Chapter 14

1660 Words
Brian NANDITO kami sa restaurant kasama ko sina mommy at Helena para mag dinner, treat ko sa kanila dahil medyo nakikita kong may pag-asang magkasundo na ang dalawa. O-order na sana ako ng pagkain para sa amin nang dumating si Alicia, nagtaka ako kung bakit nasa Pilipinas na ito, dahil huling paalam nito sa akin ay sa Hongkong na raw ito titira at doon na lang nito kakalimutan ang nasawi nitong damdamin para sa akin. Dahil tanggap na raw nitong hindi kami para sa isa't isa ng maikasal ako kay Cristina noon. Pero bakit ngayon ay nandito na ulit ito? Akala ko ay hindi kami ang lalapitan nito. Pero nang tumayo si mommy at kinawayan nito si Alicia ay naintindihan ko na kung bakit ito bumalik. Siguro si mommy ang nagsabi rito na umuwi na ito sa Pilipinas. “Over here, honey come. Kumusta kana? Kailan ka pa bumalik?” tanong ni mommy at manghang yumakap ito kay Alicia kaya naisip ko na mali na si mommy ang nagsabi na umuwi ito, baka nagkataon lang na umuwi rin si Alicia ng umuwi si mommy. “Hi, tita! Kumusta rin po kayo! Kaninang madaling araw lang po ako bumalik.” Sagot naman ng huli at bumeso-beso ito kaya mommy. Pagkatapos ay bumaling ito sa akin at mahigpit niya akong niyakap. Niyakap ko naman ito pabalik dahil magkaibigan pa rin naman kami kahit papaano. “Nice to see you again Ali, kumusta?” sabi ko naman at pinilit kong inaalis ang pagkakayakap nito sa akin. Nakita ko si Helena na medyo masama ang timplada ang mukha nito. Pero saglit lang at maya lang ay ngumiti ito nang bumaling ang tingin ni Alicia dito. “Who's that girl!?” saad nito sabay turo nito kay Helena na naiilang sa klase ng tinging iginawad ni Alicia dito. Para mawala ang tensyon ay ipinakilala ko si Helena kay Ali bilang asawa ko, ngunit sumabat naman si mommy. “Hindi pa siya asawa ni Brian iha, dahil hindi pa rin naman nila na uumpisahan ang magpakasal.” May diin na sabi ni mommy kaya sinaway ko ito. “Oh, hindi pa naman pala asawa, fiance pa lang, marami pang pwedeng mangyari.” Maarteng saad ni Alicia. “Ali, don't be rude with my fiance,” babala ko rito ngunit tumawa lamang ito. “I just kidding, ito naman ’di na kayo mabiro.” Pagak na tawa nito kaya nakitawa rin si mommy. “Oo nga naman iha, baka mamaya niyan ay umayaw bigla iyang si Helena.” Sinabayan ni mommy ang kalokohan ni Alicia, kaya tiningnan ko si mommy na may pakiusap. Habang si Helena naman ay tahimik lang at parang ang lalim ng iniisip. “Sorry son, I just kidding like Alicia, right honey,” sabi naman ni Mommy kay Alicia. Umupo na kami nang dumating ang aming inorder. “So, Ali, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sa'yo kanina. Bakit na isipan mong bumalik dito?” muli kong tanong sa kanya. “Why, Brian? ayaw mo na ba akong makita?” “Hindi naman sa ganoon, nagtataka lang ako kung bakit biglaan rin ang uwi mo?” “Okay, aamin na ako, kailangan bang mawala ako sa kasal mo, eh kaibigan kita. Nabalitaan ko kasi kay tita na ikakasal ka na raw,” sabi nito sabay tinggin kay Helena. “So! Siya pala ang girlfriend mo maganda naman. Hindi na masama, pero mas maganda at disente pa rin si Tina.” Taas kilay na saad nito kay Helena. “Alicia!” babala ko, kakarating palang nito pero kataklisahan naman ang lumalabas sa bibig nito. “What! Wala akong masamang ibig sabihin sa sinabi ko. I just telling the fact! You know, that each person has a different view of our fellow human beings. Right Helena?” maang maangan na saad nito. Kaya napabuntong hininga si Helena at mabilis naman sumagot. “Yes, iba ako at iba naman talaga si Cristina. Tama ka naman, hindi ko nga mapapantayan ang dating asawa ni Brian at hindi ko maaalis ang babaeng unang minahal ni Brian sa puso nito. Pero wala naman akong balak makipag-higitan sa taong namayapa na, dahil buhay pa naman ako kaya kaya ko naman pantayan iyon kung gugustuhin ko, pero ‘di ko naman siya papalitan bilang unang minahal ni Brian.” Sagot naman ni Helena, kaya namangha ako sa isinagot nito, imbis na ma-offend ako sa sinabi nito ay natuwa pa ako, lalo na't parang natulos sa kinauupuan si Alicia. Habang si mommy naman ay napabaling ang tingin kay Helena at sumeryoso ang mukha. Helena NAPAISTATWA naman ako sa kinauupuan ko at hindi nakakibo habang niyayakap ng babaeng iyon si Brian. Yumakap naman pabalik si Brian dito. Maganda ang babae at may lahi dahil iba ang kulay ng mga mata nito, supestikada at may sinasabi sa buhay. Nang makalipas ang ilang minuto ay binitawan ng babae si Brian at tumingin sa akin. “Who's that girl!?” tanong nito sabay turo sa akin, kaya na inis ako sa inasal nito. Ginawa pa akong parang aso kung makaduro. “She's my wife, babe this is Alicia my childhood friend.” Pakilala naman ni Brian sa amin. Ngumiti ako rito kahit ng una pa lang ay ang bigat na ng damdamin ko para sa babae na Alicia ang pangalan. “Hindi pa siya asawa ni Brian iha, dahil hindi pa rin naman sila nagpapakasal.” May diing sabat naman ng mommy ni Brian. “Oh, hindi mo pa naman pala asawa fiance pa lang, marami pang pwedeng mangyari.” Maarteng saad ni Alicia at tiningnan ako ulit mula paa hanggang sa mukha ko. “Ali don't be rude with my fiance,” Mariing saad ni Brian, ngunit tumawa lamang ito. “I just kidding, ito naman ’di na kayo mabiro.” Pagak na tawa nito kaya nakitawa rin mommy ni Brian. “Oo nga naman iha, baka mamaya umayaw bigla iyang si Helena.” Sinabayan pa talaga ng mommy ni Brian ang kaplastikan ng babae. Mabuti na lamang at sinaway naman agad ito ni Brian. “Sorry son, I just kidding like Alicia, right honey,” sabi naman ng Mommy ni Brian doon sa babae. “Ang mabuti pa, dahil nandito ka na rin lang ay sumabay ka na Ali, sa amin para kumain,” saad naman ni Donya Belina at umupo na kami ng dumating ang inorder ni Brian para sa amin. “So, Ali, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sa'yo kanina. Bakit na isipan mong bumalik dito?” muling tanong ni Brian. “Why, Brian ayaw mo na ba akong makita?” maarteng saad naman ng babae. “Hindi naman sa ganoon, nagtataka lang ako kung bakit biglaan rin ang uwi mo?” Nakukulitang saad ni Brian dito ang dami kasing pasikot sikot ang babae. “Okay, aamin na ako, kailangan bang mawala ako sa kasal mo, eh kaibigan kita. Nabalitaan ko kasi kay tita na ikakasal ka na raw.” Sagot ng babaeng iyon, sabay tingin sa akin na para bang sinasabi nitong ‘Hindi matutuloy ang kasal mo kung wala ako.’ “So! Siya pala ang girlfriend mo maganda naman. Hindi na masama, pero mas maganda at disente pa rin si Tina.” Taas kilay na saad nito kaya nagpanting na ang tainga ko. “Alicia!” Babala naman ni Brian sa kaibigan nitong mukhang plastik na labanos. “What! Wala akong masamang ibig sa sabihin sa sinabi ko. I just telling the fact! You know that each person has a different view of our fellow human beings. Right Helena?” maang maangang saad nito at fluent na uminglis na para bang hindi ko maiintindihan. Kaya napabuntong hinga ako bago ako sumagot dito. “Yes, iba ako at iba naman talaga si Cristina. Tama ka naman, hindi ko nga mapapantayan ang dating asawa ni Brian at hindi ko maaalis ang babaeng unang minahal ni Brian sa puso nito. Pero wala naman akong balak makipag-higitan sa taong namayapa na, dahil buhay pa naman ako kaya kaya ko naman pantayan iyon kung gugustuhin ko, pero ‘di ko naman siya papalitan bilang unang minahal ni Brian.” Mahabang saad ko at parang natulos ito sa kinauupuan nito, maging si donya Belina ay maang na napabaling sa akin. Alicia I WAS surprised na palaban pala ang fiance ni Brian’s my love. Kaya nainis ako sa inasal nito. I Can't believe that a lady just embarrasses me in public, when I am trying to annoy her. I playing for this tulad ng ginagawa ko sa mga nagiging kasintahan ni Brian. Pero iba pala ang isang ito mukhang ma cha-challenge ako rito. She was so beautiful, aninado ako kaya lalo akong nainis sa babaeng ito. Sabi kasi ni tita na mas lamang daw ako sa babaeng pakakasalan ng anak nito. I was surprised at the way she talk to me na parang walang takot. Hindi niya yata kilala ang kinakalaban nito lalo na't kakampi ko ang mommy ni Brian. Kaya hindi uubra ang tapang nito sa akin. I don't f*****g care kung sino man siya, hindi ako natatakot sa kanya isa lang naman siyang mababang babae na walang ipagmamalaki ayon na rin sa mga nakalap kong impormasyon dito. Natapos ang aming dinner ng may hidwaan sa pagitan naming dalawa. Walang magpapatalo at kung meron man sisiguraduhin kong siya iyon at hindi ako. Ngayon wala na akong kaagaw kay Brian, dahil patay na ang asawa nito ay hindi ako makakapayag na isang babae lang na mahirap ang sisira sa matagal ko nang plinano para sa amin ni Brian. Nagawa ko ngang alisin sa landas namin ni Brian ang asawa nito, ito pa kayang babaeng ito na hindi pa napapakasalan ni Brian. I swear, I get what I want at kahit sa anong paraan ay makukuha ko na talaga si Brian. Masama kong pinakatitigan ang Helenang iyon bago ako nagpaalam sa kanila, para umuwi dahil wala pa akong pahinga mula ng makabalik ako galing Hongkong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD