first aid kit bag at inuna nang ilabas ang bulak. Kaagad kong pinunasan ang mga umaagos na dugo sa palibot nito. Inulit-ulit ko ito hanggang sa masaid. Binulatlat kong muli ang laman ng kit. May nakita ako ditong bandage, gauze, pain killers, antibiotic cream, gunting at kung ano-ano pa. Inilabas ko ang bandage at kumuha ng kapiraso. Itinupi ko ito at idiniin sa sugat kong patuloy pa rin sa pagdurugo. Tiniis ko ang matinding kirot nito. Hinayaan ko lang itong nakadiin dito ng ilang sandali. May naririnig akong ingay ng tila mga plato at kaldero mula sa kusina. May nalalanghap na rin akong mabangong amoy na siyang nagpakulo bigla sa sikmura ko. Nakaramdam akong bigla ng gutom. "Ate, tapos na 'ko." Lumapit sa akin si Lance habang hila-hila ang mop. "Dalhin mo na lang 'yan sa loob ng banyo. Ilagay mo lang sa isang sulok. Ako na ang magbabanlaw niyan mamaya." "Opo." Kaagad siyang nagtungo sa banyo habang hila-hila ang mop. Sinipat ko ang sahig na nilinis niya. Nasaid naman niya ang mga bahid ng dugo doon. Muli rin siyang bumalik at naupo sa tabi ko. "Nagugutom na 'ko, ate," bulong niya sa akin. Mukhang nalanghap niya rin ang mabangong ulam na parang niluluto ni Dave sa kusina. "Hindi ko alam kung pakakainin niya tayo pero makikiusap ako kahit ikaw na lang." Hindi naman siya sumagot sa tabi ko. Sinubukan kong alisin ang gasang idiniin ko sa sugat ko. Matapos ay pinagmasdan ko ito ng ilang segundo. Nakahinga ako ng maluwag nang huminto na ito sa pagdurugo. Kinuha ko ang antibiotic cream na nakita ko rin dito sa loob ng bag. Binuksan ko ito at nilagyan nito ang sugat ko. Hindi naman ito mahapdi pero medyo warmth ito at maginhawa sa sugat. Muli akong naglabas ng bandage at ibinalot pabilog sa paa ko ng ilang ulit hanggang sa matakpan na ang sugat ko. Nabawasan na ang kirot nito ngayon. Ibinalik ko nang muli ang mga ginamit ko sa loob ng maliit na kit. Napalingon naman kami kay Dave nang muli na itong lumabas ng kusina. Wala na siya ngayong suot na necktie. Nakatupi na hanggang siko niya ang mga manggas ng long sleeve niyang puti. At bukaskas na rin ang ilang butones nito sa dibdib. Mas lalo pa yata siyang gumwapo ngayon kaysa noon. Ngunit kaagad din akong nag-iwas ng tingin nang mapansin ko ang pagtitig niya sa akin habang papalapit sa amin. "The food is ready on the table. Come on. Mauna ka na doon, boy. Ano nga ulit ang pangalan mo?" "L-Lance po," mahinang sagot naman sa kanya ni Lance. Ramdam ko ang takot sa himig niya at anyo niya. "Lance. Mauna ka na sa mesa." Tinangka ako muling buhatin ni Dave. "K-Kaya ko na, Dave. Wala naman nang--" "Your wound will bleed again when you press your foot on the floor," mabilis naman niyang sagot sa akin. Kaagad na rin niya akong binuhat at hindi na ako nakaangal pa. "Ang gaan mo. Para kang walang laman. Kumakain ka pa ba?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Muli akong yumuko upang maiwasan ko ang pagkakalapit ng aming mga mukha. Eh, paano ba naman kami tataba ni Lance? Kulang na kulang talaga kami sa pagkain. Maka-raket man ako, kinukuha din naman itong lahat ni tiyo Kanor at tiya Perla. Nagsimula na rin siyang maglakad at nagtungo kami sa kusina. Bakit ba kaysarap sa pakiramdam habang buhat niya ako at nakakulong ako sa maiinit niyang mga braso? Ngunit kaagad kong ipinilig ang ulo ko at kinalimutan ang nararamdaman ko. Hindi ito ang tamang panahon para dyan. Pumasok kami sa loob ng isang dining room. May mga nakahayin ng mga pagkain sa pahabang mesa na kay babango, kaya naman mas lalo pang kumulo ang sikmura ko sa labis na gutom. Isang linggo na rin akong walang maayos na pagkain dahil sa pagkakakulong ko sa loob ng kabaong. Si Lance naman ay naabutan naming nakatayo lang sa tabi ng isang silya at pinagmamasdan ang mga pagkain. Ramdam ko na rin ang gutom sa kanya. "Bakit hindi ka pa umuupo? Ayaw mo ba ng pagkain?" masungit na tanong sa kanya ni Dave habang ibinababa na niya ako sa isang silya. "G-Gusto po," sagot naman ni Lance. "Sit down now." Hinila rin ni Dave ang isang silya sa tabi ko at doon mabilis na umupo si Lance. Nagtataka lang ako dahil parang naging mabait kaagad siya sa amin ngayon. "Eat now, but that doesn't mean they're free. Magbabayad pa rin kayo sa akin. Wala nang libre ngayon." Napahinto ako sa sinabi niya. Humila na rin siya ng isang silya sa tapat namin at doon naupo. "Ahm, w-wala akong perang pambayad, Dave. K-Kahit 'yong kapatid ko na lang ang pakainin mo--" "I didn't say money." "Ha?" Natigilan akong muli sa sinabi niya. "A-Anong--?" "You will pay me in another way," aniya habang nakatitig sa akin ng taimtim. Biglang sumibol ang kaba sa dibdib ko. Ano naman kayang kabayaran 'yon? Hindi kaya ang virginity ko? Wala naman akong ibang maisip na pwedeng ipambayad namin sa kanya. Alam naman niyang pulubi lang kami. Pero pwede na rin kung talagang gusto niya. Matagal ko na rin naman itong pinangarap noon sa kanya. Matagal ko na siyang gusto, elementary pa lang kami. Kailangan ko na yatang maghanda!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD