CHAPTER 2

1630 Words
Helena KINABUKASAN ay maaga pa rin akong nagising, kahit hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi. Kung pwede lang sana ay panaginip na lang ang lahat ng iyon, pero alam kong mahihibang lang ako kapag iisipin ko na ganoon lang iyon. Kahit masama ang loob ko sa kapatid ko ay pinagluto ko pa rin ito ng agahan dahil balak kong kausapin ito kung totoo ang mga sinasabi ng lalaki kagabi sa amin. Kalahating oras lang ang lumipas ay nagising na ang kapatid ko na bakas pa rin ang mga bugbog nito sa mukha at katawan kasi nakahubad baro ito, hinubaran ko kasi ito ng linisan ko ang mga sugat nito. Kaya hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin na bihisan pa kagabi dahil nagagalit pa rin ako rito. “Kumain ka na at may pag-uusapan tayo!” madiing sambit ko habang padabog ko itong pinaghahainan ng makakain. Hindi naman, ito makatingin sa akin dahil, siguro naalala na nito ang nangyari kagabi. Pagkatapos nitong kumain ay nilapitan ako nito at sinuri ng maigi, tinitingnan siguro ako nito kung may ginawang masama sa akin ang mga lalaki kagabi. Itinulak ko naman ito at seryosong tinanong. “Totoo bang may utang ka sa lalaking iyon kuya?” nag titimping tanong ko rito, kahit na mas matanda pa ito sa akin ay hindi ako nangingimi ngayon na ipakita na nagagalit na talaga ako rito. Hindi lang kasi iisang beses na nangyari ang ganitong sitwasyon kaya lang ay mas malala ngayon, dahil malaking halaga na ang pinag-uusapan dito, dahil lang sa pagsusugal nito na matagal ko ng sinasabi ritong walang magandang maidudulot ang pagsusugal nito sa kanya. “’Di ko naman sinasadyang magkautang sa kanya na gipit lang ako.” Mababang sagot nito. “Ah! na gipit ka lang! O baka naman natalo ka dahil sa pagsusugal mo? kaya ngayon nagkautang ka ng ganyang kalaking pera? Alam mo bang malaking halaga na iyon kuya, tapos nilalang mo lang,” naluluhang sumbat ko sa kapatid ko. “Hindi ba sabi ko sa iyo, kuya, matagal na! Na Tigilan mo na ang pagsusugal mo dahil walang magandang maidudulot iyon sa atin. Pero ilang beses mo na bang ginawa ito kuya? Hindi ba hindi lang iilang beses, kuya! Maraming beses na, pero pinalampas ko lang kasi na gagawan ko ng paraan at dahil mahal kita, pero ngayon kuya 'di na ito biro. Saang kamay ng Diyos natin kukunin ang ibabayad natin sa lalaking iyon. Kuya sana nag isip ka ng ilang libong beses bago mo ito ginawa ulit.” Mahabang sumbat nko rito habang umiiyak na. “S-Sorry bunso, hindi ko sinasadya hayaan mo gagawan ko na lang ng p-paraan.” Nakayuko lamang na saad nito sa akin. “Sorry! Puro ka na lang sorry. Iyan na lang lagi ang sinasabi mo sa akin, ako naman itong tanga mong kapatid lagi kang pinag pagbibigyan, kuya nakakasawa na alam mo bang gusto na kitang sukuan! Pero hindi ko magawa dahil mahal kita, pero sobra ka na kuya!” Nahikbing sumbat ko na rito at hindi ko na napigilang umiyak ng malakas. “S-Sorry, talaga bunso, sorry!” Katahimikan ang namayani ng mga oras na iyon at puro lang sorry ng kapatid ko ang maririnig sa mumunting kusina namin. Maya-maya lang ay nagsalita ulit ako matapos kung maiiyak ang sama ng loob ko sa kanya. “A-Alam mo bang may mas m-madaling paraan para mabayaran ko ang pagkakautang mo!” Nauutal na saad ko sa kapatid ko. Kaya napaangat naman ito ng tingin at hinintay na sabihin ko ang paraan na sinabi ng lalaki kagabi. “A-Anong paraan!” Namimilog ang matang tanong nito sa akin na parang bang nabigyan ng pag-asa ang problema nito. “Isang linggo sa piling niya, kapalit ng utang mo at kapag pumayag ako hindi ka na niya raw ipakukulong! Ano kuya maaatim mo bang ako ang kapalit dahil diyan sa bisyo mo? Ah! Kuya?” nanunumbat na tanong ko rito at lumuluhang tiningnan ko ito ng hindi kumukurap. Yumuko na lamang ang kapatid ko at hindi makaimik dahil sa kagagawan niya ay mapapahamak ako, sana noon pa siya tumigil sa bisyong kay tagal na hinihingi ko sa kanya. “‘Wag na ‘wag mong gagawin iyan, Helena, huwag mo ng isipin pa ang problema ko, ako na lang ang gagawa ng paraan,” nagsalita ito matapos ng ilang minuto, pero sigurado na ako sa aking desisyon, sa ayaw at sa gusto ng aking kapatid ay nagdesisyon na akong tanggapin ang inaalok ng lalaki sa akin, pero hindi ko na ito sasabihin sa kanya. Pero alam ng Diyos na ginawan ko rin ng paraan para makalikom na kahit kinsemel lang para maipang down p*****t ko sa lalaki at pakiusapan ulit ang lalaki kapag nagkita kami mamaya ng lalaki. Kaya lang ay wala akong mahiraman dahil marami pa rin kaming pinagkakautangan na hindi pa nababayaran, dahil ang huling napatalo nito sa sugal ay sampung libong piso na hindi ko pa rin matapos-tapos mabayaran. Umutang kasi ako noon sa mga amo ko na pinag lalabhan ko, dahil kahit doon ay may mga utang pa rin akong kinakaltas sa sweldo ko. Kaya wala na talagang paraan, kundi ang tanggapin ko na lamang ang offer ng lalaking nag pabugbog sa kapatid ko. Kahit gaano naman kasi kalulong si kuya Agaston sa sugal ay ni minsan ay hindi ako nito pinagbuhatan ng kamay o gipitin para lang makapagbigay siya sa bisyo nito, kusa naman itong gumagawa nang paraan para magkaroon ito ng pansugal kaya lamang sa maling paraan. Kaya lang kapag natatalo ito ay wala rin ibang gumagawa ng paraan kundi ako lang, para mabayaran ang mga pinagkakautangan ni kuya Agaston dahil sa bisyo nito. Kaya nag pasya na ako ng hapon ding iyon, hiningi ko rin sa kapatid ko ang address ng Casino na pinagsugalan nito para puntahan ko ang lalaki at kausapin ko. Paalam ko sa kapatid ko na muli akong makikiusap sa lalaki. Napilitan namang ibigay sa akin ni kuya dahil wala naman itong magagawa kapag ako na ang magdedesisyon lalo na kung galit ako sa kanya basta nagbilin ito na hindi ko raw tatanggapin ang inaalok sa akin ng lalaki. KINAGABIHAN ay umalis na ako upang puntahan ang lalaki sa Casino para sabihin na pumapayag na ako at tatanggapin ko na ang offer nito alang-alang sa kaligtasan ng kapatid kong si kuya Agaston. Isang oras din ang byahe ko mula Taguig hanggang Makati, kaya nang makarating ako sa lugar kung nasaan ang lalaking iyon, ay kinakabahan akong inayos ang suot kong maong na pants at isang fitted na long sleeve na kulay puti, hindi ko na kailangan na presentableng kasuotan dahil demonyo naman ang haharapin ko. Nang makapasok ako ay namangha ako sa ganda ng paligid, ngunit hinarangan ako ng isa sa mga bouncer na naroon ng magiikot ikot ako upang hanapin ang lalaki, siguro dahil sa itsura ko kaya niya ako pinayagang makapasok. Magpoprotesta sana ko sa bouncer ng may mabilis namang pumigil dito at may binulong sa lalaki kaya napayukong humingi naman ng pasensya sa akin ang bouncer. “Paumanhin Miss. Tañola, pinapasabi nga pala ni Mr. Spencer na samahan ko raw kayo sa kanya.” Doon ko lang ito nakilala isa ito sa mga bodyguard ng lalaking iyon na bumugbog sa kapatid ko, pero ‘di ko na lamang ito sinungitan at alam naman ko namang trabaho lang ng mga ito na sumunod sa amo nila. Tumango na lang ako rito at pagkatapos ay umuna na itong naglakad, kaya mabilis naman akong sumunod dito, muntik na nga akong tumalikod at mag back out nang tuluyan ko ng makita ang taong hindi ko talaga gugustuhing makita pang muli. Pero iba ang sinabi ng puso ko, may pakiramdam akong nais ko pa ulit etong masilayan lalo na ang gwapong mukha nito. “Iwanan mo na kami, Conor,” sabi nito sa lalaking naghatid sa akin, gamit ang kaliwang kamay habang sinisinyasan na lumabas na ng pintuan ang lalaki. Nasa may anim na palapag kami, naroroon ang pinakamataas na parte ng Casino at ang buong floor na iyon na ay opisina lamang ng lalaki. Kaya lang parang hindi ito opisina kasi para itong isang sala dahil may nakalagay dito na magandang sopa at may malaking monitor na makikita sa loob niyon na kita ang iba't ibang parte ng loob ng Casino Royale, iyon yata ang CCTV na sinasabi ng iba. May dalawang pinto rin ang naroon pero ’di ko alam kung ano ang mga iyon. Sa kaliwang side naman ay may minie bar na may mga iba't ibang laman ng mamahaling alak. Natauhan lang ako sa pagkilatis ko ng opisina nito nang bigla itong magsalita, kaya hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ito. ‘Ano ang gagawin ko ngayon?’ “So! tinatanggap mo na ba ang alok ko sa'yo?” tanong nito sa akin na may kasamang nakakaakit na ngiti. “Mr. Spencer. P-pumunta ako rito d-dahil.” Nauutal kong sabi rito pero hindi ko maituloy ang mga sasabihin ko. Habang ito naman ay nag-uumpisa ng lumapit sa akin, kaya nagsimula na naman akong humakbang paatras. “Hindi mo kailangang ma-utal Miss Tañola, kausapin mo lang ako na parang matagal mo na akong kilala!” Bulong niya sa akin, dahilan para manginig ako, dahil malapit na ang mukha nito sa mukha ko. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba ng ipinatong niya ang kanyang palad sa pisngi ko, hawak pa nga lang nito ay para na akong mahihimatay, ano pa kaya kung lumagpas pa sa ganito ang gawin nito sa akin. Iniwan nang malambot na palad nito ang pisngi ko at tinahak ang tungki ng ilong ko, para hagurin iyon ng kanyang hintuturo hanggang sa dumapo ang palad nito sa likuran ng tainga ko pababa sa leeg ko kaya napapitlag ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD