CHAPTER 12

1289 Words
Helena “MOM, mamaya mo na lang interview-in si Helena, mabuti pa at magpahinga ka na, dahil alam kong may jet lag ka pa at pagod sa byahe, kaya magpahinga ka na muna,” saad ni Brian kaya nakahinga ako nang maluwag, wala kasi kaming napag-usapan ni Bria, tungkol sa pagpapanggap namin. Hindi naman kasi namin akalain na darating ang ina nito. Pero hindi ko ikakahiya kung anuman ang naging buhay ko at kung high school lang natapos ko at isa lamang akong katulong dahil marangal naman ang trabaho ko. “Bueno, bukas ay mag uusap ulit tayong tatlo. Gusto ko lang makilala ng lubos ang mamanugangin ko at ano ang buhay-buhay nito. Hindi naman masama hindi ba? right Helena?” tanong naman nito sa akin kaya ngumiti ako rito bago tumango. “Wala pong problema, gusto ko rin po kayong makilala ng lubos, Senyora.” Sagot ko naman dito kaya napangiti ito, ngiti ba or ngiwi ang ginawa nito. Nawala ang kaba ko rito, anupa't lumaki ako na palaban kung sa mommy lang ni Brian ay titiklop lang ako. Mabait akong tao, kung mabait din ang tatrato nila sa akin. Ngunit kaya ko namang lumaban kung kinakailangan lalo na kong alam kung tama ako. Nakahinga ako nang maluwag ng akayin na ito ni Brian sa itaas para siguro ihatid ito sa silid nito. “Maiwan na muna namin ikaw, sweetheart, pagpapahingahin ko lang si mommy sa taas at susunod na lang ako sayo. Dahil may pag uusapan tayo,” Sabi naman ni Brian at walang babala niya akong hinalikan sa harap ng mommy nito na ikinatigil ko. Napatingin naman ako sa ina ni Brian at kitang kita ko ang pag-ngiwi at pagtaas ng kilay nito. Yumuko na lamang ako para iwasan ang mapanuring tingin ni Donya Belina sa akin. INILALAGAY ko ang mga kutsara at plato sa mesa dahil mamaya ay maghahapunan na hindi na bumaba si Brian, matapos niyang ihatid ang ina nito sa taas. Kaya para may magawa ako ay tumulong na lang ako sa mga gawaing bahay na hindi pa nagagawa ni Manang Milba. Habang inaabot ko ang mga baso ay narinig ko ang boses ni Donya Belina sa aking likuran. Tiningnan ko ito at napayuko ng makita ko itong may panlalait na tingin sa akin. “Marami ang wala sa ref at lahat ng wala ay iyong mga gusto kong kainin. Kaya gusto kong mag grocery ka ngayon. Kaya mo bang pumunta sa supermarket mag-isa?” tanong nito na parang nanunuya. “Opo, tita!” sagot ko naman dito. “Don't call me tita! Call me, Senyora, kapag wala sa paligid ang anak ko, maliwanag,” “Siguro hindi ka naman manhid kaya alam mong ayaw ko sayo at ayaw kung ikaw ang mapapangasawa ulit ng anak ko. Wala akong ibang gustong maging manugang kundi ang namayapa na nitong asawa.” Mataray saad ng mommy ni Brian. Kaya napatanga ako at napatingin dito. “M-May naging asawa na po si Brian?” “Tssh! Anong klase kang kasintahan, nobyo mo, pero hindi mo alam na naikasal na ito sa iba?” nakataas kilay na tanong nito sa akin kaya umiling ako. Totoo naman na hindi ko alam na ikinasal na dati si Brian, lalo na at hindi naman talaga kami totoong magkasintahan ng anak nito. “Bueno, kung gusto mong magkasundo tayo, lahat ay gagawin mo at lahat ng gusto ko ay susundin mo ng walang reklamo. Ganyan din naman ang nangyari noon sa una niyang asawa, kahit laki sa yaman si Cristina, wala akong narinig na reklamo mula rito sa tuwing inuutusan ko siya, understand? kaya sana ay ganoo karin.” Para wala na lang gulo ay sumang ayon ako sa kagustuhan nito. “Hala sige, umalis ka na ng makabalik ka rito ng mabilis,” sabi pa nito at tumalikod na upang umakyat sa taas. Sabagay sanay naman akong mamili kaibahan nga lang ay sa palengke lang ako nabili ng mga ito. Kaya kahit hapon na ay sinunod ko pa rin ang inuutos sa akin ng mommy ni Brian, pero kailangan kong magmadali at baka hanapin ako ni Brian ayaw pa naman niyon nawawala ako sa paningin nito. Brian “TATAPATIN na kita son, hindi ko gusto ang napili mong ipalit kay Cristina, ang layo nila sa isa't isa. Paano mo na atim na palitan siya gayong mahal na mahal n'yo ang isa't isa?” palatak ni mommy ng makarating kami sa silid nito. “Mom, matagal ng patay si Cristina at saka hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa namayapa kong asawa. Pero karapatan ko naman sigurong magmahal muli at pumili ulit ng makakasama sa buhay at si Helena iyon.” Seryoso kung sagot sa sinabi nito. “But son, kung papalitan mo naman pala sa puso mo si Cristina bakit hindi na lang si Alicia, iho. Maganda na matalino pa at higit sa lahat may sinabi sa buhay. But that woman ay malayo sa mga babaeng nararapat sa iyo. Kilala kang tao at nasa alta syudad tayo nabibilang ’wag naman ang tulad ng babaeng iyon ang muli mong mahalin at pakasalan.” “But mom I love Helena, unang kita ko palang dito ay gusto ko na siya. Saka mom, iba si Cristina at iba si Helena, but the good heart of that woman is the same to my wife. Kaya nga siya ang napili kong mahalin at pakasalan.” Seryoso kong sagot dito. “But son, Alicia is better than that woman. Kaya son, makinig ka sa akin, papayagan kitang magpakasal muli, pero si Alicia ang gusto kung pakasalanan mo.” Maawtoridad nitong wika. Pero umiling ako at saka ginagap ko ang kamay ni mommy. Naiinis ako kay mommy kaya napabuntong hinga ako dahil sa prostration. Magsisimula naman itong diktahan ang buhay ko at lalo na sa babaeng gusto kong maging kasintahan. Kaya hindi ako masising pagpanggapin si Helena na kasintahan ko, dahil alam kung mangyayari na naman ang ganitong sitwasyon. Hinayaan ko na ngang diktahan ako nito noon para pakasalan si Cristina at kahit hindi ko naman talaga ito mahal noon. Pero dahil ang laki ng pagmamahal ko kay mommy kaya ayaw kung pasamain ang loob nito. Kaya kahit labag noon sa loob ko ay napilitan akong pakasalan si Cristina. Mabuti na nga lang ng lumipas ang panahon ay natutunan kong mahalin si Cristina. Kaya kahit arrange marriage lang ang naganap sa amin ng namayapa kong asawa ay hindi ko iyon pinagsisihan. Pero gusto ko naman ngayong maging malaya na ako at ako ang magdedesisyon sa buhay ko na walang magdidikta sa gusto kong mahalin at pakasalan. Na walang hahadlang sa buhay ko at buhay pag-ibig ko. Dahil habang tumatagal ay nakakaramdam na ako na minamahal ko na si Helena. Kaya sa ayaw at sa gusto ng mga nakapaligid sa akin ay gagawin ko ang lahat para wala nang hahadlang sa mga plano ko para kay Helena. “Mom, napagbigyan ko na kayo sa amin ni Cristina noon. Kaya ako naman ang pagbigyan mo ngayon, kilalanin mo ng maigi si Helena at tiyak na magugustuhan mo siya kung paano ko siya sobrang nagustuhan. Huwag mo ng ipilit sa akin si Alicia dahil kaibigan lang ang turing ko roon at nanahimik na ang tao sa Paris at friends na lang kami nito. But Helena is a good person at siya na ang tinitibok ng puso ko na matagal ng namatay mula ng mawala si Cristina, pero ng dumating sa buhay ko si Helena, ay muli itong tumibok. Ayaw mo naman siguro mom, na bumalik ako sa dati ng mamatay si Cristina, right mom!” Nakangiting pagpapaliwanag ko sa isipan nito. Kaya napabuntong hinga ito at saka ngumiti ng pilit at tumango sa akin, saka naman ako nakahinga ng maluwag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD