Chapter 10

1528 Words
Brian EIGHT o'clock na ng umaga ng magising ako. Medyo masakit ang ulo ko. Nagtaka pa ako kung nasaan ako, kaya inilibot ko ang aking paningin nang may umungol sa aking tabi. Kaya napabaling ang tingin ko sa katabi ko at nakita ko ang magandang mukha ni Helena. Nagtataka pa ako kung paano ako nakapasok sa silid nito at pumikit para alalahanin ang nangyari kagabi. Naiminulat ko ang aking mata at napakurap bago ako napabuntong-hininga at saka ngumiti habang hinahaplos ko ang pisngi ni Helena. Malalim yata ang tulog nito kasi hindi ito nagmulat ng mga mata. Maya-maya ay naalimpungatan ito at gulat na napabangon, saka mabilis nitong hinawakan ang noo ko, kaya napangiti ako. “Salamat naman at wala ka ng lagnat. May masakit pa ba sa’yo? Ano ba ang nangyari sa'yo kahapon at nagkasakit ka?” sunod-sunod na tanong nito kaya inilagay ko sa labi nito ang aking hintuturo at pinatigil ko ito sa katatanong. “Sshh!! Isa-isa lang, para alam ko kung ano ang uunahin kong sabihin sa'yo.” Putol ko sa ano pa mang sasabihin nito. After kung pakatitigan ito ay sinasabi ko rito kung ano ang nangyari sa akin kahapon. PAGKAHATID ko kay Helena sa ospital ay dumiretso ako sa Casino, agad akong sinalubong ni Conor at saka niya ako sinamahan sa office ko, dahil nandoon na raw naghihintay sa akin si Mr. Ramirez kasama ang sekretarya nito. Pagkarating namin doon ay agad kaming nagkasundo sa pagpa-franchise sa Vigan kaya niyaya ako nitong tingnan ang lugar kung saan niya iyon itatayo. Pinuntahan namin ng umaga rin iyon ang lugar. Isang oras lang ang biyahe namin gamit ang aking private plane ay agad kaming nakarating sa Vigan City. Maganda ang Vigan malawak at may mga established na ang mga nakatayo roon at marami na ring tao. Maganda nga ang magtayo roon ng Casino dahil malawak, habang nag uusap-usap kami ay bigla na lamang umulan ng malakas. Nakapagtataka nga lang dahil maganda naman ang panahon kanina. Dahil wala pa naman masisilungan at medyo napalayo kami sa private plane na dala ko ay nabasa kami ng ulan. Dahil sa nangyari ay nagyaya na lang akong umuwi para naman maabutan ko pa si Helena, dahil na mimiss ko na ito, kahit saglit pa lang kaming hindi nagkita. Maaga pa naman, kaya nakabalik kami agad akala ko ay masusundo ko pa si Helena. Ngunit nag iiba na ang pakiramdam ko dahil basang basa na talaga ako ng ulan at hindi ako makapagsalita dahil biglaan lang ang aming alis kaya hindi ako nakadala ng pamalit. Kaya nang makarating kami sa Casino Royale ay nagpahatid na agad ako kay Conor sa bahay, dahil medyo nahihilo na ako at hindi ko na kaya pang magmaneho at para na rin makapagpahinga ako bago dumating sina Helena. Hindi na rin ako dadaan sa ospital at alam kung hindi naman ito pababayaan nila Rigor. Pagkatapos kong makaligo at makapagbihis, galing Vigan ay iidlip muna sana ako, kaya lang maya-maya lang ay dumating na sina Helena, kaya pinilit kong salubungin sila, kahit masama na ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Pero hindi ko iyon hinayaang makita ni Helena, dahil ayaw kong makitang mag alala pa ito sa akin. Malungkot pa rin ang mga mata nito, ngunit maaliwalas naman ang ngiti nito lalo na ng makita niya akong nag aabang sa kanila sa labas ng mansyon. Kinausap ko muna saglit si manong Victor, kung okay naman ang pagbabantay nito kay Helena at ng masigurado kung okay naman ang lahat ay pinauwi ko sila ni Rigor at saka naman ako lumapit kay Helena na nakangiting binati ko. “Kumusta ang maghapon mo sa ospital?” tanong ko kahit medyo lumalabo na ng kaunti ang tingin ko rito, dahil sa tumitinding kirot ng ulo ko, pero hindi ko pa rin iyon pinahalata rito. “Okay lang, masaya dahil na alagaan ko si kuya, habang nandoon ako, thanks for today dahil pinayagan mo akong dumalaw, sa kanya.” Sagot naman nito. Habang pumasok na kami sa loob ng Mansyon ay ikinuwento nito ang nangyari ng araw na iyon. “Salamat talaga Brian,” muling saad nito sa akin, kaya kunwaring seryoso akong tumingin dito. “Hindi ba sabi ko sayo, tigilan mo na ang paghingi mo sa akin ng pasasalamat. Dahil baka sa ibang paraan pa kita singilin kapag na narindi na ako kapapasalamat mo,” sabi ko na may seryosong tingin. Napaatras naman ito nang bigla kung inilapit ang mukha ko rito, kaya namula ang pisngi nito. Kaya lalo ko pang inilapit ang mukha ko, hanggang gahibla na lamang ang layo ng mga mukha namin at balak ko na sana itong halikan. Pumikit naman ang mga mata nito na parang hinihintay na lang na halikan ko ang mapupulang mga labi nito. Ngunit lalo lang lumabo ang tingin ko hanggang sa gumaan na lang ang pakiramdam ko at iyon na ang huli kong natatandaan, dahil dumilim na lang bigla ang paningin ko dahil sa sama ng pakiramdam ko. IYON ang nangyari sa akin kahapon kung bakit ako nilalagnat iyon ang sinabi ko rito habang nakaupo kami sa kama. Kaya bilang pasasalamat ko rito ay niyaya ko na lang itong kumain kami sa labas, matapos kung ikwentuhan ang nangyari sa kahapon sa akin sa Vigan. Pinaunlakan naman niya ako kaya masaya akong nagbihis matapos kong maligo, okay na rin naman ang pakiramdam ko dahil sa pag-aalaga sa akin ni Helena kagabi. Kinuha ko na ang phone ko matapos kong makapagbihis at saka lumabas na ako ng silid ko, dahil baka naghihintay na siya sa akin sa labas. Belina SABIK na sabik na ako na akong umuwi dahil gusto ko nang makita ang aking anak. Lalo na ng sabihin nitong may kinakasama na naman itong babae at nagbabalak ng magpakasal ulit. Wala pa sana akong balak umuwi. Kaya lang ay ayaw ko namang bigla na naman itong magpakasal ulit na hindi ko man lang nakikilatis ng mabuti ang mapapangasawa ng aking anak. Kaya pagkarating ko pa lang sa Maynila ay dumiretso na ako sa bahay ng aking anak. May bahay naman akong sarili, ngunit wala na rin naman akong uuwian doon dahil wala na ang pinakamamahal kong asawa kaya malulungkot lang ako roon. Kailangan ko rin kasing makita ang babaeng papakasalan ng aking anak para mabantayan ko ito at makilatis. Dahil paano na lang kung mukhang pera ang babae at habol lang nito ay pera ng aking anak? O kaya niloloko lang ng babaeng iyon ang aking anak at piperahan matapos siyang mahalin at ibigay ang luho mga ng aking anak at sa bandang huli ay masasaktan na naman ito. Kaya hindi pwedeng wala akong gawin, gusto ko mapunta ang aking anak ulit sa taong tulad ng nauna kong manugang. Lumabas na ako mula sa magarang sasakyan ko, dahil nasa tapat na ako ng bahay ng anak ko. Habang inalalayan ako ng aking tagapag-alaga. Kinuha na rin nito ang mga bag ko at pumasok na kami sa loob ng mansyon ng aking anak. Wala pa ring pagbabago ang bahay nito sa halip ay lalo lamang iyong gumanda at lumawak. Pagkatapos kong makatanggap ng pagbati mula sa gwardiya na nakakilala sa akin ay taas noo at poise akong pumasok sa loob ng bahay. Sakto namang lumabas ang mayordomang matagal nang naninilbahan at nag alaga sa aking anak, agad naman itong lumapit sa akin at masaya niya naman akong binati. “Magandang hapon po Senyora! Kailangan pa po kayo dumating?” tanong ni Manang Milba. Ngunit imbis na batiin at sagutin ko ang pangungumusta nito ay iba ang namutawi sa bibig ko. “Naasan si Brian, Milba, at ang girlfriend daw nito?” Ibinaba ko na ang bag isa sa couch at para akong reynang umupo. At tumingin ako sa paligid at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay ng aking anak. Sa isip ko ay malaki na ang pinagbago ng loob niyon ng mawala ang unang manugang kong si Cristina. “Umalis po sila ma'am, kumain lang sa labas. Pero baka po mamaya ay narito na sila.” Sagot ni Milba sa akin. “God, bakit pa sila kakain sa labas kung pwede naman sila dito magpaluto upang mananghalian? Sinasabi ko na nga ba at maluho ang nakuhang pakakasalan ulit ng iyong alaga,” nakataas ang kilay na saad ko naman kay Milba. “Ang tagal-tagal na mula ng umuwi ito at marami na nga ang nagbago, pero itong matandang ito kahit kailan 'di na talaga nagbago, kuripot at matapobre pa rin. tssh!” Bulong nito kaya napataas ang kilay ko, “May sinasabi ka ba, Milba?” mataray na tanong ko. “Ahm, wala po Senyora, sabi ko po ay nandiyan na po sina Sir, Brian at Ma'am Helena, nakauwi na ho,” sagot naman nito. “Akala ko may sinasabi ka, but anyway, mabuti ng nandito na sila at nang makilatis ko ang babaeng iyon, baka ni wala sa kalingkingan ni Cristina ang babaeng iyon.” Maarte at nakataas kilay na sabi ko naman. Napabuntong hininga naman ang mayordoma sa sinabi ko sa babaeng kasintahan ng alaga niya. But i don't care ang importante ay mamilatid ko na ng maaga ang babaeng pakakasalan muli ng aking anak na si Brian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD