chapter 3

1002 Words
QUINN... Isa sa pinakamataas na building sa buong siyudad. Kahit sanay ako sa karangyaan ay di ko pa rin maiwasang hangaan ang glamorosong ayos ng buong lugar. Nagsusumigaw ang di matawaran na tagumpay ng QUINN sa bawat sulok ng lugar. Ang buong 150 floors na building ay pagmamay-ari ng misteryosong business tycoon na naghahari sa buong Asya at Europa. Itong buong building ng QUINN ay nagsisilbing business headquarter ng lahat ng mga negosyong hawak ni Shawn Quinn dito sa Pilipinas. Dito rin sinasabing tumutuloy lahat ng mga empleyado nilang pawang foreigners. Iilan lang ang mga Pilipinong nagtatrabaho kay Mr. Quinn at pagtapak ko pa lang sa lobby ng building nila ay British nationals ang nagsisilbing guard ng main entrance. Pagkapasok ko ng building ay para na rin akong nasa ibang bansa dahil mga banyaga ang mga nakatoka sa reception area. So far, ay wala pa akong namataang Pinoy na empleyado dahil kahit ang janitress ay isang foreigner. "Good morning, Ma'am, what can I do for you?" nakangiting bati sa'kin ng isa sa mga receptionist. " I am here on behalf of Mr. Klaus Carson for his meeting with Mr. Quinn," seryoso kong sagot. Di nakaligtas sa'kin ang bahagyang pag-iba ng awra ng kausap ko kahit may nakapaskil pa ring ngiti sa mga labi nito. "Just wait a minute, Ma'am, I'll just confirm your appointment," malumanay nitong sabi. Di ko napigilang magtaas ng kilay dahil sa kilos ng kausap ko ay halatang di haharap si Mr. Quinn kahit kanino maliban lang kay Daddy na siya talagang ka-appointment nito. Hindi niya maitatago ng propesyunal na ngiti ng kaharap kong empleyado ang bagay na iyon. Isa pa ay piling mga tao lang talaga ang nabigyan ng pagkakataong nakaharap ang isang Shawn Quinn. Ngayon ko nga lang narinig na nakipag-negotiate rin pala ang kompanya namin sa misteryosong business man ba ito. Habang may tinawagan iyong babae receptionist sa telepono ay pasimple akong tumalilis patungo sa kinaroroonan ng janitress na namataan ko kanina. Abala ang lahat sa mga kanya-kanya nilang ginagawa kaya wala masyadong mga matang nakatutok sa'kin at kung meron man ay walang naghinala sa balak kong gawin. " Hi, good morning," matamis ang ngiting bati ko sa nilapitang janitress. " Good morning po Ma'am," sagot nito. "Wow! Marunong kang mag-tagalog?" kunwari ay gulat kong tanong kahit matagal ko nang alam na isa sa requirements ng mga foreigner employees ng QUINN ay ang pagiging magaling sa tagalog. " Oo naman po," may pagmamalaki nitong tugon. "Hay, salamat naman. Bago lang kasi ako rito at inutusan akong dalhin itong files kay Mr. Shawn Quinn pero ang problema ay di ko matandaan iyong sinabing floor no'ng nag-utos sa'kin," kunwari ay namumroblema ko talagang sabi habang pinapakita ang dala-dala kong folder na wala namang laman dahil dinikwat ko lang ito kanina no'ng malingat iyong babaeng receptionist. Hindi lang ako mabilis mag-isip, mabilis din iyong kamay ko in a good way. " Naku, restricted area iyong floor ni Sir Quinn. Tiyak, pinagkatuwaan lang po kayo ng nag-utos sa inyo kasi pinakaunang rule sa employee manual ay bawal pumunta sa 149th floor." BINGO! 149th floor! Itinago ko mula sa kausap ang ngiting tagumpay na gumuhit sa mga labi ko at tanging kiming ngiti ang binigay ko rito. "Oo nga noh? Baka niloloko lang ako ng isang iyon," may pakamut-kamot ko pang sagot. " Tsk, balikan mo po iyong nag-utos sa'yo at ipaalala mo iyong nakasaad sa employee manual," udyok nito sa'kin. "Sige, maiwan muna kita. Thank you hah.. Kung hindi dahil sa'yo ay tiyak sesanti na ako," sinsero kong pasasalamat pero sa ibang dahilan. Nakangiti kong iniwan ang janitress at walang pagmamadaling tinungo ang hilera ng mga elevator. Agad akong pumasok sa isang nagbukas na nagbaba ng ilang mga empleyado. Taas-noo at may ngiting nakaoaskit sa mga labi kong pinagmasman ang unti-unting pagsasara ng elevator matapos kong pindutin ang pakay na floor number. Malas lang nila at wala yatang security alert kung sakaling may gustong sumubok na umakyat sa pinagbabawal na palapag. No one will tell Khaila Carson to wait for even a second kaya Mr. Shawn Quinn, brace yourself because I'm coming for you. Ilang sandali lang at narating ko na ang 149th floor. Nakakapagtatakang dire-diretso ang sinakyan kong elevator at wala man lang stop-over sa ibang floor. Siguro gano'n talaga kapag patungo sa floor 149. Nang humakbang ako palabas ng elevator ay agad sumalubong sa'kin ang katahimikan ng buong floor at iisang pinto lang ang agad kong namataan. Hindi ko na binigyang pansin ang aristokratong pagkaka-desinyo ng buong lugar at mabilis kong tinungo ang nag-iisang pintong narito. Hindi ko mapigilang maintimida sa magaramg double door nang malapitan ko ito. It reminds me of a door I've seen once while visiting a palace. Nang pihitin ko ang elegante nitong door knob ay napagtanto kong hindi ito naka-lovk kaya walang katok-katok akong pumasok. Agad kong pinasadahan ng tingin ang paligid pagkapasok na pagkapasok ko. Medyo dim ang lighting ng lugar at napagtanto kong isang magarbong receiving area ang napasukan ko. Wala akong nakikitang tao pero may naririnig akong malakas na tugtog ng isang classical music na nanggaling sa kung saan. Di ako mahilig sa music pero alam kong classical ang kasalukuyang tumutugtog kasi mahilig din sa ganitong music si Granla Niña. Tumuon ang atensiyon ko sa marangyang detalye ng interior design ng buong silid na para bang idinesinyo ito para sa isang maharlika. Mayaman naman ang pamilya namin pero masasabi kong hindi ganito kaengrande ang desinyo sa bahay namin at maging doon sa ancestral mansion ng aming pamilya. Isang foreign flag na gawa sa iba't ibang kulay ng diamonds na nakadisplay sa isang buong pader ang kumuha sa atensiyon ko. Wala sa sariling napahakbang ako palapit dito habang kunot-noong pinamasdan itong maigi. May naalala ako sa flag na ito. Six years ago noong fifteen pa lang ako ay ganitong desinyo rin iyong nakita ko sa silid na iyon bago namatay iyong ilaw at binalot ng dilim ang paligid kasabay ng pagyapos sa'kin ng kakaibang init na tumupok sa buo kong pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD