Nahigit ko ang paghinga habang nagbabalik sa alaala ko ang isang partikular na kaganapan sa nakaraan.
"Quinn? Anong koneksiyon niya sa mga Freglio?" nalilito kong usal.
Ang mga Freglio ang royalty na kaibigan ni Lolo Nicholai kung saan ko naranasaan ang tamis ng unang halik at sarap ng unang orgasmo.
Tumaas ang kamay ko upang lumapat doon sa pamilyar na desinyo.
" Who are you?"
"s**t!" napamura kong sigaw nang biglang isang baritonong boses ang nagtanong.
Mabilis ko ring naibaba ang kamay na para bang nahuli akong may kalapastangang binabalak gayong gusto ko lang bamang damhin iyong mga diyamanteng nakadesinyo sa flag.
Nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses ay literal na umawang ang mga labi ko.
Oh my God!
Halos 'di ako makahinga habang natatanaw ang isang lalaking nagtataglay ng napakaperpektong mukha.
Ngayon lang ako nakakita ng isang lalaking pwedeng ihanay at tingin ko ay mas nakakalamang sa kagwapuhang taglay ng mga lalaki sa pamilya ko.
Di na bago sa'kin ang gwapong mukha dahil natutulog ako at nagigising na iyong nag-gugwapuhang mukha ng mga Daddy at dalawa kong kapatid ang nagpakalat-kalat sa bahay namin... pero kakaiba pa rin ang mukhang taglay ng lalaking kaharap ko ngayon.
Siguro nakadagdag din sa karisma niya ang magandang hubog ng kanyang katawan na kasalukuyang nakabalandra sa harapan ko dahil wala siyang suot na damit maliban sa tuwalya na nakatapis sa kanyang baywang at parang nanganganib na malaglag sa paanan niya.
Mapanukso ang baba ng pagkatali ng nasabing tuwalya kaya kitang-kita ko ang V-line niya at pinong tubo ng buhok na sumisilip mula sa natatakpang bahagi. Eksaherada akong napalunok nang parang mag-zoom ang mga mata ko sa ugat niyang namaybay sa nasabing v- line.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin mula roon at sa mukha niya itinuon ang mga mata pero maging sa bahaging iyon ay mukhang magkakasala pa rin pala ako.
Parang gusto kong mainggit sa bawat butil ng tubig na nagmumula sa basa niyang buhok na naglandas sa makinis niyang mukha pababa sa leeg patungo sa kanyang balikat at humahalik sa matipuno niyang dibdib... bumaba sa mga pandesal niya sa tiyan pababa pa hanggang sa umabot at naglaho ang mga ito sa nakabuhol niyang tuwalya.
Sa bandang huli ay bumabalik pa rin ang tingin ko sa iniiwasan kong tanawin.
Wala sa oras akong napalunok sabay hawak sa tapat ng dibdib ko. My gosh! Hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng katawan ng lalaki pero
sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay aatakehin yata ako.
"Who are you? Paano ka nakapasok dito?"
Para akong nagising sa pagpapantasya nang muli ay galit na nagtanong ang kaharap kong gwapong nilalang.
"E-hem, Mr. Shawn Quinn?" paninigurado ko pero nang di siya umimik ay lumapit ako sa kanya at naglahad ng kamay. "I am Khaila Carson, ako po ang pinadalang representative ni Mr. Klaus Carson para sa meeting ninyo," pakilala ko.
"The meeting was already cancelled! Nasabi ko na kay Mr. Carson na di ako makikipag-usap sa kahit na sinong ipapadala niya," matigas niyang saad at deadma lang ang nakalahad kong kamay.
Diretso lang siyang nakatingin..... sa likod ko?
Napalingon tuloy ako sa likuran ko dahil baka may ibang tao siyang tinitingnan pero maliban sa pader ay wala namang ibang naroon kaya kunot noo kong binalik ang tingin sa kanya.
Matalim ang kislap sa abuhin niyang mga mata pero kahit sa direksiyon ko nakatuon ang mga iyon ay hindi iyon direktang tumama sa'kin.
" Well, nagsasayang lang pala ako ng oras?" kunot-noo kong tanong habang dahan-dahang winagayway sa harapan ng mukha niya ang isa kong kamay.
Di ko napigilan ang mapasinghap nang mapagtantong tama ang hinala ko, di siya direktang nakatingin sa'kin dahil di siya nakakakita.
Marahas ang ginawa niyang pagbaling sa'kin nang marinig ang pagsinghap ko.
Sa gulat ko dahil sa natuklasang kalagayan ng paningin niya ay 'di ko napaghandaan ang mabilis niyang pagkilos at iglap lang ay hawak na niya ang baywang ko kasabay ng pagkamatay ng lahat ng ilaw sa paligid.
Sunud-sunod na mura ang namutawi sa mga labi ko nang mapagtantong wala akong maaninag dahil sa dilim.
"Wala ka bang nakikita?" nang- uuyam niyang tanong sa'kin.
Sobrang lapit niya ay damang-dama ko ang bawat dampi ng mainit at mabango niyang hininga sa mismong mukha ko.
Pinilit kong labanan ang nakakaliyong sensasyong dulot ng pagkakalapit namin nang ganito.
" Let me go," pilit kong piglas mula sa mariin niyang pagkakahawak.
Gusto kong mataranta dahil dami ko ang panghihina ng mga binti ko dahil sa pagkakadaiti ng hubad niyang katawan sa'kin.
"Wala kang makita, wala rin akong makita...so it's a tie," puno ng sarkasmo niyang pahayag at binalewala ang pagpupumiglas ko.
Gwapo siya pero nakakainis na siya!
"It's not a tie, bastard! Wala lang akong makita dahil madilim pero ikaw kahit maliwanag ay wala ka pa ring makita!" inis na inis kong sigaw.
" Wala man akong makita sa maliwanag pero kitang-kita kita sa dilim."
Di ko mapigilang manigas dahil sa binulong niya.
What the hell! May sa demonyo pa yata ang lalaking ito!
"I can see your desire, I can almost taste it! You let another man touched you," may pag-aakusa niyang sabi.
" W-what?" gulat kong bulalas.
Di ko alam kung saan ako mas nagulat sa una niyang sinabi o doon sa huli.
"His filthy smell is all over you!" nagtagis ang bagang niyang saad at lalo akong idinikit sa matigas niyang katawan kasabay nang paglapit ng ilong niya sa leeg ko.
Inaamoy niya ako!
Isang mapanganib na ungol ang lumabas sa bibig niya bago ko naramdaman, ang paglapat ng mga labi niya sa collarbone ko kasabay nang pagdiin ng mga ngipin niya doon.
He's biting me!
Imbes na magpumiglas ay para akong nawalan ng lakas kasabay nang tuluyang panghihina ng mga binti ko kaya kusang napakapit sa matitipuno niyang braso ang dalawa kong mga kamay.
" Oh God!" hiyaw ko nang mas lalo pang dumiin ang pagkakalapat ng mga ngipin at labi niya sa balat ko kasabay nang pagsapo ng isang kamay niya sa pang-upo ko.
I'm melting in his arms! Di ko alam kung paano kontrolin ang pagragasa ng kuryenti at init sa buo kong katawan.